12: Ang lalaki sa panaginip
Muli naman lumindol na ikinatahimik ng pandak na Engkanto. Masama tumingin ito sa akin. “Umalis na tayo dito. Hahanapin ko lang yun batang Arabian na sobrang kulit baka na pano na yun,” mahinang saad niya.
Pinagpag ko ang suot ko bago sundan siya. Ang bilis mag lakad ng pandak dinaig pa ang bata.
“Hintayin mo ako!”
Kainis hindi man lang ako ni lingon saglit. Palinga linga ako sa palibot, hindi ko maiwasan manabik. Nandito ako ngayon sa loob ng kweba sobrang lawak. Habang tumatagal napapansin ko patungo ako sa ibaba.
“Nasaan kaya yun?”
Hindi ko makita ang pandak na Engkanto. Huminto ako saglit upang pag masdan ang buong palibot. Nakahinga ako ng maluwag na makita na may maliit na butas sa itaas na nagbibigay liwanag sa madilim na parte.
“Nasaan kayo?”
Nag baka sakaling may makarinig sa akin. Umaasa ako makakatagpu ako ng tulad ni Cora ka bait na Engkanto dito.
Kanina pa ako naglalakad sa walang katapusan na daanan. Wala naman ibang daanan maliban patungo sa ibaba subalit natigilan ako na mapansin ang anino.
Hindi muna ako kumilos sa halip pinag masdam ko ang kilos nito. Na patango tango ako sa sunod na nangyari, tumagos ang anino patungo sa mga ugat na mula sa kung saan.
Napatalon ako sa gulat na may narinig ako sa isipan na pamilyar na tinig.
'Matagal na kita hinahanap Sabrina subalit hindi ko maramdaman ang presensya mo. Mabuti. Nandito ka lang sa ilalim ng lupa, akala ko pa naman kasama sa itaas na unti unting na lason sa usok,” rinig sa isipan ko ang boses ni Liwayway.
“Pasensya ka na Liwayway nakalimutan kita. Paano tayo lalabas dito? Kung isang daanan ang naririto subalit walang kasiguraduhan kung may hangganan iyo.”
'Mabuti. Hindi ka tumuloy. Sobrang mapanganib ang naghihintay sa ibaba. Maraming daanan nandito subalit hindi mo ito napapansin dahil bago lang sa iyo ang bagay na ito.ʼ
“Eh. Saan ako dadaan?”
'Hmmm... Siguro sa bato na iyong. ʼ
Tiningnan ko naman ang bato sinabi niya. Napa atras ako. “Nagbibiro ka yata Liwayway. Paano ako makakapasok dyan kung wala naman akong nakikita na daanan?” kahit ayaw ko pumayag pero wala naman akong alam na pwede daanan kaya sumunod na lang ako sa kaniya.
'Nandito na tayo sa harap ng bato. Nakita ko kanina ang nangyari sa iyo. Hindi mo magawa sumanib o makapasok sa puno dahil isa kang Orimia subalit may paraan ka ngunit hindi mo alam kung ano ito. ʼ
'Tandaan mo palagi isa kalahating Engkanto. Isang misteryo ang may dugong Engkanto at tao ang dumadaloy sa iyo. Batid kong hindi mo alam kung sino ka talaga. ʼ
Akmang mag tanong ako ngunit pinili ko itikom ang bibig ko na marinig ang mga yabag na patungo sa kinaroroonan ko.
Napalingon ako na marinig ang tinig. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang isang dalagita nakasuot ng puting bestida na aabot sakong. Medyo hindi malinaw ang tingin ko sa kaniya dahil biglang umuusok ang buong palibot.
Napatingala ako sa itaas at hindi mapigilan napasigaw. “Liwayway nandyan ka pa?” subalit walang sumagot na ikinabahala ko.
Napatingin muli ako sa dalagita ngunit muntik na ako matumba sa pag atras ko. Hindi ko maaari isa siyang Orimia pero dahan-dahan na lusaw ang katawan nito na dumapo sa balat nito ang usok.
“Liwayway nandyan ka pa ba?”
“Pasensya na Sabrina. Sandali ako nawala. Pumasok ka na dito sa bato kung gusto mo pa mabuhay,” nainis na sambit niya.
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...