Malayang Paro-paro

3 2 0
                                    

"Malayang Paro-paro"

Nais kong maging malaya,
Na tila ba paro-parong maligaya.
Mag tungo kung saan masaya,
At hindi makulong sa pagdurusa.

Nabihag sa mabulaklak mong salita,
Nahulog sa patibong na iyong nilikha.
Ngayon ay tila naging paro-parong di makalipad,
Di makawala sa lason ng iyong palad.

Ako'y nagmamakaawa,
Palayain mo na ako.
Sa bihag mong nakakapanghina,
Nais kong  lumipad at makalayo sayo.

Ibalik ang dating saya,
Mga ngiting kay puro nong wala ka pa.
Palayain ang pusong pagod na,
Lumipad sa lugar na wala ka.

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon