Loving You 'til The End II

28 1 0
                                    

Nakita niya ako sa daan na palaboy laboy. Pinagbihisan, pinag aral, naging maganda.

Bakla ako. Oo, at di ko ikinahihiya ang pagkatao ko.

Sa ilang taon naming pagsasama, minahal ko siya, at siya rin sa akin.

Nagtapat sya ng kanyang pag ibig sa akin at kalaunan, nagpakasal kami sa ibang bansa.

Unang gabi na may nangyari sa amin, pinagsaluhan namin ang init ng aming pag ibig.

Ginawa niya akong tagapagmana sa lahat ng kanyang ari arian na labis ko namang ikinagulat.

Ako ang naging may ari ng kanyang kompanya, siya na lagi sa tabi ko at inaalayan kong paano ito pangasiwaan.

Isang araw, sobrang pagka gulat ko ng ipinakilala niya sa akin ang isang matipunong lalaki, at sinabing ito daw ang magpapatuloy sa pagtuturo sa akin kong pano pangasiwaan ang kompanya.

Aminin ko, unang kita ko palang sa lalaki, gusto ko na sya. Pero pipigilan ko ito sapagkat may mahal na ako.

Isang araw nagising ako na wala na sa tabi ko ang pinakamamahal ko. Nag tanong ako sa mga katulong at sinabing, nagbakasyon ito sa ibang bansa na labis ko namang ikinalungkot.

Dalawang buwan ang nakalipas, ngunit hindi padin sya nagpaparamdam, ni tawag wala, sobra na akong nag alala.

Sa mga araw na wala siya naging malapit ang loob ko sa aking taga pagturo, inaamin ko, nakakalimutan ko ang prolema pag siya ang kasama ko.

Isang gabi, sinabihan ako ng aming katulong na tumawag ang kanilang amo, oo ang mahal ko. At sinabing pinapapunta ako sa dati bahay nila sa probinsya, kasama ng tagapayo ko sa kompanya.

Sabado, araw ng pagpunta namin sa dating bahay, ay labis ang pagkagulat ko sa aking nakita.

Payat, nanghihina. Yan ang agad kong nasilayan sa pinakamamahal ko.

Pumatak agad ang mga luha ko sa aking mga mata, habang siyay niyakap sabay hikbi.

Sinabi niya sa akin na matagal na siyang may sakit, at may taning na ang buhay niya, na lalobg nagpaguho mundo ko.

Namatay siya, at wala akong ibang ginawa kundi ang labis na pag iyak.

Dalawang taon ang nakalipas mula ng nawala siya, naging mahusay ako sa pagdala sa kanyang kompanya, na labis ko namang pinagpasalamat sa sa aking tagapayo.

Naging malapit kami sa isat isa, at ang totoo pa ngay nililigawalan na niya ako.

Ngunit diko siya kayang sagotin, dahil alam niya, na mahal ko parin ang dati kong kasintahan.

Isang araw may ibinigay na sulat ng si manang taga pangasiwa sa aming bahay.

Nang matapos kong basahin ang sulat, di ko alam kong ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Labis akong umiyak.

Ilang araw akong di pumasok sa trabaho.

Parang wala sa sarili.

Hindi na kumakain.

Nagkulong sa kwarto.

Labis ng nag alala sila manang sa sitwasyon ko, hanggang isang araw, tanghaling tapat habang nasa loob ako ng kwarto na nakadudangaw sa bintana nakita ko siya sa labas, ang pinakamamahal ko.

Umiiyak siya, na laking ipinagtataka ko. Imbis na matakot ay lumabas ako bahay at tinungo kong nasaan siya.

Ngunit naabutan ko siyang wala. Bagkos sulat niya na ipinabigay sa akin ni manang.

Labis akong nagulat at nagtaka dahil, pinunit ko na iyon pagkatapos basahin.

At doon ko napagtanto, na tama siya, na dapat ipagpatuloy ko ang buhay ko, dahil doon siya masaya, kaya siguro siya umiiyak ng magpakita siya sa akin ay dahil nasasaktan na siya sa mga pinaggagawa ko sa sa sarili ko.

Sinunod ko sya, umunlad lalo ang kumpanya, gumaan ang pamumuhay ko. At nagmahal ako ulit. At oo, ang lalaking minsan ipinakilala niya sa akin upang akoy turuan kong paano pamunuan ang kumpanya, ay ang naging kasintahan ko.

Ngayon masaya ako sa piling ng bago kong minamal. At napagdesisyonang mag mabakasyon sa ibang bansa, at magpakasal narin.

Habang nag iimpaki kami ng gamit. Muli siyang nagpakita sa akin, ang dati kong mahal, na may ngiti sa labi.

-wakas-

Loving You 'til The End IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon