PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Raven, ilang taon ka na?"

Napatingin ako kay Ate Christine na ngayon ay naghihintay ng sagot ko "Fourteen po" sagot ko

"Oh! Ayun, pwede ka na pala mag-start mag-practice sa sabado ng tambourine para maturuan ka at  makasayaw ka na sa Praise and Worship" Masigla niyang sabi.

"Anong oras po ba ang practice ng tambourine?" Tanong ni Mama kay ate Christine.

"6pm to 8pm mostlikey, pero 'wag po kayong mag-alala mother, marami din naman po sila, ipapahatid po namin sila umuwi" sagot naman ni ate Christine kay Mama. Ilang beses pa uli nagtanong si mama tungkol sa practice.

Kumaway ako kay Kiara nang makita ko siya sa di kalayuan "Ayan si Kiara, sabay na kayo ni Raven, magpractice sa sabado" ani ni Ate Christine.

"Kinausap ka rin?" Bulong niya, tumango ako "Prapractice ka na sa sabado?" Tanong ko sa kaniya, nagkibit balikat siya "Hindi ko pa alam 'e, papaalam pa ako kay nanay, gabi na kasi matatapos baka 'di ako payagan, ikaw?"

"Magprapractice ako kung magprapractice ka" sagot ko sabay tawa. "Gusto ko na sumayaw, like legit nung last Saturday nagpractice na daw sila Fianna at Fionne, makakasayaw na ata sila sa next sunday"

"Akala ko ba 3 saturday na practice, or atleast one month bago makasayaw?" Kunot noo kong tanong.

"Tambourine kids na kasi tayo dati, kaya binigyan ata tayo ng exception sa 3 or more practice kasi alam naman na natin yung mga pattern, kapag daw nakapagpractice ka kunwari sa saturday, pede na sumayaw sa next sunday, bali isang practice lang tas pwede ka na masayaw kasama mg senior dancers" paliwag niya, narinig ko naman ang tawag sa akin ni mama na mukhang tapos na kausapin ni Ate Christine.

"Raven, tara uwi na tayo- oh kiara ikaw pala yan, magprapractice ka rin ba sa tambourine sabay na kayo ni Raven para may kasama siya" Si mama.

"Ay nasabihan ko na yan si Kiara, baka sabay silang makasayaw ni Raven, pwede na sila next next Sunday kapag nagstart na sila magpractice sa Saturday" sabi naman ni Ate Christine.

"Di parin po ako sure ate Tine, baka di rin po kasi ako payagan ni nanay"

"Ay, ano na bahala kay nanay cora, ako na kakausap don, papayagan ka non for sure" pag-iimbita pa ni Ate Christine. Natawa na lamang kami sa pangungulit ni Ate Tine.

Bata pa kami nung napunta kami dito sa church, si Mama katulad ko, nanggaling talaga ang pamilya siya sa Catholic, although catholic sila, depende sa occasion lang sila nagsisimba, tuwing mahal na araw at pasko. Noong dalaga daw si Mama, naimbitahan daw siya ng mga kapwa niya kabataan na nagsisimba sa born-again Christian na church, hanggang sa nagtuloy tuloy na ang pagiging active niya doon.

Isa siya sa mga kabataan nanghihikayat pa ng ibang kabataan na maging active sa mga activity ng church, madalas niya ikwento yung masasayang bonding nila ng mga kabataang kaibigan niya na halos kasabay na niya lumaki, at lahat iyon naranasan niya dahil sa pagiimbita sa kaniya. Which is isa nakapalaking blessing natanggap niya sa buhay niya. Natigil lang nung halos nagkaroon na sila ng kaniya kaniyang pamilya at nagka-edad na kaya nahiwa-hiwalay na sila.

Ako, katulad ni mama, naimbita lang din ako sa isang activity ng simbahan na nanghihikayat ng mga bata at turuan tungkol sa mga salita ng Diyos, tuwing Summer ginaganap yun, Vacation Church School (VCS) ang nagdala sa'kin kung nasan man ako ngayon.

Almost 8 years na akong nandito and still building and keeping my fire with God, but the pandemic really test me, and nawalan akong halos ng ilang taon upang makapag-umpisa sa kabataan ng church.

Now that I'm 14, this is a fresh start for me.

Group Chat: Send Pogi

Fianna: Prapractice daw ba kayo ngayon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Precious Secret Where stories live. Discover now