Epilogue

2 2 0
                                    

"Ilang ulit na naming sinabi sayo na layuan mo ang babaeng yun! Siya ang makakasira sayo! Kapag di mo ginawa ipagkakalat naming malandi siya! na kabit sa relasyon niyo ni Zeilda!" Galit na sigaw ng manager ko, may nakapag sabi kasi sakanya na nasa iisang apartment lang kami nakatira ni Ciara.

Kahit kailan hindi si Ciara ang makakasira sakin dahil sa totoo lang siya ang bumuo sakin. Siya ang naging kasama ko sa lahat ng paghihirap na naranasan ko habang sumasali sa mga contest.

"You need to go on a date with Zeilda. Sundin mo Dyn kung ayaw mong madamay ang babae mo!"

Sinunod ko nga lahat ng sinabi nila, naging sunod-sunoran ako kasi palibhasa ay bagohan pa lang ako. Pero di ko inaasahan na ang malungkot na mukha ng babaeng mahal ko ang makikita ko.

"Dyn okay pa ba tayo?" anong isasagot ko? gusto kong ilayo siya sa maaring makasisira sakanya.

"Pagod ako Ciara, wag ngayon" sorry mahal di ko ginustong maging cold sayo, patawarin moko.

" Mahal mo pa ba ako?" Mahal na mahal na mahal kita Cia kahit anong mangyari ay di mawawalan yun. Patawad mahal pero gagawin ko ang lahat magalit ka lang sakin, magpakalayo ka...

"Anong klaseng tanong yan? Nagpuyat ka talaga para sa walang kwentang tanong na yan!" Pasensya na kung sinigawan kita, pasensya na kung sinabihan kita ng walang kwenta.

"Dyn tinatanong lang naman kita eh. Kasi napapansin ko di ka na masyadong umuuwi dito, inuuna mo pa yung Zeilda na yun. Inuuna mo pa ang lahat ng utos ng manager mo keysa sakin."  Di ko inaasahan na ganito ang mangyayari saamin sa kabila ng pag abot ko sa pangarap ko.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Alam mo kung gaano kahalaga sakin ang pangarap ko Cia, alam mo na gagawin ko ang lahat para sa pangarap ko kaya pasensya na kung ano yang iniisip mo ipagpahinga mo nalang." Magpahinga kana mahal dahil ni isa sa mga salita ko ay walang katotohanan kung ikaw naman ang dudulas sa mga kamay ko.

"Kaya nga gagawin mo ang lahat para sa pangarap mo pero di mo kayang gawin ang lahat para sa babaeng mahal mo."  Hindi yan totoo, ginagawa ko to para sayo sana, sana maintindihan mo.

"Mahal mo pa ba ako?" Ayaw kitang makitang nasasaktan o umiiyak sa harapan ko ng ako ang dahilan pero tsngna nagawa na kitang paiyakin at alam kong nasasaktan kita ng sobra sobra ngayon. Sobra sobra kitang mahal.

"Di na ako....masaya.." Mahal sobra akong sumaya nung nakilala kita pero pasensya na.

Umalis ako nung gabing yun, nagpakalasing tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang ginawa ko. Wala na kami. Dumulas na nga siya sa hawak ko, Nawala na ang babaeng kasama ko sa pag abot ng mga pangarap ko.

Ilang araw ang nakalipas bumalik ako sa apartment namin, wala na yung mga gamit niya at sa kabilang apartment naman ay wala na ang mga kaibigan namin. Sana sinamahan nila si Ciara sana di nila iiwan ang mahal ko kagaya ng pag iwan ko.

Pumunta ako sa bahay ng parents niya, ewan nag babaka sakaling makita siya kahit sulyap lang. Hinarap naman kaagad ako ng mommy at daddy niya.

"Bakit mo sinaktan ang anak namin Dyn?" tanong ng mga magulang ni Ciara

"Di ko po sinaktan si Ciara, nilayo ko lang siya sa maaring makasira sakanya." Dahil yun ang totoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rock of LoveWhere stories live. Discover now