MGA MAHAL KO SA BUHAY
"Mahal ko sila! Minahal ko sila! Kaya ko iyon ginawa! Ayoko silang mawala sa akin! Ayoko!"
'Mahal mo nga sila kaya wag kang magsisi!'
"O-oo..Oo nga! Wala silang alam! Di nila ako naiintindihan!"
Napasabunot si Marvin sa kanyang buhok. Di niya kilala o alam ang kung sino man ang kumakausap ngayon sa kanya. Isang tinig lamang ito, isang tinig na wari'y nagbibigay sa kaniya ng isang di komportableng pakiramdam sa tuwing magsasalita ito.