DilimSa mga nagdaang araw medyo na guguilty pa rin ako sa ginawa ko. Sa mga pinagsasasabi ko tungkol sakanya, kahit pa sabihin nating nadala lamang ako ng emotion hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para magbitiw ako ng mga ganoong klaseng mga salita sakanya. Tama siya, doctor siya at trabaho niya lang iyon, ginawa ko lang talagang big deal.
May karapatan naman talaga siyang malaman kung bakit hindi ako pumupunta sa check ups ko at sa pagpapa chemo at inaamin ko na mali ako sa part na kung saan kung ano-ano pa ang mga sinabi ko sakanya, kasalanan ko iyon. Masyado akong naging marahas at hindi maingat sa mga salita na sinabi ko.
And true to his words iba na nga ang doctor ko, hindi nga talaga siya bumalik simula non. May ilang interaction kami lalo na nong sa kambal pero yun na yun. Nagulat nga rim yung kambal nang malaman nila kung sino yung naka assign sakanila para tumingin.
Ramdam ko yung tense sakanilang tatlo. May mga parts na nag uusap sila pero tungkol lang iyon sa kung ano ang kalagayan nila.
Week after that tuluyan na ngang nakalabas ang kambal. At tungkol naman kay Yuki? Sabi ni tita ay tuloy tuloy daw ang pagbuti niya. Unti-unti ay nakakapag udjust naman daw ang body niya sa bago nitong puso at masaya ako para sakanya.
Hindi na ako nakadalaw pa kay Yuki bago kami umalis dahil na rin sa naging abala ako, lalo na sa museum kung saan ako nagtratrabaho.
Oo tama. Nagtratrabaho na ako. Ito na yung pinagkakaabalahan ko simula nung lumabas ako ng hospital. Noong una kulang nalang ikulong ako nila daddy sa bahay para lang hindi ako makpagtrabaho, syempre halos kalalabas mo lang tapos gusto mo magtrabaho agad? Syempre naiintindihan ko yung galit nila, alam ko naman na nag-aalala lang sila saakin lalo pa't hindi sanay ang katawan ko sa pagtratrabaho dahil ilang taon din ako sa hospital at nakahiga lang halos sa kama.
Kakain. Matutulog. Gagala sa loob. Kakain. Matutulog. Gagala sa loob. Paulit-ulit nalang at nakakasawa.
Dagdag pa na hindi sumasabay ang condition ko. Pero gusto ko lang naman magawa yung mga normal na nagagawa ng ibang mga tao na walang iniindang sakit na kagaya ko.
Yung magtrabaho.
Kahit na yung mga ganito na sa museum or kahit sa caffé man lang. Matagal tagal din ang pangungumbinsi ko sakanila bago ko sila napapayag.
Actually sakanila mama at daddy lang talaga ako totoong nahirapan sa pangungumbinsi. Yung kambal kasi support naman sila saakin basta raw ipangako ko lang na hindi ako mapapahamak sa mga ginagawa ko.
Makulit na sa makulit pero gusto ko lang talaga magawa yung mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Gusto kong ma feel na normal ako, na walang bawal. Kahit ngayon lang gusto ko munang kalimutan ang lahat ng sakit.
"Ikaw ha, ang tagal mong nawala alam mo bang ang daming naghahanap sayo? Lalo na yung mga estudyante na nai totour mo dito." bungad saakin ni Ester nang madatnan niya ako sa locker na nag aayos ng gamit.
Oo nga pala hindi ko nabanggit sakanya ang nangyare.
"Nagtanong tanong ako kila Ma'am Lorna, yung manager natin. At ang sabi on leave ka daw, tinanong ko kung bakit sabi hindi mo naman daw nabanggit sabi mo lang ay importante."
"Teka ano nga bang dahilan?" tanong niya.
Tinapos ko muna saglit ang ginagawa bago ko siya hinarap na nakahalukipkip sa hamba ng pintuan ng mga locker at sinagot.
"Naaksidente ang kambal."
Kita ko naman sa itsura niya ang labis na gulat at pagtataka.