Hi Readers!!
I'm a student from CEU Manila. I'll be sharing a story na medjo may true to life pero may major twist. Haha. And everyone that is included in my story is real. Pero hindi nila real name yun. HAHA! But they exist. Labo ko sorry! LOL! May pagka romance, fantasy, teen-fiction, teen non-fiction and others to. Haha. Di ko ma-identify. xD
Sana magustuhan ninyo. Beginner lang ako and I'll try my best to make this story interesting. 😊 ENJOY!!
COMMENT!
FAN!
VOTE!
-xoxo😘
Prologue
Music playing: *MAGKABILANG MUNDO by JIREH LIM*
Halos 2 years na pala ang nakakalipas simula nung nagkalabuan kami. Nakakamiss din pala yung feeling na kiligin, umiyak, at yung feeling na para bang crinacrumple yung puso mo. Yung tipong alam mo na kahit masakit eh hahanap-hanapin mo parin. Masochist ata ako?! Or sadyang nagmamahal lang? Hmmp! Bahala na! Past is past eh. I need to move on para naman makausad din ang buhay ko at mahanap ko ang jowa ng buhay ko!
Chapter 1
Hay! Eto nanaman ako nagdday dreaming. Ano ba nangyayari sakin? Ayoko na! Kailangan ko na talaga siyang kalimutan sobrang tagal na nun. Nagmumukha lang akong tanga tuwing nakaka-usap ko siya. Para bang "I still care" yung turing ko sakanya pero siya parang "I don't care" naman. Hay ewan!! Eto kasi yun... Nagkagirlfriend kasi siya habang nung kami pa at ang masama magbibirthday pa ako nun. Ang ganda ng birthday surprise no? SAYA!! Tapos nalaman ko pa sa kaibigan namin. Okay lang naman kung nagsasawa na siya sa akin pero bakit kailangan niyang gawin na lokohin ako? SAKIT!!
Isa nga pala siyang marino, itago nalang natin sa pangalang "K" kaya siguro hindi nagwork yung relationship namin dahil LDR (Long Distance Relationship) kasi lagi siyang nasa barracks nagttraining minsan pupunta ng Japan para sa OJT. Halos puro text at tawagan lang kami nun. Kung magkita kami swerte na yung twice a month. Ang lakas ng tama nun sakin! Tingnan niyo hanggang ngayon naiisip ko parin siya. :( Nagkakasama parin kami ngayon at nagkakatawagan kaya ang hirap niya i-let go. Minsan clingy siya minsan naman ang cold. Ewan ko ba!! Mas madalas nga ngayon yung pag-uusap namin at pagkikita kaysa nung kami pa. Eh kasalanan ko rin naman ata kung bakit naging ganun kami, hindi ko kasi binigyang importansya yung relationship namin. Parang kampante kasi ako na lagi lang siyang nandyan. Hindi mawawala sa tabi ko. Pero nagkamali ako... :( dahil sa huli ko nalang nalaman at narealize yung totoo niyang worth sa buhay ko. Ganun siguro talaga... Nasa huli ang pagsisisi.
Ano ba yan!!!! Kainis! Summer vacation kasi eh kaya kung anu-ano naiisip ko. Alam niyo naman... bakasyon... walang magawa! Kaya puro tulaley ang nangyayari. Puro kain, tulog, internet. Paulit-ulit nalang. Nakakasawa na! Ay! Oo nga pala nakalimutan ko i-introduce yung sarili ko! Ako nga pala si Jel Gutierrez, maganda, sexy, pero tanga at ambisyosa. Nag-aaral ako sa CEU Manila. 2nd year na ako sa pasukan. Hmm... Ano kaya mangyayari sa pasukan? Masaya kaya 'tong taon na 'to? Sana oo!! Excited na akong makita mga blockmates ko. Di na ako makapaghintay ng 1 week...
*MUSIC STOPS HERE*
"BUZZ!* *BUZZ!"
Uy! May nagtext sakin! Himala ah! May nakaka-alala pa pala sakin... Sino kaya 'to?
From: Elane Ubaldo
Uy Girl! Favor naman oh! Gawa ka ng photo ng schedule natin this coming semester. Thank you! Xoxo.
Leche! Nagtext lang para utusan ako. Bwisit talaga 'tong mga BFF na to no? Pero okay lang. Wala din naman akong magawa eh. Btw, siya nga pala si Elane isa sa mga close friends ko sa school. Simula first sem. first year magkasama na kami niyan. Siya rin lagi kong nasshesharan ng mga nangyayari sa buhay ko. Para bang siya yung diary ko sa school.