Kabanata 14.
Lou/fefe..
"Aggggghhhhh..."inis na tumayo siya. Hindi siya makapagsulat ng maayos..
"Maam fefe okay lang po ba kayo??"tanong ni nora sa kanya na bigla nalang pumasok..
Tinignan niya ito.
"May tanong ako sa iyo. Nakaroon kana ba ng karelasyon??"tanong niya.
"Ayyy oo naman maam.... first boyfriend ko siya maam fefe. Alam mo ba madam unang pagkikita palang namin para kaming asot pusa.. Paano naman sinabihan akong piglet ei hindi naman ako mataba noon. Ang sexy ko nga ei. Tapos yun pala gusto lang niyang pansinin ko siya. Araw araw inaasar ako pero alam mo ba maam nong bday ko may gustong ipakilala ang pinsan ko sa akin. Hindi ako makapaniwala yung gustong ipakilala sa akin ng pinsan ko at yung palang nang aasar sa akin ay iisa. Parang destiny...pero hindi kami nakatuluyan.... kailangan ko kasi magtrabaho para sa pamilya ko kaya ayun nagkalayo kami. Hindi ko nga alam kong saan na siya ngayon. O baka may asawa na.."madaldal na sabi nito.
Napatahimik siya sa sinabi nito.. Parang ganun na ganun din ang nangyayari sa kanya ngayon..
"Wait madam.. Bakit mo pala naitanong??"curious na sabi nito sa kanya.
"Ahhh... W-wala kasi akong maisip na isusulat kaya nagtanong ako sa iyo."sabi niya dito.
"Ohh.. wait maam wag niyong gawing horror yung storya ng buhay ko ahh."sabi nito..
Masamang tinignan niya ito.
"Tsk.. Umalis kana nga dito baka itabi talaga kita kay pugo.."sabi nito.
"Maam naman. Palagi niyo ako tinatakot kay pugo.."sabi nito..
"So gusto mo si kalbo.."malamig na sabi niya.
"Kalbo??"tanong nito.
"Oo yung tanggal lahat yung buhok kasama ang noo kaya ang makikita mo ung utak na lumalabas na may dugo dugo pa.."sabi niya dito.
Lalong lumaki ang mata nito.
"Diyos mio marimar.. Mahihimatay talaga ako dito.. Whaaaaa. Panginoon tulungan niyo po ako...."sabi nito at tumakbong palabas sa kwarto niya.
Napapailing na napapangiti siya... ang lakas ng tili nito naririnig pa niya hanngang sa kwarto niya kaya naglakad siya sa pintuan niya at sinara iyun. Magpapahinga nalang muna siya para makapagrelax siya dahil hindi talaga siya makapagsulat ng maayos..
Saka baka bukas maayos na ang isip niya..
-------)))))
Nora pov."Si maam fefe talaga... may sakit na ata ako sa puso.. dios mio marimar.. Baka pag uwi niya sa probinsya nila magiging banggay na siya.. haay..."sabi niya. Tumakbo siya papunta sa kusina at kumuha siya agad ng malamig na tubig at ininom iyun..
"Nora.."
"Ay tipaklong..."gulat na sabi niya.. Si sir andre na pusok sa loob.
"Sir andre naman ei.. Bakit kayo dumadaan sa likod. Pwede naman sa harap ng gate. Papatayin niyo po ata ako sa nerbiyos.."sabi niya dito.
Bigla itong sumisilip sa loob at parang may hinahanap..
"Nasaan siya?"tanong nito.
Ooohh.. si maam fefe pala hinahanap nito.
"Ahh si maam fefe po ba?? Nasa kwarto po niya. Wait po tatawagin ko siya."sabi niya.
"Wag. Okay lang ba siya??"tanong nito kaya tinitigan niya ito.
"May ginawa po ba kayo sa kanya??"tanong niya din dito..
"A-ahh?? Wala.. Gusto ko lang siyang kamustahin."sabi nito..
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 11: Andress Cyrus "Andre" Guevarra
General Fiction"I CAN SEE DEAD PEOPLE" Iyon ang palagi niyang sinasabi sa mga taong nasa paligid niya para hindi siya lapitan ng mga ito. All black dress ang palagi niyang suot at black lipstick. Ayaw niya kasing magambala ang tahimik niyang buhay. Pero may isang...