Bigyan natin ng hustisya ang mga nafa-fanzoned. XD.
♥♥
FANZONED
..
Hayy Derrick Carbonelle, kailan mo ba ko mapapansin? Lagi na lang ba kong titingin sayo sa malayo?Lagi ko na lang bang hihintayin na mapansin mo ko sa bawat mall tour, concert, at show mo?
Ay oo nga pala! Ako nga pala si Jandi 'Die hard fan' Buena Vista. 4th year high school. 16 years old.
.Echos lang yung Die hard fan sa pangalan ko. Ayun na kasi ang naging bansag sakin dito sa school. May crush kasi ako kay Derrick Carbonelle—isang sikat na sikat na artista na 17 years old.
Hindi ko na idedeny na patay na patay ako dun. Pero, masasabi kong mahal ko na si Derrick Carbonelle.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi daw pagmamahal ang tawag kung artista ang mahal mo. Mas angkop daw kas ang salitang 'Die hard fan'. Nakakainis lang. Alam nyo yun?
Minsan kasi gusto kong tanungin katulad nung tinatanong nila JoWaPau sa Eat Bulaga na 'Nasaaan ang hustisya?!'
Baliw na talaga ko. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko eh. Pero, eto ko eh. Anong maggawa ko? Alangan pa naman baguhin ko yung sarili ko para lang sa inyo.
Aba! Ano kayo? Sinuswerte.
Ay. sorry. hahaha
"Hoy Jandi! Wag ka ngang ngumiti ng ganyan. Kinikilabutan ako eh." Ayan naman si Eris. Ang pinakamamahal kong Bestfriend.
Natutuwa ko kais kahit na Despereda ang tingin sakin ng iba, may mga kaibigan pa rin naman akong nandyan para damayan ako. Okay. Masyado kong madrama. XD
"May mall show daw si Derrick Carbonelle ah?" tanong ni Eris.
"Ha? Kelan ? Saan?" natatarantang tanong ko. Aba! kailangang nandun ako. Kahit sa likuran lang. Basta makapunta ko.
"O. A. Sa sabado. Dun sa SM Dasmariñas." sabi nya. Aba! kung sinu-swerte nga naman ako oh. XD Malapit lang kasi samin yang mall na yan. Taga-Dasmariñas, Cavite ako eh.
Hindi talaga ako makatulog dahil sa sobrang excitement. Haha. Sana mapansin na ko ni Derrick. Kahit bilang fan lang. Kahit hindi na bilang totoong nagmamahal sa kanya. Alam ko naman na madaming nagmamahal sakanya. Pero, unti lang yung totoong nagmamahal sa kanya.
..."Waaaaaa!!!!!!!!! Derrick! I Love U!!!" Eto ako at nagsisigaw sa likod. Mall show na kasi nya. Maswerte ako dahil naka-pasok ako ngyon.
Lagi kasi akong minamalas eh. Hindi ako pinapasok dahil puno na. O kaya naman, lagi akong late dahil mali yung oras na binibigay sakin.
Kapag magpa-paauthorgraph naman, hindi ako natatawag. Ewan ko ba kung aning kamalasan ang nadating sa buhay ko.
"Hello Guys!!!!" Sigaw ni Derrick. Kaya napuno ng sigawan ang buong Sm. hahaha. Totoo naman.Sobrang ingay. Ako naman, nagtata-talon pa. Buti na lang at matangkad ako. XD
Nataps ang Mall show nya na sobrang saya ko. As in. Sulit na sulit yung pagtata-talon ko dun.Saya talaga! Sana makita ko pa sya. Haha. Saya talaga.