Chapter Three

2 0 0
                                    

(Gino's POV)

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, umuupo sa kama habang naka-on ang laptap ko sa aking harapan. Nag-online ako sa Facebook at napabuntong-hininga sa nakita ko. 156 friend requests, 98 messages, 342 notifications. Psh. Parang sikat lang. Well, sikat naman talaga ako pero sa school at sa town lang naman. Duh, hindi ko kaya pinangarap ang maging artista o sikat na model na kinababaliwan ng mga babae. Ang pinangarap at pangarap ko lang ay babalikan ako ng babaeng mahal ko at mahal ako hanggang ngayon...

Ako ay si Gino Bryle Mortenssen, eighteen years old, school's ultimate hearthrob. Australian ang dad ko pero sa kasamaang palad, namatay na siya noong bata pa lang ako dahil nagkasakit siya. Ang pagkamatay niya ang naging sanhi kung bakit kami bumalik dito sa Pilipinas. Si mama naman, isang Filipina lang at ewan...parang wala akong ganang mag-describe kung ano siya. Makikilala nyo naman siya sa susunod na chapter/s ^_^ Nag-iisa lang akong anak pero dalawa kaming teenagers sa bahay. Ako at ang pinsan kong weirdo. Oo, weirdo siya. Palagi nalang tahimik—-magsasalita lang kung kakausapin mo siya—-at palagi nalang nakatambay sa sketchpad niya at nagdraw-drawing kapag wala na siyang trabaho. Tsk, palibhasa, napaka-miserableng tao eh. Anyway, balik tayo sakin, mayaman ako. Well, yan ang palaging sinasabi sakin ni mama na mayaman raw kami at wala kaming problema sa pera kahit wala na si papa. Hindi rin naman kami nakaranas ng paghihirap since then. Nakatira kami ngayon sa isang malaking bahay kasama ang mga katulong namin (kasali na dyan ang pinsan ko) at meron rin kaming mga mamahaling kotse. Osya, ayoko na maging mayabang pa kaya bumalik na tayo sa kina-aabalahan ko ngayon. Kaharap ko ang laptop ko ngayon na naka-open sa aking facebook. Ang unang tumambad sa paningin ko ay ang isang selfie ng isang cute at magandang babae na may dark-brown na buhok. Kilala ko 'tong babaeng 'to at mahirap  mang aminin, pero maganda talaga siya. Ang asset niya ay ang kanyang napaka-charming na ngiti na sobrang contagious.

Gabby Mendez added a photo

"Our love is like the wind, I can't see it...but I can feel it..."

~Landon Carter of "A Walk To Remember"

(Picture niya)                      

Gusto ko sanang i-like yung photo pero natigilan ako bigla nang nakita kong online si Roma Bernardo sa chat box. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ng kabayo. Nakatitig lang ako sa pangalan niyang may green dot sa gilid.  Pagkatapos ng ilang minutong nakatunganga, hindi ko na namalayang sinisimulan ko na pala ang pagta-type ko.

Babe...

At sinend ko. Maya-maya lang ay nakita kong na-seen na pala ang message ko at....nag-offline siya bigla. Napatakip ako nang mukha gamit ang mga kamay ko at nainis sa sarili ko. Lintek ka talaga, Gino! Na-seenzone ka! Epic fail ka na naman!

Kinabukasan ay mag-isa lang akong naglalakad sa hallway kasi nauna na sa gym ang mga kaibigan ko. Papunta na rin ako doon nang may nakabangga akong estudyante at nalaglag ang mga dala niyang gamit sa sahig.

"I'm sorry! I'm sorry! Hindi ko sinasadya." Panic na sabi ng kabangga ko at tinulungan ko siyang pulutin ang nahulog niyang libro. Pero, bigla akong napatigil ulit nang narinig ko ang boses niya....kaya tumingin ako sa harap para makita ko ang mukha ng kabangga ko at...........

O_____________O

"Roma?"

Napatingin siya sakin at halatang nabigla rin siya nang nakita niya 'ko.

"Gino..."

Agad-agad niyang kinuha ang mga gamit niya at tumayo.

"Roma, pwede ba tayong mag-usap———-" hindi niya ako pinatuloy.

"Ah, may gagawin pa ako Gino, I have to go. God bless you." Mabilis na sagot niya at lumakad na nang sobrang bilis palayo sakin. Tinignan ko nalang siya habang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko sa sobrang layo ng kanyang nilakad. Haaaayyysss. Palagi nalang ganito. Palagi nalang niya 'ko iniiwasan. Isang taon pa lang naman kami naghiwalay pero parang five years na. Kailan pa kaya kami magka-ayos? Miss na miss ko na ang baby Roma ko......


(To be continued.... )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon