Chapter 10

29 4 4
                                    

Kenzo Villamar POV

Nairaos namin ang 1 week na pagluluto ng lunch para sa soccer club at sa wakas pahinga na namin pero next week ay may activity na naman ang club namin.

" Hi, Kenzo " Bati sa akin ni Cjay ng maabutan nya akong mag isa dito sa Quadrangle na nakaupo.

" Hindi ka pa din nagsasalita? " Tanong nito, Pero nakikinig lang ako sa kanya, Hindi sa naging pipe na ako pero pili lang ang taong kinakausap ko at hindi siya kasali duon.

" Uy, Pansinin mo naman ako " Sabi nito at naramdaman ko ang katawan nya sa likod ko kaya nilingon ko siya ng may masamang tingin, Oras na kalabitin nya ako sisigaw na ako.

" Sungit mo naman, Pero gusto ko yan palaban " Sabi nito at ngumisi, Hindi ko inalis ang masama kong tingin sa kanya hanggang sa May maglapag ng tubig sa pagitan namin, Sabay kaming napatingin duon at si Jeremiah pala, sa likod nya ay nakatayo si Ralph, Agad akong nagtago sa Jacket ko.

" Sino ka? " Tanong ni Jeremiah kay Cjay.

" Ahh---- " Cjay, Mukhang natakot ito kay Jeremiah.

" KaClub member ni Kenzo " Si Ralph na ang sumagot sa tanong ni Jeremiah.

" Member ng cooking club? " Tanong ni Jeremiah na parang may nalamang napakainteresadong bagay.

" Ikaw pala yun? Sabi na nakita na kita eh " Sabi ni Jeremiah, Agad naman nagpaalam si Cjay na mauuna na, Pero ang totoo natakot lang sya kay Jeremiah.

Sabay silang umupo ni Ralph sa Harap ng kinauupuan ko, Pero ang katapat ko ay si Ralph na nakamasid lang sa akin.

" Oh, Tubig ka muna " Inusod ni Jeremiah ang tubig sa tabi ko.

" Anong gusto mong kainin? " Tanong ni Jeremiah.

" Wala, Busog ako " Sabi ko dito at nagcellphone na ulit, Nagpalit na ako ng Sim number kaya hindi na ako nakakatanggap ng text mula sa Unknown number na nanggugulo sa akin.

" Ayyee, Busog daw alam ko na gusto mo, Ikaw ba Ralph? Tara na Bili na tayo ng lunch " Yaya ni Jeremiah dito.

" Hindi na, Busog din ako tsaka aalis na din ako pagbalik mo " Sabi ni Ralph.

" Hmm?? Seryoso ka ba? Oh sige, Intayin nyo nalang ako dyan " Jeremiah at tuluyan na kaming iniwang dalawa ni Ralph na tahimik lang sa tapat ko.

Pansin ko ang pagtitig sa akin ni Ralph kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya at tama nga ang hinala ko, Dahil kahit nahuli ko na siyang nakatitig ay hindi pa din siya nag iwas ng tingin.

" Bakit? " Tanong ko dito.

" Bakit hindi ka na kasama maghatid ng lunch namin last week? " Tanong nito sa akin.

" Busy ako " Sagot ko dito.

" Busy saan? kay Jeremiah? " Tanong nito, Kumunot ang noo ko.

" Bakit ka ba nagtatanong?? Close ba tayo? " Tanong ko dito alam kong medyo harsh ang tanong na iyon pero mas mabuti ng diretsyahin ko siya.

" Hindi ba? " Tanong niya.

" Hindi "  Walang emosyon kong sagot ko dito, Tumango sya at napalihis ng tingin sa akin, Pero bumalik din ang tingin sa akin.

" Kayo ba ni Jeremiah? " Tanong nito na syang dahilan ng paglaki ng mata ko, Mukha namang natuwa sya sa reaksyon ko.

" Okay, Hindi diba? " Sabi nito at nakangiti na kaya kinunutan ko siya ng noo.

" Kelan ka ulit sasama sa paghahatid ng pagkain sa amin? " Tanong nito, Hindi ako sumagot.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon