REM EZEKIEL CLOUD
"HOW'S work, dude?"
Sa gitna ng pag-iisip ko narinig kong nagtanong si Red. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya pero sa pagkaka-alam ko siya lang naman ang galing sa trabaho na nandidito.
Hindi ako sumagot dahil kung trabaho ang pag-uusapan masyadong masakit sa ulo kung dadagdagan niya pa ang iniisip ko.
Sumandal ako sa sofa na kina-uupuan ko at bumaling ako sa asawa ko na nasa tabihan ko—na abalang kumain ng pizza.
Kakarating ko lang galing sa trabaho at nandatnan ko na sila dito. Sila ang napag-utusan kong magbantay at maghatid kay Gab sa bahay tuwing hapon na hindi ako pwede. Nandidito sa bahay si Red, Rex at si Andrea.
Sa ilang linggo kung pagtatatrabaho sa kompaniya ngayon lang ako umuwi ng ganito ka problemado.
Damn!
"Ang takaw mo, Andrea!" Saway ni Rex kay Andrea na siya namang ikinasama ng tingin nito.
"Ang kapal mo! Alam mo ikaw? Napakalaking pakialamero! Ako lang ang napapansin mo samantalang si Red ang nakakaubos ng kalahati niyan." Naiinis na sagot ni Andrea.
"Anong ako? Si Sammy-baby kaya!" Turo naman ni Red kay Gab.
"Hala? Bakit ako? Kakapulot ko pa lang kaya." She pouted.
What a calm attractive voice?
Hinapit ko siya papalapit sa akin dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. Nginitian niya ako at isinandal niya sa dibdib ko ang likod niya. What a lovely sweet-smile.
So beautiful.
"Hoy! Ang tahimik mo, Rem?" Puna ni Rex.
"Oo nga, kanina ka pa tahimik diyan, ah. Mukhang malalim ang problema natin, ah, sa company ba? O sa babae?" Nang-aasar na tanong ni Red.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nakakatuwa ang biro niya. Malaking problema na nga ang sumalubong sa akin kanina dadagdag pa siya?
Putangina!
Everything goes well in our relationship. We never had a quarrel that we can't fix before go to bed.
We're been good together and we understand each other. She trust me like no body can, she accept me wholeheartedly that no body can, she love me the way no body can. She gave me everything, love, support, trust and care that no body can.But I am a shit to this kind of fucking shit that I don't deserve her love.
"Pagkatapos niyong kumain, makaka-alis na kayo." Seryoso kong tugon sa kanila.
Hindi magandang magbiro sa harap ng asawa lalo na't mga ganiyang bagay.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at akmang maglalakad na ako papunta sa kwarto ng maramdaman kung may humawak sa kamay ko, nang tingnan ko, it was Gab.
"May problema ba, Ezekiel?" Malumanay ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
Hindi pwedeng may makahalata na ganito ako. Kailangan kung mapanatili kong anong meron kami dahil hindi ko kayang makita na nadudurog ang babaeng bumuo sa pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Hot Wife [COMPLETED]
Romance"Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino." -Samantha Gabrielle Garcia