5

34 1 0
                                    


5: Ang Itim na Engkanto

Para akong mababaliw sa sobrang sakit ng ulo ko parang mabibiyak na ito. “Hindi ko na kaya ang sakit...!” hindi ko namalayan umagos na ang mga luha sa aking pisngi.

Kahit anong gawin ko mas lalong lumala. Napasigaw ako sa pangalan ni Donya Corason upang humingi ng tulong ngunit hindi alam ang gagawin niya sa halip nag madali ito palipat lipat ng pahina. Parang may hinahanap siya na maaaring makatulong sa akin.

“Sandali lang!” natarantang sambit niya.

Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang ulo ko. May ilang binitawan salita na hindi ko maunawaan, pagkatapos niya bigkasin ay saka niya naman ako hinipan sa noo.

Gumaan pakiramdam ko, parang siyang albularyo sa kaniyang kinikilos ngunit mas hamak na magaling siya sa albularyo.  Naniniwala na ako na isa siyang Engkanto subalit may gumugulo sa akin isipan tungkol sa wangis ng Engkanto, ayon sa mga matatanda sa pinagmulan ng mundo ay pinaninniwalaan pangit ang wangis ng mga Engkanto at ang iba sa kanila ay may hindi pangkaraniwang hitsura.

“Mabuti naman ayos ka na iha. Kung naririnig mo ang kampana at na apektado ka nito sa tunog. Ibig sabihin ay kagaya ka namin.”

Lumayo siya sa akin saka nag tungo sa harap ng bintana habang nakatingin sa labas. Biglaan nag sitayuan ang balahibo ko sa buong katawan parang may paparating na panganib. Pakiramdam ko tila parang pamilyar sa akin  sa tuwing nakasalubong ko ang mga itim na Engkanto sa Hardin namin. Parehong pareho ang pakiramdam ito, napagtanto ko may papalapit sa amin.

“Donya Corazon, Anong nangyayari? Bakit hirap ako makagalaw? Ang bigat parang may enerhiya na humila pa ibaba at pinipigilan ako nito maka kilos.”

Napalingon sa akin si Donya Corazon, Kitang-kita ng dalawang mata ko, kung paano lumabas sa kaniyang palad ang  isang halaman na may mahahaba at payat na tangkay na pumupulupot at gumagapang sa sa sahig at bintana.

Sa isang iglap nag bagong anyo si Donya Corazon labis akong namamangha makita ang pag palit anyo. Ang mahabang buhok na kulay itim ay dahan-dahan napalitan ng baging na bumagay naman sa kaniya. Gumapang sa buong katawan niya ang baging at nag mukha kasuotan at Kapansin pansin ang kulay berdeng mga mata na kaakit akit tingnan.

“Humanda ka Sabrina may paparating na kalaban. Hindi ko alam kung anong sadya ng isang ito ngunit kailangan mo mag ingat baka ika'y punteryahin ng isang to.”

Dinamput ko ang libro na muntik na ako matumba kung hindi gumapang ang baging ni Donya Corazon upang pigilan ang pag bagsak ko. Napattitig ako sa bintana na biglaan ito na basag at kasabay lumitaw sa amin harapan ang isang Engkantong Itim na kasalukuyang nakasakay sa malaking ibon na kulay itim at may mapupulang mata habang masama nakatingin sa akin.

Dahan-dahan napa atras si Donya Corazon na mag buga ng hangin ang ibon kasabay umaawit ang itim na Engkanto. Gusto ko man tulungan siya ngunit hindi ko alam kung paano, baka kung sakaling gagawa ako ng hakbang para labanan ang itim na Engkanto ngunit walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako.

“Himala napadpad ang tulad mo sa tahanan ko. Anong sadya mo? At bakit parang galit na galit ka Sonia?” 

Huminto sa pag awit ang itim na Engkanto si Sonia maging ang kaniyang alaga. Mabilis nag bago ang ekspresyon nito mula sa maamo patungo sa paging demonyong.

“Nandito lang ako upang balitaan ka sa paparating na kabilugan ng buwan. Hindi sana ako papayag ngunit si Apostol ang nag utos sa akin kaya pumayag na ako.”

“Sabihin mo na ang dapat mo sabihin. May nalaman ka pa biglaang pag atake. Ganun na ba talaga ka laki ang galit mo sa akin para gawin mo ito.”

Tumayo si Sonia saka maingat na kinumpas ang kamay sa eri. “Nandito ako para sabihin sa iyo na kailangan mo protektahan ang Arabian at Orimia  natira sa iyo, kung hindi baka babagsak ka sa atin ranggo,” na aawang wika habang huminto sa pag kumpas ng kamay saka bumalik sa pag upo.

“Ano ang ibig mong sabihin Sonia?” Kinakabahan wika.

“Malapit ka na babagsak sa atin ranggo at  hindi magtatagal itatakwil ka na dito sa kaharian sa oras na malaman nila walang Arabian at Orimia natitira sa iyo.”

Akmang sasagot na sana si Donya Corazon ngunit na unahan siya nito Sonia na kasalukuyang nagtataka ng nakatingin sa akin.

“May bagong kasama ka pala Corazon, hindi mo man lang pinakilala sa akin. Sa tingin ko hindi siya isang Orimia, natitiyak ko hindi ako maaari nag ka mali. Sino siya?”

Umayos ng tayo si Donya Corazon saka naglaho ang mga baging na nagkalat sa palibot. Huminga ng malalim saka ngumisi. “Siya si Sabrina ang aking bagong kasama dito sa bahay at isa sa mga kamag anak. Bakit may masamang balak ka na naman Sonia?”  seryusong wika niya.

“Wala, protektahan mo siya baka...”

Muntik na ako matamaan ng matalim na hangin kung hindi ako naka iwas agad. Patango tango ang babae na parang nasisiyahan sa kaniyang ginawa.

“Sinasabi ko na nga ba. Anong  gusto mo mangyari Sonia? Kung laban man yan, pwes hindi kita aatrasan!” galit na wika ni Donya Corazon.

Napahalakhak ang babae na labis ako na inis. Parang gusto ko siya kalabanin, umiinit ang ulo ko sa kaniya lalo na makita ang pagmumukha niya.

“Huminahon ka, Corazon. Huwag kang magalit sa akin ginawa sa halip mag pasalamat ka pa kung hindi sa akin baka hindi niyo nalalaman ang kakayahan ng babaeng iyan.”

Naglakas loob ako mag salita kahit na unahan ako ng takot. “Anong ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya.

“Sabrina huwag kang maniwala sa sasabihin niya dahil isang sinungaling ang kaharap natin. Himala nagbago ang ihip ng hangin, anong nakain mo Sonia?”

Sa muling pag kumpas ng kamay ni Sonia ay biglang lumitaw sa kaniyang balikat ang isang ahas. Hindi niya muna kami pinansin habang kinakausap ang ahas, hindi nagtagal naglaho ang ahas sa muling pag kumpas ng kamay ni Sonia. Seryusong tumititig si Sonia kay Donya Corazon saka ngumiti ito.

“Huwag kang mag alala Corazon, hindi ako kalaban mo. Kalimutan na natin ang nakaraan, ang mabuti pa ay pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang kalagayan natin.”

“Sanaʼy ingatan at protektahan mo ang mga kasama mo.”

Mabilis lumipad ang ibon sinakyan ng babae patungo sa kalangitan. Nagmadali naman lumapit sa akin si Donya Corazon na nag alala.

“Pasensya ka na, pangako tutulungan kita alamin ang iyong kakayahan upang hindi ka mahirapan sa gagawin mong misyon.”

Naniniwala siya sa akin na may kakayahan ako ngunit hindi ako sigurado kung meron maliban sa kakaibang kong wangis.

Lumabas kami ng silid at nag tungo sa ibang silid. Kahit natatakot na ako, pilit ko kinaya  upang hindi mahalata ni Donya Corazon. Akala ko isa siyang matanda ngunit nagkakamali ako, isa pala iyong katawan lupa niya kung dadalaw siya sa mundo ng mga tao.

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon