"Halika, pumasok ka" at hinawakan ni Marvin ang kamay ni Mae at pumasok silang pareho sa mumunting tinutuluyan ni Marvin.
Napatakip naman si Mae agad sa kanyang bibig sa kadahilanang ito'y nasusuka.
"Ayos ka lang ba?" pag-aalala ni Marvin at inalalayan niya si Mae patungo sa upuan.
"May naamoy lang ako, naaamoy mo rin ba yun?" tanong nito kay Marvin.
Nagulat naman si Marvin sa sinabi ng kasintahan.
"A-ang alin? Wala naman eh. Sigurado ka bang ayos ka lang?" sabi ni Marvin.
"Pagpasensyahan mo na rin dahil di pa ako nakakapaglinis dito. Anong gusto mong inumin? Teka, kukuha lang ako sa kusina" dagdag ni Marvin.
"Ah, samahan na lang kita papuntang ku-"
Pinutol naman ni Marvin ang sasabihin ni Mae.
"Huwag na! Ako na lang, magpahinga ka na lang" at hinawakan ni Marvin ang magkabilang balikat ni Mae upang pigilan itong tumayo.
"O, sige" pagpapayag na lang ni Mae.