Chapter 32

1 2 0
                                    

Day 1 ng panliligaw ni Dyn.

Pagkagising ko ay bulaklak kaagad ang bumungad saakin at may letter pang nalalaman. Naka prepare narin ang damit na susuotin ko dahil babalik nako sa duty. Nakalagay sa letter na isinabay na niya ang anak papuntang school at yung baon ko naka ready na daw at naka lagay sa ref dahil siya rin ang magsusundo sakin mamaya kaya mag pahatid nalang daw ako sa driver niya. Sineryuso niya talaga ang panliligaw.

Day 2

Hatid sundo niya ako at kahit busy siya sa trabaho niya ay palagi akong nakakareceive ng flowers at snacks sa hospital. Di niya rin kinakalimutan mag update lalo na kapag tungkol sa anak namin.

Day 3

Nagpapatuloy sa panliligaw si Dyn. Day off ko at kahit may trabaho siya ay cinancel niya para lang maka sama kami buong araw ng anak niya. Di kami lumabas dahil nag iingat kami para sa anak namin dahil baka issue na kinabukasan. Buong araw ay siya na rin nag asikaso sa bata kasi daw baka pagod ako.

Day 4

Sinundo niya ako galing trabaho at behhh sobrang nakakapagod dahil mas dumami pa yung mga patient ko. Akala ko nga diretso uwi na kami pero may dinner date pa palang nalalaman ang loko, tuloy naiwan anak namin sa bahay habang kami nagpapakasaya.

Day 18

Lumipas na ang ilang araw at todo panliligaw pa rin si Dyn, kahit ni isang reklamo ay wala akong natanggap na pagod na siya o kung ano man. Kitang kita ko kung paano siya sumaya na kasama niya kami sa iisang bahay. Punong puno na nga lahat ng vase dito sa bahay dahil araw araw may bulaklak at pa letter.

Day 50

lagpas isang buwan na at mag dadalawang buwan na ang panliligaw saakin ni Dyn kaya na curious ako kung nagmamadali ba itong sagutin ko o napapagod na ba siya kakahintay na sagutin ko.

"Di ka ba napapagod manligaw?" Naka upo kami ngayon sa veranda habang umiinom ng juice.

"Hindi, di nga ako napagod kakahintay sayo eh." sabagay 7 years ba naman akong nawala. Kung ibang lalaki lang to for sure napagod na to kaagad.

Day 70

"Ayaw na pala kitang maging girlfriend." Sabi niya sakin pagkarating niya ng bahay galing trabaho, kaya nagtataka naman akong tumingin sakanya.

"Aasawahin nalang kita." ay hanep lakas ng trip ng lakaking to

"Pinagsasabi mo?"

"May anak narin naman tayo, may bahay ako atsaka may kotse. Mabubuhay ko kayo kaya asawahin nalang kita wag na girlfriend."  Napagod yata sa trabaho kaya kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip niya.

"Bahala ka sa buhay mo Dyn." iniwan ko siyang naka upo sa sala habang tinitignan niya ang anak na naglalaro.

Day 80.

Inaya niya akong lumabas dahil wala naman siyang trabaho at day off ko naman. Dinner date daw sabi niya, sabi ko nga sama namin anak namin kaso sabi niya sa susunod nalang si Dyniara.

"Lalagyan ko ng panyo mata mo love." ano na naman ba tong trip niya?

"Pag ako nagalusan ng dahil sa mga kaartehan mo lagot ka talaga sakin Dyn."

"Oo na basta tiwala lang"

Inalalayan niya akong mag lakad, ang daming pasikot sikot di ko alam kung saan ba talaga ako dadalhin ng lalaking to.

"Love kunin mo na yung piring." aba siya nag lagay tas ako ang kukuha? Ginawa ko yung sinabi niya at nakita kong may table sa gitna at dalawang upuan na para yata saamin.

"Nagustuhan mo? Upo kana."

"Anong trip to?"

"Wala dinner date lang." Maya maya ay dumating na yung mag seserve ng pagkain namin. May tumutugtog pa ng music sa kilid. Napaka romantic ng place pero di ko pinahalata na kinikilig ako.

"Pwede ba kitang maisayaw?" kapag tinanggihan ko to ay mapapahiya to kaya nilagay ko na ang kamay ko sa kamay niya at dinala niya ako sa gitna.

"Ganda mo.."

"Alam ko." Matagal na HAHAHAH

Sigurado akong pinaghandaan to ni Dyn, sa ayos pa lang nang place at sa pagkain at sa mga tumutugtog sure akong malaki na ang ginastos niya rito. Pwede naman siyang mag aya nalang sa rooftop ng bahay niya.

"Tingin ka sa likuran mo." agad ko namang sinunod ang sinabi niya at nakita ko ang tatlo na nakangiti saakin, si Jillian umiiyak pa eh.

"Anong mero--" pagkalingon ko sakanya ay naka luhod na siya sa harapan ko, nang lingonin ko naman yung tatlo ay may hawak na silang papel na may nakalagay na WILL YOU BE MY GIRLFRIEND.

Kaya pala pinaghandaan kasi may binabalak pala.

"Sagutin mo na nag paalam sakin yan!" sigaw ni kiana kaya natatawa akong tumingin kay Dyn.

"Eh bakit may singsing?" naiiyak kong tanong

"Kalmahan mo sa susunod pa yung will you marry me."

"Wag kang excited Cia!" sigaw ni Zywren, nag tatanong lang eh.

"So Ciara Dianne Millado Will you be my girlfriend? Please make me the happiest man..."

Ilang araw, linggo at buwan na siyang nanliligaw saakin at wala naman akong mapapala kung papatagalin ko pa to, mahal ko naman eh.

"Yes!" Agad niya namang nilagay ang singsing sa daliri ko at nagulat siya ng makitang suot ko parin ang promise ring na binigay niya.

"Hindi ko man natupad ang mga pangako ko noon ay tatandaan mong di na ako mangangako ngayon at sasabay nalang ako sa agos ng buhay mo." Sabi niya pa habang nakayakap saakin yung kamay niya ay patuloy pa ring hinahaplos ang promise ring na binigay niya.

"I love you love..." sa wakas natawag ko na siya ulit sa endearment namin.

"Mas mahal na mahal kita Ciara, ikaw at ang anak natin ang bumuo sa buhay ko."

"Hoy Dyn yung pinag usapan natin! Lagot ka talaga sakin!" Sa kabila ng napaka romantic na ganap ay may kaibigan ka talagang pagbabantaan pa ang boyfriend mo.

Agad naman siyang hinila ng dalawa paalis kaya todo sigaw naman ito na mas lalo kong ikinatawa. Napaka baliw talaga nila. Pero deep inside sobra sobra ang pasasalamat ko sakanila. Marami na akong pinagdaanan at halos lahat ng yun ay kasama sila.

"Di ako mag sasawang mahalin ka Cia." try mong mag sawa at ipapatapon kita!

Rock of LoveWhere stories live. Discover now