Special Update #5: Playboy's Baby
[RACHELLYN's PoV]
Kinuha ni Adrian si Aia sa akin bago kami tumayong dalawa mula sa pagkaka-squat. At kasama si Andy, nagtungo kami sa gate para salubungin ang mga bisita namin.
"Lola!" Agad niyakap ni Andy si Mama Margie.
"Chellyyy!" Tili naman ni Millie na nasa likuran ni Mama Margie kasama si Levi na karga-karga naman ang five years old na nilang anak na si Demi. Kararating lang nila kagabi from US at si Mama Margie ang nag-volunteer na sumundo sa kanila ngayon.
"Millie!" Niyakap ko ang best friend ko nang sobrang higpit. Sobra-sobra rin kasi ang pagka-miss ko sa kanya eh! Two years din kaya kaming hindi nagkita. 'Yung huling beses pa ay nung kinasal kami ni Adrian.
"Bless tayo kay Ninong Adrian, dali anak! Maraming utang na birthday at Pasko sa atin 'yan!"
Natawa kaming lahat kay Levi na agad-agad lumapit kay Adrian para pagmanuhin si Demi. Kaso, nako. Tinotopak ang bata. Tinatago nito ang mukha sa leeg ng ama.
Inuto-uto namin si Demi para magpababa o tignan man lang kami, pero ayaw. Pati nga si Aia, pinang-uto na namin, thinking na magkaka-interes siya tignan kung sino ang may birthday ngayon, pero wala talaga. Kapag bad mood, bad mood talaga si Demi.
"Ah!" Parang nagka-bright idea bigla si Millie. "Demi, anak, you were always looking for Andy, 'di ba? Nandito siya oh!"
Napaangat nang unti ang ulo ni Demi para silipin ang ina.
"Andy's here?" Inosente niyang tanong. Oh my...
"Mm! Ayun si Andy oh." Tinuro ni Millie si Andy na nakayakap pa rin kay Mama Margie.
Tinignan naman ni Demi si Andy. At si Andy, bakit kaya natahimik? Usually, giddy siya eh kapag may ibang bata sa paligid. And that's Demi! Nagkakilala na sila dati at nagkakakitaan minsan tuwing nagvi-video call kami ni Millie.
"Nendete ne nge sele!" That was Ate Hazel na lumabas dito sa garahe kasama si CJ. They're holding hands.
"Uy Ate Hazel! Kamusta po?! Ang ganda mo pa rin po talaga!" Bati ni Levi sa kanya.
"Oh well..." Nag-tuck naman ng buhok si Ate Hazel sa likod ng tenga niya, with matching beautiful eyes.
"Naniwala naman..." Side-comment ni Adrian.
"Heh! Shaddap, Adrian!" At nawala bigla-bigla ang poise ni Ate Hazel, making all of us laugh.
"Ate Hazel. Congrats po sa kasal niyo." Bati naman ni Millie. "Pasensya na po hindi kami nakahabol."
"Sows, okay lang 'yun, Millie! By the way, ito nga pala ang napangasawa ko—"
"Nautong mapangasawa." Side-comment na naman ni Adrian. Ay talaga 'tong asawa ko!
"Isa pa, Adrian, kakalbuhin na kita!"
"Salbahe talaga 'yang Adrian na 'yan eh." Mapang-asar na komento ni Levi. "Hindi bale, Ate Hazel. Naniniwala ako na nabighani sa kagandahan niyo ang napangasawa niyo. 'Di ba, p're?" Binalingan ni Levi si CJ at nakipagkamay. "Levi nga pala."
BINABASA MO ANG
MORE CRAZY MOMENTS!
HumorXNUT and Playboy's Baby Special Updates. :) • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 - 𝟮𝟬𝟭𝟱 •