Chapter 32

1.2K 19 0
                                    

Kanina kopa tinitignan Ang text ni Quiry saakin, kinakabahan Ako Hindi ko alam kung bakit. Tinext saakin ni Quiry Ang address kung saan kami mag kikita sinabi nya rin saakin na isama ko si mama,

Napabuntong hininga ako nag bihis ng mabilis, umalis mona si Lennox dahil may inasikaso si Azayah naman nilalaro ni Keisha, pag katapos Kong mag bihis bumaba ako nakita ko si nanay na naka bihis na rin sinabihin ko na sya kagabi alam ko na nag taka rin sya pero sumang ayon naman,
Iiwan mona namin si Azayah Kay tita jolly since Wala naman syang gagawin at lakad. Kinuha ko muna si Azayah at hinalikhakan ito, nakapag paalam narin naman ako kay Lennox sasama pa sana ito pero nag pumulit ako na wag na dahil may trabaho pa ito, Ang ending pinasama nya saamin yung driver nya para raw may bodyguard kami, natatawa nalng taka Ako. Pagkatapos naming mag paalam Kay Azayah binigay ko Kay tita jolly mangiyakngiyak pa ito pero agad din namang nilaro ni cony.

"Mag ingat kayo ah," tumango Ako at ngumiti bago lumabas.

Sinabi ko kung saan yung address na tenext ni Query saakin sabi ni manong 30 minutes daw ang byahe bago makarating doon, Wala akong ideya bakit pa kami pinapunta ni Query kinakabahan din Ako, napabuntong hininga ako Hindi Ako mapakali sa kinauupuan ko, kinuha ko Ang phone ko dahil narinig ko itong tumonog si Lennox Pala tumatawag.

"Hey..nakaalis na ba kayo?" rinig kong sabi nya sa kabilang linya, napangiti naman Ako at medyo nawala Ang kaba.

"Opo, malapit narin kami,"

"Iloveyou baby, take care if anything happens, tumawag ka agad," Hindi ko mapigalang ngumiti dahil sa sinabi nya.

"Iloveyou too Lennox, wag kanang mag alala I'll be fine." pag katapos naming mag usap ni Lennox, inayos ko Ang sarili ko dahil sabi ni manong malapit na kami, pumasok pa kami sa Isang subdivision.

Napatingin Ako Kay nanay tahimik lang ito.

"Nandito na Tayo ma'am" agad kaming bumaba ni nanay, nilibot ko Ang paningin ko sa kabuonan Ng Lugar nasa Isang subdivision kami, at nandito Kami sa Isang malaking bahay,

Nakita ko si Query na nakatingin saakin, ngumiti ito at lumapit saamin. Agad niyang niyakap si nanay, niyakap din naman agad sya ni nanay

"Tita, namis kopo kayo." naiiyak na sabi nya, napangiti Ako sa nasaksihan ko kahit kailan hindi nag bago Ang tingin ni Query Kay nanay, tinuring nya parin itong parang Isang Ina nya.

"Ako rin kumusta kana."

"Ayos lng Po ako tita, Ang Ganda nyo parin." napangiti naman si nanay.
Hay kahit kailan talaga Ang hilig parin mambola.

Lumapit ito saakin at niyakap Ako,

"I'm sorry kung ngayon kolang ito nasabi sa inyo. Diba pinangako ko sainyo dati na hahanapin ko ang papa mo Sassy," kaagad na bumilis Ang tibok ng puso ko, naiiyak itong napatingin saakin at tumango.

"Anong ibig mong sabihin Query?" si mama na halatang kinakabahan.

"Tita nahanap ko na Po,"

"Anastasha.." Ang mahinang tinig Ang nakag palingon saamin.

Isang lalaking nakasakay sa wheelchair, Ang buhok nya ay napuno na ng maputing buhok. Medyo kulubot narin Ang Mukha nya pero makikita mo parin Ang kagandahan nito noong kabataan nya.
Agad itong napatingin saakin. Hindi ko alam pero naiiyak Ako. Nakikita ko Ang mata nya mag kaparehas kaming ng mata.

"Anak ko...." Naiiyak na wika nya. Hindi ko alam pero dahan dahang tumulo ang luha ko, Hindi ko ma proseso sa isip ko ang sinabi nya.

"Henry..." Naiiyak na wika ni mama, inalalayan sya ni Query na makatayo may tungkod sya sa kabilang kamay nya at Yun Yung alalay nya para makatayo sya at makalakad.

Kaagad nya kaming niyakap, napahagolgol kami ni nanay Hindi ko alam kung anong reaction Ang ibigay ko ngunit Masaya Ako Ang matagal Kong pangarap na nandito na. Ang ama na sobrang tagal kung pinangarap na Makita.

"Patawarin nyo ko, sobrang tagal ko kayong hinanap. Naduwag Ako noong una. Nagsisi Ako patawarin nyo ko." Hagolgol na wika nya.

"Henry..." Umiiyak si mama.

"Hinanap ko kayo Anastasha, matagal ko kayong hinanap, ngunit hindi ko kayo mahanap, patawarin nyo ko at naging duwag Ako." tumingin sya saakin at hinawakan Ang Mukha ko naiiyak Ako, Wala akong galit sa kanya Isa lang Ang nararamdaman ko ngayun Masaya Ako sobrang saya ko. Pakiramdamn ko buo na Ako.

"Ang laki laki mona, Isang beses lang kitang nahagkan dati, nag sisi Ako at Wala Ako sa tabi mo" kaagad akong umiling at inalis Ang luha sa mata nya.

"Ang importante Po nandito na kayo."

*****

Ang buhay talaga ay parang Isang sugal na kung Hindi ka susugal ay Hindi mo malalaman kung anong mangyayari sa huli. Ang matagal Kong hinahanap at pinapangarap noon ay nakamit Kona nakita Kona si papa.
Hindi Ako sumugal na hanapin si papa dahil ang buong Akala ko ay iniwan na nya kami at pinabayaan, pero may Isang taong sumugal na hanapin sya at si Query iyon.

Hindi Pala lahat ng sinabi ni mama ay totoo ginawa lang nya iyon upang protektahan Ako at para Magalit Ako Kay papa kamuhian ko sya at Hindi na hanapin ngunit Dito sa puso ko Wala akong ibang hinahangad kundi mahanap sya. Wala akong galit sakanya. Noong oras na iyon para akong nasa alalaalap. Pakiramdam ko Ako na Ang pinaka swerteng babae.
Lahat Ng nangyari sa past nila mama kwenento saakin ni papa. Ang love story nila ay parang pang teleserye Ang daming plot twist Hindi mo maiisip na ang dami Pala nilang pinag Daanang dalawa. Nag kahiwalay sila Ng ilang years at pinagtagpo ulit.

Nag iisa nalang si papa sa Buhay nya. Noong mawala kami, ginugol nya Ang oras nya sa pag hahanap saamin at sa pag tatrabaho. Kaya nakapundar sya Ng mga ariarian. Sa tagal Ng pag hahanap ni papa Hindi nya parin kami nakita nawalan sya Ng pag asa at tumigil, Masaya Ako pero sa puso ko may lungkot, nahanap nga namin sya pero bilang nalang Ang Araw na makakasama namin sya. May taning na Ang Buhay ni papa Meron syang cancer utak at ilang years nalang Ang tagal ng buhay nya.

"Hey ano ba! wag Kang umiyak masisira Ang make up mo!" Wika ni Vin. Kaagad na kumuha Ng tessue si Clea at dahan dahang inalis ang luha sa mukha ko. Napangiti Ako Ng Makita Sila sobrang saya ko ngayun ito ang Araw Ng kasal ko.

"Nako papangit ka niyan." natawa kami sa sinabi ni Query.

"Sobrang salamat sa inyo." Naiiyak na wika ko at the end napatawad namin Ang isat isat sa Buhay matuto tayong mag patawad at humingi ng tawad.

"Ano ba ayaw namin Ng drama!" arteng wika ni Clea na nakapagpatawa saamin.

Kaagad kaming lumapit sa isat Isa at yumakap.

Napatingin Ako sa salamin sobrang Ganda ko Ngayon naka make up at Ang Ganda Ng wedding gown ko.

Pagkatapos naming mag dramahan ay bumaba na kami handa na Ang lahat nat nakabihis narin. Napatingin Ako Kay nanay Ang Ganda nya Ngayon napatingin agad Ako Kay papa sobrang laki Ng ngiti nya. Halatang G
Halata sa Mukha nya na sobrang saya nya.

Kaagad na niyakap ko Sila at hinalikan. Napatingin Ako Kay cony at Keisha, bihis na bihis din Sila.
Napatingin Ako Kay tita na bitbit nya si Azayah na bibong bibo. Kukunin ko sana ito pero siningyasan Ako ni tita Jolly na wag dahil baka masira Ang gown ko Kasi si Azayah sobrang hyper.

"Wag Kang kabahan okay! tandaan mo enjoy your moment, baka hihimatayin ka!" Paalala ni Query.

"Oo na ma'am." natatawang sabi ko.
Pero deep inside saakin kinakabahan Ako.

Nauna na Sila Lennox sa simbahan kasama parents nya gusto pa sana nya na sabay na kami ngunit Hindi Ako pumayag.

Matapos Ang lahat kaagad kaming sumakay sa kanya kanya naming sasakyan, nasa Isang sasakyan Ako kasama ko si nanay nang maayos na ang lahat pinaadar na ni manong ang sasakyan, this is it Ang matagal konang pinangarap na ikasal sa lalaking mahal ko ay mangyayari na.

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now