SAMANTHA GABRIELLE
ISANG LINGGO na ang nakalipas mula ng muli kaming magkita ni Ezekiel. Wala kami naging maayos na usapan lalo pa't nasa harap kami ng anak ko.
Ayaw ko kasing mag-away kami sa harap ni Ram lalo pa't nakita ko sa mga mata niya ang saya ng makilala niya ang kaniyang ama.
Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ng magkita kami, sa ilang taong nakalipas bakit ganu'n na lang siya ng magkita kami?
Nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagulat ng ipakilala ko sa kaniya si Ram. Hindi ko rin nakita sa mga mata niya ang panunumbat sa ginawa kung paglayo sa kaniya ng anak namin.
Mabilis akong bumaba ng kwarto ng marinig ko ang door bell. Nakangiti kung tinungo ang pinto at binuksan iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" I irritated asked as I saw Ezekiel outside the door.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni Ezekiel. Seryosong-seryoso itong nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya.
Alam ko na naririto siya para kay Ram pero wala ngayon ang anak ko dahil ipinasyal siya ngayon ni Kuya.
"Hindi ito ang oras mo para kay Ram, hindi ka rin pwedeng pumunta rito sa oras na gustuhin mo! Ezekiel, I told you that you can only meet my son in weekends, Monday ngayon, please, just leave!"
Hindi siya pwedeng maabutan ni Kuya!
"Sinabi ko bang pumasok ka?!" I irritated asked him when he enter in my house.
"Paano mo nalaman na dito kami nakatira?!" I asked again.
Hindi ko sinabi sa kaniya kung saan kami nakatira ni Ram kahit ilang beses na kaming nagkikita para makasama siya ni Ram. Sa park ko hinahatid si Ram at doon ko rin sinusundo kapag tapos na ang araw nilang mag-ama.
"Wala si Ram dito."
"Alam ko."
Humarap siya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. I glare at him when I saw a perverted smirk flash on his lips.
"I came here to talk with you."
"Wala tayong dapat pag-usapan, Ezekiel."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagmasdan siyang umupo sa mahabang sofa at nag de kwatro pa ang loko.
"Kailan mo balak sabihin sa akin na may anak tayo? Kung hindi pa tayo aksidente'ng nagkita sa park wala ka man lang ka plano-plano na ipakita siya sa akin?"
Tumayo siya at lumapit sa akin.
"You're so selfish." Madiin niyang sambit.
Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at dumapo sa pisngi niya ng maramdaman ko ang sakit sa sinabi niya.
"Hindi ako madamot! Ginagawa ko lang ang alam kung tama para sa akin, para sa anak ko at para sa atin!"
"Ako pa nga lang hirap na hirap ka ng bigyan ako ng oras at attention paano pa kaya ang anak ko? May pamilya ka kaya wag mo na kaming gulohin pa ni Ram!"
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Hot Wife [COMPLETED]
Romance"Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino." -Samantha Gabrielle Garcia