1

70 8 0
                                    

[Note: Ang maikling kuwentong ito ay nahati sa limang pahina sa kadahilanang nagkaroon ng error noong sini-save ko ito]

Masayang naglalakad ang isang babaeng nakapulang damit na patungo sa plaza upang makipagkita sa kanyang kasintahan na si Marvin.

Anim na buwan na silang magkasintahan.

Nang makarating ang dalagita sa lugar kung nasaan ang kanyang iniibig ay binungad niya agad si Marvin ng isang matamis na ngiti.

"Naghintay ka ba nang matagal?" tanong ni Mae kay Marvin.
Tumango ito nang pabiro.

"De biro lang, kadadating ko lang" sagot ni Marvin at nilapitan ang kasintahan.

"Ano pala ang gusto mong sabihin?" pag-iiba ni Mae.

Inakbayan ni Marvin si Mae at nagsimula muna silang maglakad bago niya ito sinagot.

"Wala lang, gusto ko lang sabihin na Mahal Kita" at nakangiting tumitig si Marvin sa mga mata ni Mae.
Napangiti rin naman ang dalaga.

"Paulit-ulit mo nang sinabi yan.. kanina rin sa text, binanggit mo ring mahal mo ako"
Pinisil naman ni Marvin ang pisngi ni Mae.

"Nakakaumay na ba? Gusto ko lang kasing ipaalala yun sa'yo at baka makalimutan mo" tugon naman ni Marvin.
Napatawa naman si Mae sa kanyang narinig.

"Ang corny mo, halika na nga!" at hinila ng dalaga ang binata papunta sa nagbebenta ng sorbetes.

PAGKUKUWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon