kabanata 55

13 1 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Hindi ko na maalala ang mga nangyari dahil nang marinig ko ang sigaw ng kung sino ay siya namang hila saakin ni Z-John paalis sa venue. Nagpumiglas ako ngunit mas malakas si Z-John kung kaya'y naipasok niya ako sa loob ng kotse na agad namang pinaharurot ng driver.

"Why did you do that!?" Histeryang sigaw ko sa mukha niya.

Umawang lang ang labi niya ngunit walang boses na lumabas.

"Nando'n si G-Grant... Ang baby k-ko." Napasapo ako saaking mukha at doon humagulgol.

"Do you want to go ba—"

"Nando'n ang mag-ama ko.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng marinig ang mga inusal ko.

Gusto ko siyang sigawan ng sigawan dahil sa katangahang ginawa niya. Paano kung mapahamak sina Grant at Jelal? Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga gumawa no'n kung sakali.

Nakarating kami sa mansion nila Jelal ng walang kibuang nangyari, huminto na rin ako sa pag-iyak at unti-unting pino-proseso ang mga nangyari. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon, dapat kumilos na ako hangga't maaga.

Pumasok ako sa kwarto at doon humiga at tumitig sa ceiling. Ngayong nagparamdam na muli si Jelal ay malamang pag-iinitan na sila ng mga hunter at hindi ako makakapayag kung gano'n.

Lumipas ang ilang linggo na wala akong inatupag kundi ang maghalungkat ng files at hanapin kung sino ba ang founder ng organisasyong iyon, ngunit hanggang ngayon ay bigo parin ako sa paghahanap.

Malakas akong napabuntong hininga at napahilot sa sintido.

"Ilang beses ka nang nagbuntong hininga, may problema ba?" Puna ng daddy ni Z-John, nasa hapag kainan kami ngayon at wala akong ganang kumain.

Paano ako makakakain kung kaharap ko ang mga walang pusong ito!?

"Nothing." Matigas kong sagot.

Sa ilang linggong pamamalagi ko lamang sa buong mansion ay ni-minsan ay hindi ko pinaunlakan ang pag-aaya saakin ni Z-John na mamasyal. Paano matatahimik kung nasa panganib ang mag-ama ko?

"Sa Tagaytay? Maganda roon, makakapag re—"

"Ikaw nalang, Z-John, Busy ako." Matamlay kong pagputol sa mga sinasabi niya.

Nagpamulsa siya at tuluyan ng bumaling saakin. Kakatapos lang namin mag-tanghalian at nasa may veranda kami ng kwarto ko.

"At saan ka naman busy, Mia? Maghapon ka lang nandito sa loob ng kwarto mo at nagpapakalunod sa mga isipin mo." Mababang sabi niya ngunit may mga diin sa bawat salita.

"Bakit? Nandito ka ba para makita kung anong ginagawa ko sa kwartong ito?" Panunuya ko.

"Bakit? Anong akala mo saakin tanga? Simula nang makita mo sila nagbago lahat—"

"Anong lahat? Wala namang nagbago Z-John. Ikaw lang ang nagsasabi niyan—"

"Bumalik ba ang nararamdaman mo sakaniya, Mia?" Naglabas siya ng malakas na buga ng hangin at tumawa na parang may natanto ito.

"Bakit pa ba ako nagtatanong? Alam ko naman na hindi naalis ang nararamdaman mo sakaniya." He added.

Tumalikod siya at naiwan naman akong naguguluhan sa inasal niya.

Natapos ang maghapong iyon nang hindi man lang ako kinikibo ni Z-John hanggang maghapunan, maaga akong pinatawag ng daddy ni Z-John kaya heto kami ngayon harap-harap na kumakain habang nasa harapan ko naman ang magaling kong uncle at ang daddy ni Z-John.

"So, my son move the date of your wedding, Mia. Sa ika-sampo na iyon ng Mayo." Bigla napataas ang ulo sa pagkarinig ng mga iyon.

At ano? Nai-move ang kasal at sa May 10!? Next week na 'yon ah!

"A-ano? Bakit?" Tanging naiusal ko sa gitna ng pagkagulat.

"Bakit papatagalin kung sa kasalan din naman hahantong?" Sabat naman ng aking tiyuhin na ngayon ay mukhang seryoso na taliwas saaking kinaiinisan.

Sa hapunang iyon, wala akong nagawa kundi ang tumulala at i-proseso ang mga nangyaring usapan. Kaya ang ending ay tuloy ang kasal next week.

Kung maikakasal ako kay Z-John, malamang, makaka-access ako sa ibang documents nila rito lalo na sa organisasyon!

Nakatulog ako nang iyong lamang ang naiisip.

Madaling araw ng maalimpungatan ako dahil sa pagka-uhaw kaya bumaba ako at hindi sinasadiyang makarinig ng maliliit na boses sa may terasa. Kaya sa halip na tumungo sa kusina'y dinala ako ng aking mga paa sa may hamba ng pintuan na kung saan nag-uusap ang dalawang boses.

"Kailangang maikasal siya sa anak mo Zanjoe, kapag nangayari 'yon p'wedi na rin akong mamahinga."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, Baste? Hindi pa natin nahuhuli 'yong mga demonyo na pumatay sa kapatid at hipag mo—"

"Tapos na ang misyon ko, kasi kapag nakasal na si Mia, hindi na siya makukuha ng mga demonyo. Isa pa, napag-isip isip ko rin na..."

Nakarinig ako ng mabibigat na buntong hinga na sa tingin ko'y galing kay uncle.

"Napag-isip isip ko na bakit ko nga ba ibinibintang sa mga demonyo ang kasalanan ko? Ako ang sumira ng preno ng sasakyan nila." Tumawa ito ngunit mababakas rito ang hinagpis at pangungulila.

"Teka, bakit mo nga ba sinira ang preno ng sasakyan?" Pang-uusisa ni Zanjoe.

"Hindi ko naman talaga sinadiya, alam mo naman na isa akong mekaniko noon bago ako naging pari, 'di ba? Hindi ko kasi nasabi sa kapatid ko na hindi muna p'weding gamitin ang sasakyan, kaya nang nagkaroon ng sagupaan ang organisasyon at ang mga demonyo, wala na akong nagawa. Dahil sa guilt pinaniwala ko ang sarili kong pamangkin na ako ang pumatay sa mga magulang niya."

"How about Heirlina?"

"I killed her."

Para na akong natuod saaking kinatatayuan, kulang nalang takasan ako ng ulirat dahil sa mga nalaman.

"W-what!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zanjoe.

"Simula nang malaman ko na nagpapasok siya sa buhay nila ng isang demonyo. Nang sinabi ko ang kahihinatnan ni Mia—kapag ipinagpatuloy niya ang pagbubugaw sakaniyang apo, maaaring mamatay si Mia. Lagi niyang sinasabi saakin na naka-tadhana raw si Mia na maging kabiyak ng isang demonyo, kaya sa huli'y lagi kaming nagtatalo. She keep pushing Mia to that boy, so in order to keep Mia safe, I killed her. I know it's a lame reason, pero siya ang naglalapit kay Mia sa mga demonyo!"

Para akong kakapusin ng hininga sa mga narinig. Nanginginig na rin ang buo kong katawan at konti nalang ay mabubuwal na ako saaking kinatatayuan. Nanubig ang aking mga mata habang sobrang lakas naman ng tambol ng aking dibdib na para bang lalabas na siya sa ribcage ko, namamawis na rin ako ng malamig kaya napahawak ako sa poste na nasa aking gilid upang kumuha ng kaunting lakas.

"Si Mia nalang ang mayroon ako at hindi ko hahayaang kuhanin pa siya saakin ng mga walang hiyang demonyo na iyon. Sa lalong madaling panahon, kailangan silang ikasal, Zanjoe!"

At tuluyan nang napigtas ang pisi ng aking pasensya. Malakas akong humagulgol at nang akmang mabubuwal na ako saaking kinatatayuan nang isang mainit at malaking kamay ang pumulupot saaking baywang.

"J-Jelal.."

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon