10: Ang Taga-bantay ng tulay
“Maligayang pagdating sa aking tahanan. Kung nais niyo dumaan sa tulay ko na walang pahintulot ay maaari kayo saktan ng aking mga anak.”
Hinahanap ko ng aking mga mata ang sinabi ng engkantong ito subalit wala akong makita maliban sa kaniya.
“Nagbibiro ka ba Engkanto ng tubig?”
Napatitig ang babae sa mukha ng lalaking kasama ko. Matamis na ngumiti ang engkanto na agad naman ako humarang upang hindi matuloy ang masamang balak.
“Sayang gwapo pa naman sana. Type ko siya.”
“Nako teh, huwag ka ng lumandi. Gurang ka at may mga anak ka na,” tugon ko.
“Hindi bale na nga lang. Tsk, pa halata ka girl.”
Palihim ngumiti ang kasama ko. Hindi ko na lang pinansin. Nakatuon ang pansin ko sa babaeng Engkanto na maraming alam sa kalokohan.
“Saan mo yan natutunan ang mga salitang iyan?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Hay nako girl. Sa tagal kong na buhay sa mundong ito at kung minsan marami na akong naka salamukha na tulad mo. O nga pala marami na akong na biktima na mga lalaki mula sa mundo ng mga tao. Hula ko nakapunta ka na roon base sa iyong pananalita.”
Nanliit ang tingin ko sa kaniyang sinabi. Ngayon ko lang napansin maraming lalaki ang kasalukuyang nakaupo sa malaking bato subalit wala ito sa sarili.
Itinuro naman niya ang mga lalaki habang ngumisi sa akin. “Sila ang tinutukoy kong biktima. Ang gwa-gwapo ng mga asawa ko. Hindi ha? ” patawang sambit nito.
“Eh ano naman ngayon?”
Na halata ko na kanina pa niya ako kausap para inisin. Pwes di ako magpapatalo.
“Napapansin ko kanina pa halata inggit ka lang sa akin. Ang dami kong asawa plus gwapo pa. Bantayan mo yan kasama mo baka maging akin na yan,” patawang sambit nito.
“Pwesto hindi yan mangyayari hangga't nandito ako. Hindi mo ako naiisahan.”
Naramdaman ko may humawak sa buhok ko. Ka-agad ko naman inalis ito subalit mabilis ko ito itinapon na makita ang pagmumukha ng munting sanggol siguro nasa siyam na buwan pa ito. May bughaw na balat at pares na purong itim na mga mata.
“Talaga? Pwes nagkakamali ka! Mga bata kunin niyo ang lalaki para sa akin ngayon din!”
Hindi ko makita si Lucas. Napakuyom ako ng kamao. “Anong ginawa mo?” mabilis ko pinapatakbo ang Timre na ayon sa aking kagustuhan.
Hindi ko maiwasan naawa sa anak ng engkantong tubig. Tinapakan ito ni Timre at kung minsan kakagatin hanggang sa mamatay.
Hindi ko makita si Lucas. Asan na kaya yun. Tumingin ako sa mga biktima ng engkanto ng tubig subalit wala siya doon.
“Walang hiya ka! Pinatay mo ang mga anak ko. Magbabayad ka!”
Natulala ako saglit na makita ang malaking alon na paparating sa aking. Wala akong nagawa para pigilan ito. Nahulog ako na tumama sa amin ang along, samantala ang Timre ay tumilapon sa kung saan.
“Mukhang gusto mo pa yata. Sandali lang!”
Pinilit ko gumapang palayo sa tulay ngunit naabutan ako ng alon ng tubig na siyang dahilan na pag hapdi ng aking balat.
“Gagawin kita na pangit tulad ng mga babaeng ito.” turo niya sa mga babae naka kulong sa ilalim ng tulay. Halos hindi ako makapaniwala maraming babae ang halos itim ang balat. Napansin ko ang bawat patak ng dugo nila ay nagbibigay lakas sa babaeng Engkanto.
“Ngayon katapusan mo!”
Sa sobrang bilis na pangyayari hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Ngunit malaking pasasalamat ko na iligtas ni Lucas mula sa kamatayan.
“Tsk. Ang hina mo. Magaling ka lang sa physical na labanan subalit pag dating sa spiritual mahina ka pa sa mahina.”
Pagkatapos niya ako iligtas, mas masakit yung sinabi niya kaysa Engkantong Feeling maganda.
Hindi ako makakapagyan na ganitohin niya ako. Masama ako tumingin sa kaniya, kailangan ko siya tulungan mukhang nahihirapan nakipag laban sa mga anak ng Engkanto dahil siya ang puntirya na hulihin.
Kahit nanghihina ako. Pinilit ko tumayo ng matuwid habang sinuntok ang mga lumapit na anak ng engkanto.
'Liwayway tulungan mo kami. Gusto mo yata mamatay kami bago ka kumilos! ʼ isip ko.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko upang lokohin ang Engkanto ng tubig na ako may kontrol sa mga baging. Kunyari nahihirapan ako i palabas ang baging. Sumigaw pa ako para ka paniniwala ang lahat.
Mabilis gumapang sa mga kamay ko ang mga baging patungo sa direksyon ng Engkanto ng tubig. Kahit anong gawin along upang sirain ang baging subalit hindi masira dahil sobrang tigas ng baging.
“Hindi ito maari mangyari? Kailangan ko gamitin muli ang aking taglay na hiyas na bigay ng Engkantong Itim!”
Walang kalaban laban ang Engkanto na tubig na pumuluput sa kaniyang buong katawan ang baging hanggan sa humihpit bago tumigil ay muntik na mawalan ng malay ito.
“¡Puerto Avasia!”
“Sabrina mag ingat ka. Gumamit ng oracion ang Engkanto ng tubig!”
Napalingon ako saglit kay Lucas bago mag pa tuloy sa ginagawa subalit na tumba ako na bigla na lusaw ang baging na hawak ko.
'Liwayway oras na para mag sanib! ʼ isip ko.
Napanganga ako na sumanib sa katawan ko si Liwayway halos hindi ako makahinga. Pilit ko kinaya kahit na mutla na ako parang ayaw na ako ngunit na marinig ang iyak ng Timre at makita nahihirapan si Lucas na kalabanin ang mga anak ng Engkanto ng tubig.
Unti unting ako nawalan ng paningin. Puro kadiliman ang nakikita ko subalit rinig ang tinig at nararamdaman ko ang bawat kilos ng kalaban.
Kusang kumilos ang katawan ko ayon sa kagustuhan ni Liwayway. Lumipas ang ilang minuto bumalik ang kakayahan ko makakita. Hindi ko inaasahan bumungad sa aking. Ang Engkanto ng tubig ay dahan-dahan naging anyong tubig.
'Natutuwa ako Sabrina na talo natin ang Engkanto ng tubig. Bumalik na siya sa orihinal na anyo, ligtas na tayo sa kaniyang kasamaan. Pagmasdan maigi ang mga anak niya,' narinig ko sa akin kaisipan.
Naging anyong tubig na rin ang mga bata saka naman unti unting naging usok. Bago mag laho ay narinig ang munting tawa.
Ka-agad lumabas sa katawan ko si Liwayway upang hindi pareho kami mapagod. Nag tagumpay kami talunin pero parang hindi na kaya ng katawan ko. Bumagsak ako ngunit bago pa man tumama ang katawan ko sa bato ay nasalo ako ni Lucas gamit ang kaniyang kakayahan.
“Huwag ka mag alala Sabrina ang mga bihag ay mga kaluluwa binihag ng Engkanto ng tubig at isinama dito sa mundo ng Engkanto upang gawin kasangkapan. Malaya ang mga bihag. Malaya sila mag lakbay patungo sa kinaroroonan ng may likha,” seryusong sambit ni Lucas.
Sunod- sunod niya na itanong kung ayos lang ako ngunit hindi ako makasagot. “P-Parang hindi ko na kaya. Ikaw na ang bahala muna sa aking a-alaga ko. Gus—” hindi ko na tuloy ang sasabihin ko na bigla dumilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
AlteleIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...