CHAPTER 6 I THOUGHT YOU SAID YOU'RE SINGLE?

1 0 0
                                    

HEART'S POINT OF VIEW
Kinakabahan akong tumungo sa labas at hinanap ng mga mata ko sila kuya raf. Nang makita ko sila ay tumakbo sakin si christian habang naglalakad na sumusunod si kuya raf sakaniya.
"Hearttttt!! Galing mo parrr" he said as I smiled.
"Sure ka? Di ako pumiyok?" I asked.
"Noo!! Although nanginginig bosses mo it's okay kasi alam ko naman na kinakabahan ka but overall you did great!" Pagchicheer niya sakin. I smiled.
"Salamat, Chris" napatingin naman ako kay kuya raf.
"Can I talk to you?" Walang emotion niyang saad. Akala ko ay sa competition ako sobrang kinabahan kanina pero mas titindi pa pala ang kaba ko nang kausapin ako ni kuya raf with his serious/low voice and emotionless face. GOSH
"S-sure" nauutal kong sagot kasi nabigla ako sa tono at reaction niya.
"Alone charm." He said as he walked away.. napatingin ako kay christian ng nagtatanong na mukha, mukhang naintindihan niya naman yung reaction ng mukha ko kaya nagkibit balikat lang siya. Hindi niya rin alam kung bakit parang wala sa mood si kuya raf. Bigla kong naalala yung suot kong singsing. O.M.G yung kay karl ang suot ko!! Bigla ko namang tinanggal yung singsing sa kamay ko at nilagay sa mini pocket ng dress ko at sumunod kay kuya raf. Hinahanap ko siya kasi diko masyadong nakita kung san siya nagpunta. Dumiretso pako sa hallway ng mga walang studyanteng classroom hanggang sa may humatak sakin papasok sa dulo at madilim na classroom. Halos mapatili ako sa gulat. Pero walang lumabas sa bibig ko. Ngumisi sakin si kuya raf dahil siguro natawa siya sa itsura ng mukha ko na nagulat. Bat ba kailangang manggulat!? Umayos ako ng tayo as I cleared my throat.
"Ano pong gusto niyong pag-usapan kuya raf?" I asked.
"No need to say 'po' and I thought you said you're single?" Napakunot naman ang noo ko.
"Yes... I'm single. Mukha bakong may jowa kuya raf?" Natatawa at medyo curious kong tanong.
"Kung wala edi sino yung lalakeng humakap sayo kanina? Tapos I saw it too habang nagpeperform ka ay todo cheer siya at grabe sumigaw at pumalakpak pagkatapos ng performance mo." Diko alam pero namula ako sa sinabi niya.. karl actually cheered that much for me?
"Earth to charmz? I'm talking to you girl" nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siyang muli
"Uhh he is not my boyfriend, just a friend kuya raf." Tumaas naman ang kilay niya.
"Just a friend pero grabe maka yakap? Magwa-one minute ata kayong naghakapan kanina eh" kung feelingera lang ako iisipin kong nagseselos siya..
"Come on kuya raf we're just friends, kami nga ni christian naghahakapan din eh"

"Christian is different.." narinig kong bulong niya. I sighed.
"Okay then" I said as I hugged him. Hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas ng loob na meron ako ngayon dahil nahakap ko siya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya dahil napako siya sa kinatatayuan niya nang gawin ko yun.. nahihiya ako kaya hindi muna ako kumalas sa pagkakahakap ko sakaniya. Nagulat din ako nang maramdaman ang pagyakap niya pabalik saakin. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako humiwalay sa pagkakayakap sakaniya.. at sa tingin ko mas matagal ang paghahakapan namin kesa kay karl kanina..
"Does that prove you na magkaibigan lang kami?" Wala sa sarili kong tanong. He smiled at me.
"It does, heart.. it does..." Naramdaman kong may isinuot siya saaking leeg. Napatingin naman ako rito it's a gold heart necklace..
"Congratulations, charm. Hindi mo alam kung gaano ako ka proud sayo. Diko rin alam ang rason kung bakit hindi mo pa isinusuot yung singsing na binigay ko sayo pero I know naman na may reason ka at naiintindihan ko.. so for now.. please wear this necklace... It fits perfect on you just the way I thought it would look on you." Hindi ako nakapagsalita at nanatili ang aking mga mata sa pendant na ibinigay niya saakin. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit nagiging emotional ako ngayon at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha saaking mga mata..
"T-thank you kuya raf... Thank you." Ang tanging salita na lumabas saaking bibig. Pinunasan niya ang luha saaking mga mata as he hugged me again..
"Let's start again, heart. Let's be close to each other again... We can't bring back the time that we're open to each other back then but we can make new memories and spend another time with each other.. I missed you charmz. I miss you." Hindi ako nakapagsalita. Humakap ako pabalik sakaniya at may kumawalang isang hikbi saaking bibig.. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan ng aking mga luha pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon... Kasiyahan. Masaya akong ganto ang nararamdaman ni kuya raf. Masaya akong gusto niya kaming bumalik muli sa dati..
----------------------------------------
KARL'S POINT OF VIEW
Lumabas muna ako nang matapos magperform si heart. Nagpaalam din siya sakin na may pupuntahan pa siyang ibang lugar. Nakita ko yung pinsan niyang lalake at yung isang lalaking mukhang mas matanda saamin bago ako bumaba ng hagdan. Walang humpay na sermon naman ang inabot ko sa teacher namin nang makasalubong ko siyang papalabas nang classroom namin. Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala akong pakeelam sa sinabi niya.
"Pinuntahan mo si heart noh?" Nang aasar na tanong ni ann sakin.
"Omsim" sagot ko with the same voice she used on me.
"So..? Anyare? Nagkita ba kayo? Nakita mo ba siyang magperform?" Sunod sunod na tanong ni ann habang nakatingin lang samin si prince na mukhang interesado din.
" Yes I saw her perform. She did great! I just hope na manalo siya." I said as Ann giggled
"Siyempre naman kayang kaya yun ni heart. Galing galing non eh! Pero yun na yun? Walang ibang nangyari?" She asked again. Ann is a bit nosy talagang tatanungin at tatanungin ka niya hanggang sa malaman niya ang buong storya. Well there's nothing wrong on telling her what happened in fact sa tingin ko ay medyo nakakaramdam na si ann na meron akong onting pag tingin sakaniyang kaibigan
"Well after her performance I hugged her at sinabi kong proud ako sakaniya" nagulat naman ako ng tumili siya. Napatingin tuloy samin yung iba naming cm... Including ishie... Hmm..
"Umamin ka na kasi karl. You like her don't you?" Mapang asar na sabi ni ann sakin.
"Hmm.. oo medyo" tumili nanaman siya.
"Ingay mo ann!" Sigaw nung isang lalake naming classmate
"Pake mo ba? Parang di ka naman nag grade two" sigaw pabalik ni ann dahilan para mapangisi ako haha.
"You do like her!" She whisper shout on me
"Oo nga" medyo naiirita kong sagot. Pano ba naman kasi paulit ulit siya.
"Keep going, karl. Ang huli kong balita about sa feelings niya sayo ay gusto ka parin niya. Maybe karl she still likes you kaya habang may nakikita kapang pag-asa.. grab it wag kang susuko." Sabi niya.. napaisip naman ako..
"Kahit may kaagaw ako?" Wala sa sarili kong tanong.
"Oo! Kahit na sino payang kaagaw mo basta't may nakikita kapang pag-asa, huwag kang susuko" I smiled at her
"Okay." Yun lang ang isinagot ko at pagkasabi ko nun ay pumasok na ang susunod na teacher para sa next sub namin.
Pagkatapos ng klase namin ay break time na namin. Nakita ko si darren sa di kalayuan. Kaibigan ko si darren at nakilala ko siya sa isang sports na sinasalihan namin. Dun ko lang din nalaman ba pinsan ko pala siya. Bago pa man ako makalapit sakaniya ay may humawak sa palapulsuhan ko.
"Karl.." mahinang sambit ni ishie sa pangalan ko.
"Bakit?" Walang emosyon kong saad.
"Hindi mo ba napapansin yung mga chat ko sayo.. hindi mo kasi ako sinasagot eh kahit seen lang.." Sabi niya dahilan para mapangisi ako.
"Nakikita ko, pinili ko lang na huwag pansinin. Stay away from me ishie wala nakong nararamdaman para sayo. My feelings are long gone. Hindi ko naman kasalanan yun dahil ikaw ang unang sumira satin." I said.
"Karl please just listen to me, just please let me explain" she answered.
"Bakit? Ano bang sasabihin mo? Eh puro kasinungalingan lang naman yung pag eexplain mo sakin eh. Kahit anong gawin ko hindi kana pinaniniwalaan ng puso ko, kaya kahit anong gawin mo hindi mo na mababalik pang muli ang pagmamahal ko sayo. So stop ishie, stop hurting yourself." Sabi ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa sa wrist ko at lumapit kay darren na na nakataas ang kilay habang nakangisi sakin.
''Bilib ako sayo par. Andami mo talagang chicks." I glared at him.
"Shut up." Tinawanan niya lang ako.
"Libre moko" he said.
"Oo na" sagot ko at pagkatapos non ay dumiretso kami sa canteen ang mamahal pa ng binili niya umay.

A/N
hiii!

BREAKING THE RULESWhere stories live. Discover now