Chapter 30- REBOUND

39 5 0
                                    

WARNING: NOT EDITED!!! ^_^


*******************************************************************************


[Tiffany's POV]


"And now, for the main event of the evening. You can now go and search for a partner because the dancefloor is now open!"


Ayan na... isasayaw niya kaya ako? iiihhh!!! Nakakaexcite! Pero asan na nga ba siya? Kanina ko pa siya di makita eh... Makapag libot nga muna.


Nag lakad lakad ako at hinagilap siya. Oh! Nga pala, nakapag bihis na ako. wag kayong mag-alala. Dalawang dress kasi dala ko kanina. Hehe.


"Nathan I love you!" Napahinto ako sa tapat ng pinto palabas ng ballroom hall. Ano daw? I love you Nathan? Si Nathaniel? Sumilip ako kung saan nanggagaling yung tunog at nakita ko si Diane at kausap niya si Nathan.


"I'm so sorry for not fighting for you but please... give me this one last chance. I know that you still love me." pagsusumamo ni Diane kay Nathan. Ano daw? Don't tell me siya ang...


"Hindi na kita mahal." sagot ni Nathan


"You're lying. Look into my eyes and tell me that you don't love me. That way, I will believe whatever you say." pangungulit ni Diane. Nanatili namang tahimik si Nathan. Bakit? Bakit di mo masagot?


"What now Nathan? Bakit di ka makasagot?" oo nga? Bakit di ka sumasagot Nathan? Bakit di mo sabihing di mo na siya mahal?


"Tumigil ka na. wala nang magandang patutunguhan ang usapan na 'to." sagot ni Nathan sabay alis. Nang papasok na sana siya, sinalubong ko siya na ikinagulat niya.


"T-Tiffany..." wika niya pero nanatili akong tahimik. Nakatingin sa kanya na tila nagtatanong... nagtatanong kung bakit di niya masagotng diretso si Diane.


Saglit pa kaming nagkatitigan ang hatakin niya ang kamay ko papunta sa kung saan pero tahimik lang akong nakatingin sa likod niya. Nang makarating kami sa garden, tumigil na siya sa paglalakad at humarap sa akin.


"Narinig mo ba?" tanong niya. I looked away and said "Yes." Tumahimik ang paligid pagkasagot ko nun. wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Feeling ko di niya din alam kung paano mag-eexplain.


Maya maya pa, huminga siya ng malalim at nagsalita. "I'm sorry." sabi niya


"For what?" tanong ko.


"She is my ex-girlfriend. She is the one I told you about nung kumain tayo ng ice cream." sagot niya habang nakatingin sa akit.


"So? Bakit ka nagsosorry?" tanong ko habang nakatingin padin sa malayo. "May ginawa ka bang mali?" tanong ko habang dahan dahang tumitingin sa kanya.


"Kasi... kasi..."


"Kasi rebound mo lang ako? tama ba?" tanong ko

Assuming FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon