"Jill gising...."
"Hmmm?"
"gising nga sabi!" naiinis nako!
"Bakit? inaantok pako!" alam ko naman dahil ang dami niyang ginagawa bago matulog pero kasi nagugutom ako!
"Gusto ko nang Suman"
"Ha?!" kailan pa to nabingi?
"Sabi ko gusto ko nang suman!"
"Ano ba yan manganganak ka na malala parin cravings mo!" eh sa yun ang gusto kong kainin.
"Basta gusto ko nun."
"Wala nga nun dito Cia, kung gusto mo mangga meron pa tayo sa ref nun." Ayoko nang mangga at ayoko nang kahit anong prutas gusto ko suman.
"Edi wala!" napahilamos nalang siya nang mukha. Iniisip niya siguro na hind magandang siya yung tumabi sakin matulog ngayon.
Dahil sa sobrang inis ko ay nag simula na akong umiyak. Oa man pakinggan pero ang bilis kong umiyak simula nung nag buntis ako lalo na kapag hindi nila naibigay yung mga gusto kong kainin. Naalala ko si Zywren na pinahanap ko ng suha pero wala siyang mahanap kaya di ko pinapasok ng bahay.
"Oo na gagawa tayo, basta wag kang umasa na masarap ha" Ano??? bakit naman hindi masarap?
"Gusto ko yung masarap!" mas lalo lang lumakas yung iyak ko na hindi ko inaasahan na umabot pala sa kabilang kwarto kaya ang nangyari ay nakatingin na sakin si Kiana at Zywren mula sa pintuan.
"Tahan na Ciara baka bigla kang manganak ka buwanan mo pa naman ngayon." Pano ako tatahan eh hindi masarap yung suman kapag si jillian yung mag luluto.
"Kiana gusto ko talaga nang suman." pagpapaawa ko pa sakanya, pagkarinig niya ng suman yung mukha niya parang binagsakan ng isang malaking problema.
"Oo na gusto mo nang suman, magluluto na tayo." Hulog ka talaga ng langit Zy!
Dahil sa sinabi ni Zywren ay tumayo ako bigla at dali-daling bumaba kahit sila ay di pa naka alis sa mga pwesto nila kanina.
"Diba sabi namin sayo mag dahan dahan ka lang Cia!" galit na yung nanay kiana ko.
"Sorry excited lang."
Pagkarating namin ng kitchen ay kumuha lang ng malagkit na bigkas at sugar si Zywren, napakamot din ng ulo si kiana at jillian dahil mukhang hindi nila alam kung paano lulutuin dahil wala naman kaming sapat na ingredients, pero wala eh yun talaga gusto ko. Para kasi ang sarap sarap nun at kapag kinain ko ay mas magiging masaya pa ako.
"Upo ka muna Cia manunuod lang muna kami ng youtube." Alam ko naman na mahirap gawin yun eh kaya pinagbigyan ko silang manuod ng youtube.
Nababagot nako kakaupo kaya tumayo ako at pumunta ng ref namin para mag tingin ng pwedeng makain habang wala pa yung suman, di pa kasi sila nag uumpisa. Maraming laman yung ref namin dahil kadalasan ay puro prutas lang din naman ang hanap ko. Akala ko nga dahil ka buwanan ko na ay hindi na ako mag cracrave ng mga pagkain pero nagkakamali ako dahil mas lumala pa yung cravings ko ngayon.
Aabutin ko na sana yung strawberry kaso bigla akong nakaramdamn ng sakit, parang humilab yung tiyan ko bigla. Akala ko gumalaw lang si baby pero biglang nag tuloy- tuloy yung sakit at hilab niya.
"Ahh! ang s-sakit!" sigaw ko at kaagad naman napatingin saakin yung tatlo. Talagang nagpa unahan pa sila na makalapit saakin.
"Ang sakit na!!" napaluha nako sa sakit! mas masakit pa pala to keysa sa iniwan ako ng gago.
"Mangangak na siya!"
"Lalabas na si baby labs!"
"Ano pang hinihintay niyo! dalhin niyo na ako sa hospital di ko na kaya!" Agad naman silang nag unahan sa pagkuha ng mga gamit ko sa taas habang si Zywren ay namomroblema dahil siya lang ang naiwan saakin dito sa baba.
"Ahmm.... Sandali lang cia ha." Di na niya alam kung anong uunahin niya pero ang sakit na talaga!! Di ko na kaya!
"Jill ihanda mo yung sasakyan!" Sigaw niya at kaagad namang bumaba si Jillian dala yung susi ng kotse.
"Kayanin mo yung sakit cia, wag ka munang manganak dito ha" Ano ba naman tong mga kaibigan ko, mag dodoctor pa ba talaga sila?
Inayos ni Zywren ang pagkahiga ko tsaka niya ako binuhat. Kitang kita ko sa mukha niya na nabibigatan siya sakin, sinong di mabibigatan eh ang laki- laki ng tyan ko tapos tumaba pa ako.
Pagkarating namin sa sasakyan ay nakahanda na yung dalawa. Inilagay ako ni Zywren sa backseat kasama si kiana at jillian. Habang nag mamaneho si Zywren ay hawak- hawak ko yung kamay ni Kiana at jillian dahil sakanila ako kumukuha ng lakas.
"A-ang sakitttt!!!" Halos sigaw ko nalang ang maririnig sa loob ng sasakyan.
"Kayanin mo lalabas na prinsesa natin." Pagpapalakas pa saakin ni Jillian.
Yup baby girl kaya nga mas excited akong manganak dahil babae ang anak ko, sana nag mana sakin dahil ang pangit naman kung hindi ako yung kamukha pero ako yung nag dala ng siyam na buwan.
Kita ko kung paano masaktan yung dalawa kapag kumukuha ako ng lakas sakanila. Dahil sa bawat sakin na nararamdaman ko ay ganon din ang paghigpit ng hawak ko sa mga kamay nila.
"Bilisan mo Zy! lalabas na siya!" Di ko alam kung lalabas na ba talaga dahil parang may gusto na talagang lumabas sa pagkababae ko! Lalo na nang maramdaman kong pumutok ang panubigan ko senyales na lalabas na nga ang anak ko.
"Bilisan mo zywren pumutok na yung panubigan niya." Kaagad namang sinunod ni Zywren si kiana dahil binilisan niya nga pero may halong pag iingat naman.
Pagkarating namin sa hospital ay kaagad akong tinulungan ng mga nurse dahil sa delivery room na nga kaagad ang bagsak ko. Dalawang tao lang ang pwedeng makapasok at dahil wala si mama sina kiana at jillian nalang ang pinapasok ng doctor dahil lalaki si Zywren at hindi naman siya ang ama dahil walang ama ang anak ko. Bukas pa yata ang dating nila Mommy at Daddy dahil kanina lang yung flight nila.
"Keep breathing, You're doing a great job!" Sabi pa nung nurse habang pinapaanak ako. Ire lang ako ng ire hanggang sa mawalan ako ng lakas. Habang ang dalawa kong kaibigan ay todo pahid sa mga pawis ko.
"You've got this! I already saw the head of your baby, keep pushing!" Nang marinig ko yun ay nag ipon ako ng lakas para lang umire ulit hanggang sa marinig ko ang iyak ng anak ko.
Nakakapagod pero nakakawala ng pagod yung iyak niya, napakatinis at masakit sa tenga pero di ako mag sasawamg marinig to. Dala ng sobrang pagod ay di ko na napigilan ang mata ko dahil agad akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...