Nang makita ni Shei sa kanyang relos na malapit nang sumapit sa ikawalo ng gabi, samantalang natatangay ng iba't ibang imanihinasyon ang kanyang pag-iisip, hindi na niya malaman kung saan siya tutungo.
Nagsusumamo ang kakaibang emosyon sa kanyang puso. Inilingon niya ang kanyang paningin sa isang sulok ng parmasya. Inilibang niya ang kanyang sarili sa isang paboritong awitin mula sa kanyang cellphone.Marahang lumalakad pauwi galing sa trabaho nang napansin niyang may papalapit sa kanya. Wari'y nagkakataong ang lahat na gumugunita sa kanyang isipan ay nangyayari sa katotohanan.
Hindi na siya nagtaka pang muli. Nasanay na ang kanyang sarili twing kaharap ang masuyo at mistulang magiting na nobyo."Ikakasal na ako," madalang sinambit ng matipunong lalaki.
Tila sinalakay ang pusong marupok, saka nagahis ang labis na pag-ibig.
Ayaw niyang marinig ang susunod na mga salita. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na boses ng lalaking inirog.
Gayunman kahit anong gawin niyang pag-iwas sa kausap ay lalong nanunuot sa kanyang puso ang masidhing pamamaalam ng kasintahan.
Pilit na nag-aalimpuyo ang kanyang damdamin."Niel, alam kong mahal mo ako, iyon ang totoo. Hindi ba? Bakit... hindi mo ako kayang ipaglaban? Mahal kita... Hindi ko alam kung makakaya ko ang lahat pag mawala ka."
Kasabay niyon ang rumaragasang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi maipagkakaila ng dalawang pusong wagas na nagmamahalan ang pagsalungat sa nakalaang kapalaran na pilit na ipinaglalayo ang mga landas ng kani-kanilang pamilya.Hindi na nga nakapagsalita pa ang kasintahan bagkus niyakap siya nito.
Naramdaman niya ang pagdampi nito sa kanyang katawan saka lumitaw ang mga alaalang kanilang pinagsamahan. Natutop niya ang sariling nanlulupaypay at unti-unting nawawalan ng pag-asa."Ano nga ba ang magagawa ko? Sino ba ako sa buhay niya upang ipagpilitan ang aking sarili sa isang pamilyang kinamumuhian ng aking mga magulang," ang naibulong niya sa sarili.
Masyadong nagugulumihan ang kanyang pag-isip. Ngunit mahal niya ang lalaking pinagkakait ng tadhana. Lumipas ang ilang sandali at lilisan na ang lalaki sa kanilang kinatatayuan.
"Hahayaan na lang kitang umalis." Ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang pinapahiran niya ang bakas ng kalungkutan sa kanyang pisngi, at tuluyang bumitaw sa pagkakahawak sa binata.
"Sana'y maging masaya ka sa piling ng iba," ang pahabol niya sa kanyang isipan.
Lumisan na ang binata at tuluyang pumunta ng Maynila upang mag-ayos ng mga papeles para sa susunod na nakadestinong trabaho.Lumipas ang walong buwan...
Namamanhid ang aking katawan.
Nagdidilim ang aking mga paningin. Ako'y nakahiga sa isang silid ng isang ospital.
Gusto kong madama ang mga sugat sa aking mukha at braso ngunit nakabendahe ito at naalala kong naaksidente kami ng kapatid ko sakay sa sarili kong motorsiklo.
Nang umuwi ako, una kong hinanap ang motorsiklo na nakasalampak sa isang sulok sa aming bahay. Kinurot ang aking puso, masarap ang mamasyal sakay sa motorsiklo. Parang biyahe ng buhay, masaya ang makipagsapalaran ngunit masakit ang mga pagdadaanan. Kagaya ko ngayon, takot at pangamba ang aking nararamdaman.Dumating si Niel kasama ang pinsan nitong si Al. Natulala si Shei sa hindi makapaniwalang nakita ang lalaking kinalimutan. Ang buong akala niya'y hindi na ito magpapakita pang muli sapagkat nakaayos na ang lahat ng mga plano ng pamilya nito sa kasalang magaganap..
"Kumusta ka na? Hindi ka nag-iingat 'yan tuloy naaksidente ka. Mabuti at hindi masyadong malaki ang pinsala." Ang masuyong sambit ni Niel.
Hinawakan ng binata ang mga bakas ng naghilom na sugat sa kanyang pisngi. Ngunit nangingibabaw pa rin ang sakit sa dibdib na kanyang dinadala.
Hindi niya maipagkakaila sa sarili ang pananabik sa lalaki kahit na alam niyang hindi maaring matupad ang kanyang pinapangarap.
Lalong natuklasan ng bawat isa ang tumibay na pag-ibig sa nagdaang buwan na paghihiwalayan.llang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin ang samaan ng loob sa pagitan ng kanilang pamilya sa iisang barangay.
Pulitika ang labis na dahilan kung bakit nawala ang respeto at pagkakaintindihan hanggang sa nadamay ang relasyong nabuo nina Shei at Niel.
BINABASA MO ANG
Motorsiklo
Short StoryHalaw mula sa isang pangyayari sa tunay na buhay. Ang mga pangalan ng tauhan ay binago para maprotektahan ang katauhan ng indibidwal