Simon's POV
Di ko talaga lubos maisip na yung tinatakbuhan namin kaninang umaga ay yung guard ng campus...Kahit napagalitan kami ay di na namin masyado inintindi kasi nakakatawa yung nangyari.
"Simon.."
Halos magkandarapa kami sa kakatakbo kasi akala talaga namin multo, hahaha. Halos lumutang na si Carlo mula sa lupa sa sobrang takot...Hanggang ngayon tuloy tawa ako ng tawa...
"Simon..Simon.."
Si Rica naman tili ng tili...Halos sumabog na yung tenga namin ni Max sa sobrang lakas...Samantalang kaming dalawa ni Max, nakikitakbo lang.Sa totoo lang, di ako masyado close kay Max dahil parang lagi syang seryoso eh...Plus, he's an ultimate campus hearthrob samantalang ako, isang simpleng nerd.
"Simon!!!"sigaw ni Nikki.
"A-ano?"tanong ko.
"Ano bang nangyari kanina?Si Rica at si Carlo, tawa ng tawa. Pati ikaw, tawa ka rin ng tawa.Tinatanong ka kanina ni Mr. Coronel pero di ka lumilingon kaya ako na lang yung nagrecite..."sabi ni Nikki.
"Basta, wag mo na akong intindihin, mahabang kwento."sabi ko habang tumatawa ng pigil.
"Hay naku, siguraduhin mo lang na hindi yan tungkol sa droga ha, kung oo, eh di pahingi.."sabi nya.
"Nikki!!!"sabi ko.
"Joke lang, di naman 'to mabiro."sabi nya sabay tawa.
"Baliw..."sabi ko sabay hawak sa salamin ko.
"Oh, may plano ka na ba tungkol sa high school night?Kasi tuloy na tuloy na daw yung plano na ang mga boys na lang daw ang magyayaya ng partner nila..."sabi ni Nikki.
Oo nga pala...Mag-iipon na rin pala ako ng lakas ng loob para yayain si Nikki...
"Oh, sino nga pala ang yayayain mo?"tanong nya.
"Si-Secret muna..."sagot ko.
"Iiihhhh...May crush na rin pala tong bro ko eh...Asahan mo Simon, susuportahan kita dyan..."sabi nya sabay siko sa braso ko.
"Oh sige..."sabi ko sabay buntong hininga.
Sana nga kayanin ng puso ko na magtanong sa kanya...
"Good morning class..." bati nung next subject teacher namin.
Okay, back to studies again...
~after class~
~inside the student council room~
"At last, tapos na rin ang klase!!!"sabi ni Rica habang nag-uunat.
"Sus, parang may ginawa naman sya..."sabi ni Carlo.
"Bakit?Nandun ka ba at nakita mo ko?Judgmental ang putek..."sabi ni Rica habang nakapamewang.
"Hindi syempre, nasa ibang section ako eh..."sabi ni Carlo.
"Edi hindi..."sabi ni Rica habang nakanguso.
"Oh sige, awat na..."sabi ko kasi parang magsasabunutan na 'tong mga to eh..
"Oh, ayos na ba yung plano na nagawa mo, Rica?"singit ni Nikki habang nakaupo.
"Well, final na...Ang inaalala ko lang ay sino ang gagawa ng posters para sa advertisement ng high school night...Any volunteer?"tanong ni Rica.
"Ako na lang.Bale ilan ba ang gagawin?"sabi ni Nikki.
"Mga 150 pieces din..."sabi ni Rica.
BINABASA MO ANG
LOVE OR DISASTER?!
De TodoMeet Nikki Santos...Ang babaeng ang hilig sa buhay ay mag-aral, mag-search tungkol sa EXO, at naghahangad ng payapa at tahimik na mundo. When a bad thing happened... Dahil sa isang katangahan, she'll be forced to be the girlfriend of the campus hear...