CHAPTER 30.5
"Sige hintayin kitang matapos," sabi nya
"Huh! Wag na! Wag na! Sige mauna ka na sa loob!" nataranta kong sabi
Naku naman, nakakahiya naman kung hihintayin nya pa ako eh wala na nga akong maisasagot, nakakahiya talagang malaman pa nya yun kaya todo paalis ko sa kanya
"Wag ka ng mag-inarte, ngayon lang ako magiging mabait sayo dahil tinulungan mo ko ngayon, pero pagtapos nito balik ulit sa dati," dagdag nya
"Huh, Balik sa dati?" tanong ko
"Oo, hindi kita basta basta pwedeng patawarin noh," sagot nya
"Oh sige na sige na, mauna ka na sa loob," sabi ko pero humarap pa sya saken
"Bakit ba ayaw mo, eh hihintayin lang naman kitang matapos para sabay na tayo," pagmamatigas nya
Asar!! Sasabihin ko na ba sa kanya na ang bopols ko sa math kaya di ko masagutan to, nakakahiya naman kung mangongopya pa ako ng sagot sa kanya, sa isang babae pa! Diyos ko malampasan ko lang to, mag-aaral na talaga ako ng math (T_T)
"Kasi... ano... matagal pa ako matatapos kaya mauna ka na," patuloy kong pagtanggi pero nagulat ako ng may nalaglag na yellow paper sa harap ko
"Ayan! kopyahin mo na sagot ko para mabilis," sabi ni Diane
Sa kanya pala yung yellow paper na yun kung saan nakalagay yung assignment nya, at gusto nya na kopyahin ko yung mga sagot nya dun
Halos mapuno ako ng pag-asa. Nakakahiya man pero na-touch ako sa ginawa ni Diane. Alam kong kaylangan ko yun kaya hindi na ako tumanggi
"Sigurado ka ah," sabi ko
"Oo na ang kulit,"
"Thank you," sabi ko tapos dinampot ko na yung papel nya
Wala ng hiya hiya, kami lang naman ang nandito, pero una kong napansin sa papel nya ay yung sulat nya, ang ganda talaga, babaeng babae ang sulat at halos wala akong makitang bura sa mga problem solving na ginawa nya
Hindi ko nanaman naiwasan ang humanga sa kanya, pero hanggat maaari ay pinipigilan ko ang damdamin ko para sa kanya dahil alam ko na marami akong magiging karibal, isa na dun si khenji na pinagbantaan pa ako kanina
Habang kinokopya ko yung sagot nya, sinamantala ko na ang pagkakataong makausap sya. Gusto ko rin kasi na mapatawad nya ako sa nangyari about dun sa I.D. Pero parang mas gusto ko syang makilala ng lubusan kaya naglakas loob na akong magsalita
"Ang akala ko talaga, masungit ka, pero may kabaitan ka din pala," sabi ko, hindi ko nakikita ang face reaction nya dahil nakayuko ako't nagsusulat
"Binabayaran ko lang yung utang na loob ko sayo ngayon at pasasalamat na rin at hindi ka tumulad dun sa isa kanina na nagwalk out, pinagmalaki pa nya na magdodota sya, kala nya maganda yun, pinakita nya lang yung katamaran nya,"
"Ah Si khenji ba?" tanong ko
"Ewan, di ko nga kilala yun eh," sabi nya
Halos matuwa ako sa narinig ko dahil hindi pala sila magkakilala ni khenji, parang nagkaroon pa ako ng pag-asa sa kanya, di nya nakikita pero nakangiti ako habang kinokopya ko yung sagot nya
"About nga pala dun sa I.D. mo, nasa akin pa rin sya ngayon, alam ko na hindi mo ako mapapatawad ngayon pero I promised gagawa ako ng paraan para mapatawad mo ako sa ibang araw," sabi ko
"Wag na! Mag-aaksaya ka lang ng pagod," pagmamataray nya
"Haha, wag kang mag-alala, ako naman yung mapapagod at hindi ikaw, pangako hindi ako susuko mapatawad mo lang ako,"
"Bahala ka," sabi nya tapos nag step sya sa kabilang side ng hallway
Di ko sya masisisi kung galit pa sya sa akin ngayon pero ang sabihin nyang bahala ka, masaya na ako, kasi may pahintulot na akong gawin ang gusto ko para mapatawad nya ako
Pagkatapos kong makopya yung sagot nya, sabay na kaming pumasok sa room kasabay ng pagpasa namin ng assignment kay ma'm Grace tapos nakabalik na kami sa dati naming upuan
This time nag-aral na akong mabuti at nakinig sa lecture ni ma'm para di na maulit yung kanina na halos wala akong maisagot. Aminin nyo nakakahiya talaga yun, mangopya ka sa taong di mo ka-closed ( >_< )
Pagkatapos ng klase, saka pinaalala ni Jazer yung tungkol kay Fhane habang magkasabay kaming naglalakad sa hallway ng school
"About Fhane nga pala, ano nga palang sasabihin mo tungkol sa kanya," sabi ni Jazer
"Wag kang mabibigla pero inaasikaso na ni Fhane ang pagdrop nya dito sa school," sagot ko
"HAH!!" sigaw nya
"Kasasabi ko lang wag mabibigla eh,"
"Sorry naman, pero anong sabi nya sayo? Paanong--?" sunod sunod na tanong nya
"Hindi ko pala nasabi sayo na umpisa palang may kutob na akong hindi nya gusto yung kurso na kinuha nya pero dahil gusto nya ako maging classmate, ginaya nya. Kaya after ng plano, ayun apektado na rin ang pag-aaral nya," sabi ko at napahinto sa paglalakad si Jazer
"Mga babae talaga," sabi nya at sumandal sya sa gilid ng hallway "So anong plano mo ngayon?"
Nilapitan ko si Jazer "Hindi ko alam eh," sagot ko
"Nasa sayo yun Dark, if hahayaan mo sya or pipigilan mo syang tuluyang magdrop, I think hindi pa huli pero paano mo gagawin yun kung ikaw pala ang tanging reason nya kaya sya nag-aral dito?" paliwanag ni Jazer
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasíaAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...