Chapter 2

7 3 0
                                    

"Hindi masarap pagkain nila dito ha" sambit ni Lorie na ikinatawa ko.

"Kakain ka na nga lang manghuhusga ka pa" wika ko. Umiling ito. Umupo na kami nang makitang may bakante.

"Pag ayaw mo na ng chicken ball akin na lang ah" wika nya.

"Di pala masarap ha?" saad ko at syaka tumawa. Nagulat kami ng may mag bato ng binilog na papel sa amin.

"Shoot!" grupo ito ng mga lalake. Nakita ko namang nagalit si Lorie dito.

"Masaya ka dyan?" wika nya sabay tumayo. Tinignan ko naman ang lalake. "Ihh gagalit ka na naman" sarkastikong wika nito. Susugudin sana ito ni Lorie nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Why don't you spend your time practicing your English instead of fooling around, Jake?" malamig na sambit ni Kiara rito, dala dala ang tray nyang kakaunti ang pagkain.

"Ano na naman Kia" nilingon nito si Kiara. Inirapan lang sya ni Kiara at umupo na.

"Shut up Jake, bago kita di matansya" wika naman ni Lorie. At umupo. Wow. Magkakakilala na ba sila lahat dito? Inis namang umalis ang lalaki kasama ang mga kaibigan nito.

"Wag mo na intindihin yon, baliw lang mga yon" wika sa akin ni Lorie.

"Magkakakilala na ba kayo lahat dito?" tanong ko. Sumubo muna ito ng pagkain.

"Hindi ah, pero ayon kilala ko yon sila" wika nya at syaka patuloy sa pagkain.

Muli kong tinignan si Kiara. Kumakain ito habang nagcecellphone. Magisa ito, grabe talaga namang lahat nang lalapit sakanya eh mapapahiya lang, hindi kasi nya ito sinasagot.

"Hi kiara, diba ikaw ung representative ng school natin sa chess?" Isang babae ang lumapit sa kanya. Tinignan nya lang ito. Tinitignan nya habang ngumunguya sya. Nanatili lamang nakatayo ang babae don. Pakiramdam ko ay nahiya na ito kaya umalis nalang. Nagpatuloy sa pagkain si Kiara na para bang walang lumapit sa kanya.

"Ay!" Napatingin ako kay Lorie.

"Kia" tawag nito kay Kiara. Tinignan ko kung sasagutin sya ni Kiara. Tumingin ito sa amin at itinaas ang kilay.

"Yung libro maya ko na balik" sagot ni Lorie at nagpatuloy sa pagkain. Tinignan ko si Kiara. Naka-smirk ito. Ah shit. Naalala ko na naman ang kahihiya ko kanina.

"Sige, kukunin ko na sana kanina eh, mukhang may inassign ka para bantayan gamit mo" wika ni Kiara at nginitian muna ako bago nagpatuloy sa pagkain. Ediwow.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Lorie. Binalewala nya nalang ito na parang normal lang sakanya ang inasal ni Kiara. Si lorie lang at syaka ung lalaki ung kinausap ni Kiara ngayon ah. Sabagay, sabi nga ni Lorie magkakakilala na sila.
________________

"Okay, that's all for today. I hope u enjoyed ur first day Class 1, don't forget to do your task na pinagawa ko, okay? magiingat kayo sa paguwi" wika ni Sir Martinez bago umalis.

"Hay sa wakas, tara coffee?" aya sa akin ni Lorie. Chineck ko ang aking wallet.

"Libre ko na, ano ka ba" saad nito at hinila na ako palabas. Nakita ko namang nagkakabit ng earphone si Kiara at inaayos ang bag upang ihanda na ang sarili para umalis.
_______________

"So anong gusto mo?" Grabe naman kasi itong si Lorie. Akala ko naman ay kape lang sa kanto. Dinala ba naman ako sa Starbucks. Ano bang alam ko rito.

"Ah, kung ano nalang sayo" Tumango naman ito at nakipagusap na sa barista. Nilibot ko ang tingin ko. Tahimik ang mga tao rito. Kanya kanya ng ginagawa. Napukaw nang atensyon ko ang babaeng kapapasok lang. Nagkatitigan kami nito ngunit inirapan nya lang ako.

Akala mo naman kung sino.

"Caffe Americano. No milk, no sugar, just pure, unadulterated coffee." saad nito.

"Tara upo tayo" saad ni Lorie at niyaya ako umupo. Huh. Di man lang nila binati isa't isa. Parang kanina lang ay nagusap sila.

Umupo na kami at naghintay. Nagcecellphone si Lorie. Nakita ko namang umupo na rin si Kiara hindi kalayuan mula sa pwesto namin. Kinuha nito ang Ipad nito sa bag nya. Gets ko na bakit wala syang kaibigan. Puro sya gadget.

"Lorie" tawag ko at binigay naman agad nito ang atensyon nya.

"Tahimik ba talaga yon?" tanong ko sabay turo kay Kiara.

"Hindi ko alam, siguro yan ung pinili nya ngayon" nagtaka naman ako sa snabi nya.

"Pft, depende yan sa mood nya, syaka wag mo na sya pagtuunan ng pansin, makakasanayan mo rin yan" wika nito. Dumating na rin ang order namin.

Hmm masarap naman. Pero wala paring tatalo sa kape na timpla ni mama. Oo nga pala si mama.

"Ma, uwian na po namin, nakakilala ako ng isang kaibigan ma, umiinom lang kami ng kape at mamaya maya uuwi narin ako"

Text ko kay mama. Habang umiinom ay nagsscroll scroll lang rin ako dahil ganun rin naman ang ginagawa ni Lorie.
_______________

"Sige Maddi, magingat ka" paalam ni Lorie sa akin. Kinawayan ko naman ito. Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan. Nang makita ko muli si Kiara. Kasama nito ang lalaki kanina. Sino nga ulit yon.

"Hay nako, ikaw nakaisip, idadamay moko" saad ng lalake.

"Titignan ko lang naman ah" sagot nito. Iba ang awra nya ngayon. Hindi sya masungit. Baka nga siguro namimili sya ng mood.

"Pag ikaw nasaktan na naman wag kang iiyak iyak sakin ah" wika ng lalaki. Nadako ang tingin ni Kiara sa akin. Shit.

"Uy diba ikaw ung kasama ni Lorie kanina?" tanong sa akin ng lalake.

"U-uh?" utal utal kong saad.

"Wala kong nanakawin dito" sambit ni Kiara at ngumiting aso. Nainis naman ako. Hindi parin ba sya nakakamove on.

"Hindi ko alam na sayo yon" madiing sagot ko.
Lumapit ito sa akin. Matangkad ito konti sa akin.

"Sa susunod kase magtatanong ka" wika nito na ikinainis ko. Sasagot pa sana ako ng isangga nya ko nang may dumaan na kotse at tumalsik lahat ng tubig sa akin.

"Oops" pang sasarkastiko nito.

"Nananadya ka ba??" Nakita ko ang pagkagulat nito. Ngunit ngumiti lang ito pagtapos.

"Kia nangaasar ka na naman, lika na nga" inakbayan na sya ng lalaki paalis. Bwisit.

"Hindi mo kinaganda yang pagiging bwisit mo" sigaw ko. Hindi pa ito nakakalayo kaya alam kong narinig nya ito. Hindi man lang nagsorry kahit ung jowa nya.

"Magsama kayo ng jowa mong kunsintidor!" sigaw ko. Nagulat naman ako at humarap sya.

Nakangiti ito. Nakita kong may salitang sinasabi ang buka ng mga bibig nya.

Iniswell.

Inismiran lamang ako ito at syaka umalis. Nakita ko pang aakbayan sya ng lalake ngunit tinulak nya yon. Baliw ba sya? Bwinibwisit nya unang araw ko. Punyeta.
______________

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now