VI.
[3 YEARS AGO]
After I lost everything and we moved to Switzerland, I find it hard to detach myself from everything and everyone I have left behind sa Pilipinas.
I deactivated all my social media accounts, but I still made a dummy one to follow all EndMira members. Glad they're all public figures kaya kahit papaano, updated pa rin ako sa mga ganap nila.
It's harder to follow Timi and Ayen dahil parehong naka private ang mga accounts nila but I still get some updates from them through the other members.
Sa unang taon ko sa Switzerland, naging escape ko ang panonood ng contents ng EndMira. Mga shows nila, mga guestings. Nakaabang din ako sa bawat music na ilalabas nila. I see how Geo smiles in front of the camera during interviews. I saw him laugh with the fans, jokes around with the members.
Makes me wonder if those are real smile? I know nasaktan siya ng umalis ako nang walang pasabi. Alam kong nagalit siya sa akin. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya galit, kung hanggang kailan niya pinepeke ang mga ngiti niya.
Hindi ko alam kung naka move-on na ba siya at nakalimutan na niya ako?
Ang hirap kung sa screen mo nakikita, hindi mo ma-determine kung ano ang totoo.
I want Geo to move on from me of course. I want him to be happy and not be in pain anymore. But I'm lying to myself kung sasabihin ko na hindi ako masasaktan doon. Afterall, ako itong hindi makalimot at maka move on.
So I decided to stop too. Alam kong hindi ako makakausad sa buhay kung magiging attached ako sa mga iniwan ko. I deactivated everything. I stayed away from social media. Kahit na kating kati ako i-check kung kumusta na sila, pinigilan ko ang sarili ko.
For two years, wala na akong balita sa EndMira at kay Timi. Pero may isang araw na narinig kong nag uusap ang dalawang Filipina kong ka trabaho dito sa restaurant kung saan ako nag w-w-work.
"Ang sad naman, naka indefinite hiatus ang EndMira," sabi nung isa.
"Nabasa ko 'yan. Gulat ako diyan kasi 'di ba ang successful nung last album nila? Kita ko nga dami nag punta sa concert nila. MOA Arena pa sila nag perform. Sold out concert daw."
"Mag f-focus daw muna sa solo activities. Ano kayang nangyari?"
"Baka may inggitan na naganap."
"Baka. O nag away away na yang mga yan."
I was curious and worried after hearing that. I don't believe na nag away away ang EndMira dahil sa inggitan o kung ano pa man. If there is one thing I'm sure of, their brotherhood is strong at hindi madaling mabali yun.
But then, I wasn't there with them nitong mga nakaraang taon. Ako nga, nang iwan na lang eh. Hindi ko alam ang mga nangyari.
But as much as I'm curious, hindi ako nag research. Hindi ako nag online.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Geo.
~*~
[PRESENT TIME]
"Welcome to Marahuyo!!" masiglang bati sa akin ni Hershey right after the HR left me in his office.
Mabilis na lumapit sa akin si Hershey at niyakap niya ako habang nagtatatalon. I can't help but to jump out of joy with him.
It's officially my first day sa Marahuyo.