Grammatically error ahead, sorry na agad.
Warning: Spg
"Nag-skip ka na naman ng classes mo, Lesha!" puna ni Sol. Ngumiti ako sa kaniya at bahagya kong sinundot ang kaniyang tagiliran. Umirap naman ito dahil nakikiliti siya sa aking ginagawa kaya tinigil ko naman.
"Secretary ka naman, baka pwede mo na akong icheck diyan sa attendance mo..." sambit ko rito. Bahagya na naman itong napairap at kinaltukan ako.
"Hinde pwede, recorded ni Maam Susan 'to!" bulyaw niya.
Kinamot ko ang aking batok at tumingin sa kaniya, gumawa ulit ako nang palusot ngunit hindi na umubra sa kaniya kaya sumuko na ako. Hindi naman kasi ako magsskip ng klase kung wala si Maam Susana na 'yon, bwisit na english teacher namin, pabayad nang pabayad ng hand-outs tapos isosoli pa namin sa kaniya.
Grabe naman kasing mangotong.
"Merong binayaran kanina, limang piso 'to." Bigay niya naman, buti nalang nabilhan niya ako nang hand-outs na rereviewhin namin para sa exam. Hindi ko na kasi alam ang uunahin ko, magreview ba o sumilay sa crush ko.
"Magkano 'to?" tanong ko naman.
"Trenta raw," sagot niya naman.
"Ang kapal ng hand-outs, kasing kapal niya..." reklamo ko. Kinamot ko ang aking ilong at binatukan naman ako ni Sol nang sabihin ko 'yon. "Eh totoo naman kasi, hindi ka ba naiinis sa kaniya? Diba't pinahiya ka narin niyan dahil lang hindi ka nakapagpapirma ng attendance?"
"May sakit kasi, hayaan mo na..."
"Ano sakit sa utak?" pinukpok niya ako ng papel sa ulo buti nalang ikalawang pagkakataon nakaganti ako at napukpok ko rin siya.
Napailing naman ito nang tumingin sa akin, hindi ko tuloy makikita ang crush ko sa university. Magrereview daw kasi ako sabi ni Manang Sol na kaagad ko namang sinang-ayunan. Hindi na ako makatanggi dahil kaibigan ko naman siya at ayos naman sa akin kahit anong sabihin niya.
Nandito kami sa bench ngayon habang isa-isang binubuklat ang hand-outs na binili namin kay Maam Susana sa english namin. Sana nga mawala na ang english na ito, pahirap kasi sa buhay. Okay naman ibang sub ko, matataas ang mga grades ko ron pero siyempre hinahatak ng english sub kaya bumababa.
Nagsimula na akong antukin, first page palang nang binabasa ko. Ano ba 'yan puro sentence ang mga ito.
"May pasok pa ba mga college kahit sabado?" nakakunot na tanong niya.
"Depende siguro kung anong shift sila, mga med student kasi shift b. Pang thurday sila hanggang Friday...." sagot ko.
"Hindi ko tinatanong 'yang med, ang tinatanong ko 'yung pangkalahatan!" sigaw niya. "Ayan ka na naman ha, dinadaan mo na naman ako sa crush mo na 'yan... iyon ba 'yong lalaking kasama ni Phenelope?" tanong niya.
Inirapan ko naman ito at kaagad niya rin naman akong inirapan, hindi nalang ako nagsalita pabalik. Baka mamaya makalbo ko siya nang wala sa oras eh!
"Iyong model na babae, 'yung maganda, na palagi niyang kasamang maglunch tuwing tanghali... sayang hindi mo nakita 'yung med student na 'yon nuong kung paano sila maglampungan sa daan eh..." sabi niya. Halatang ginagalit niya talaga ako, bwisit.
Halos umusok ang dalawang ilong ko sa kaniyang sinabi kaya naman natawa siya, kilala ko rin ang Phenelope na 'yon, iyong babaeng maganda na umaaligid sa kaniya palagi. Hindi ko lang alam bakit niya hinahayaan na buntutan siya palagi.
"Kung ako sa 'yo, bes sumuko ka na. Malayo ka ron, hindi mo siya maaabot." Pangangaral niya naman na agad kong sinang-ayunan. Hindi rin naman masamang magkaroon ng crush, maganda nga 'yon para sipagin akong mag-aral at pumasok.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...