CHAPTER THREE

4.2K 72 1
                                    

Nagtatakang tinitigan ni Aida ang nakasarang pinto ng condo ng lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagtatakang tinitigan ni Aida ang nakasarang pinto ng condo ng lalaki. Naguluhan siya sa inasta nito. Pero ipinagkibit balikat na lamang niya iyon at bumalik na sa 5th floor.

"Where have you been? " tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Beatrice nang makabalik siya sa condo unit ng ka-klase nito. Mukhang lasing na lasing na si Beatrice dahil sa likot nito at palagi nang tumatawa. Pagewang-gewang narin ito sa paglalakad. Inalalayan niya ito at pina-upo sa malapit na couch.

"Sa labas, nag cr lang saglit. " sagot niya at kinuha ang hawak nitong wine glass. Pilit pa nitong inaabot ngunit mabilis niya itong inilayo.

Akma pa ulit nitong aabutin ang alak ng pigilan niya. "Tama na yan, lasing ka na." pigil niya at pinaupo ito sa kanyang tabi.

Hindi siya uminom dahil hindi naman siya pala-inom. Wala naman dapat siya dito kung hindi lang siya pinilit ng isa dito. And also, tita Alicia force her to come para mabantayan daw itong si Beatrice at may maghahatid kung sakaling malasing. Tita knows na hindi siya umiinom kaya kampante ito kapag siya ang kasama ni Beatrice. Pinayagan narin ito ni Tita dahil aalis na ang kaibigan this Wednesday papuntang US for vacation.

"Uwi na ba tayo? Lasing ka na e." Tanong niya. Mabilis itong umiling at tumayo. Muntik na itong matumba, mabuti na lang at agad niyang naalalayan. Humagikhik ito at namumungay ang mga mata siyang nilingon.

Beatrice is pretty. Her eyes sparkled with fierce intensity, and her raised eyebrow seems like trying to pick a fight. Her lips, slightly pursed, held a hint of smirk. Her squinted eyes is like an ocean. It's blue. She also posses a confident posture, with shoulders back and head held high. Matangkad at pwedeng maging model dahil sa hourglass nitong katawan at malaking pwet at hinaharap. Napakaputi rin nito animo'y lumaklak ng sampong gluta.

Beatrice looks a badass bitch dahil sa matapang nitong awra. Pero kahit gano'n pa man ay marami paring nagkakagusto sa kanyang kaibagan. Marami narin itong naging ex sa University na pinag–aaralan nito.

Nabalik siya sa realidad ng magsalita ito. "H-hindi pa tayo uuwi, 'okay? " Lasing nitong saad. She heaved a deep sigh at problemadong tumango.

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi ito magpapaawat kahit pilitin niya pa ito. Beatrice loves partying habang siya naman ay hindi. It's not like she hate party's hindi niya lang talaga gusto ang pumupunta sa ganitong klaseng lugar. At isa pa, wala siyang oras sa mga ganitong bagay. Mas mabuti pang ilaan niya ang kanyang oras sa trabaho.

This place is so crowded, many teenagers making out. Kahit maraming tao ay walang pakialam ang mga ito. They continued touching each other and feel each other's warmth. And mind you, they are not couples. And she's pretty sure na yung iba ngayon pa lang nagkakakilala. 

Hindi naman siya bagohan sa mga ganito dahil palagi na siyang nakakakita ng mga ganoong eksena lalo na kapag isinasama siya ni Beatrice sa bar.

Tahimik niyang nilibot ang paningin sa paligid. Some other people were dancing habang yung iba naman ay nag m-make out sa gilid. She saw Beatrice dance erotically na agad nakakuha ng attention ng mga kalalakihan. They cheered her na agad na ikinalawak ng ngiti ni Beatrice. Mas inigihan pa nito ang paggiling at sinabayan ang bawat beat ng tugtog.

She greeted her teeth in annoyance ng makita ang pagnanasa ng ibang kalalakihan sa kanyang kaibigan. Padabog siyang tumayo at nilapitan si Beatrice. Agad niya itong hinili na ikinahinto nito sa pagsasayaw.

"H-hey, what's wrong? I'm dancing pa you know? " Lasing nitong sabi at kinindatan pa ang nakasalubong na lalaki. The man playfully smirk at nag flying kiss pa ito. Mukha namang tanga si Beatrice at sinalo pa kunwari ang kiss at nilagay sa kanyang labi na parang hinahalikan.

Humagikhik ito habang bahagyang nakalingon sa lalaki.
"What the hell are you doing? Umayos ka nga. " Sermon niy at kinuha ang dala nitong channel bag with a gold chain.

"U-Uuwi na tayo?" She asked. Namumungay na ang mata nito sa kalasingan.

"Oo, uuwi na tayo dahil lasing na lasing ka na." sagot niya. Hindi naman ito umangal at inangkla lang ang braso sa kanyang braso.

Inakbayan niya ito at agad na lumabas ng unit. Hindi na siya nag paalam dahil alam niya namang busy si Kristine. Kristine is the owner of the condo and the birthday girl who throws a party.

Nadaanan pa nila ang condo unit ng lalaki kanina. Uminit ang kanyang pisngi ng maalala ang bruskong pangangatawan nito at six pack abs. Siguro matigas yun? Nanlaki ang kanyang mata at napailing–iling.

Kailan pa siya na curious sa ganoong bagayNagmumukha na tuloy siyang manyak na pinagnanasaan ang kaninang lalaki.


NANG MAKARATING sa parking lot ng condominium ay agad niyang pinatunog ang Audi ni Beatrice. She opened the front seat at pinasok ang lasing na kaibagan. This Audi is a gift from Beatrice father nang mag Debu ang kanyang kaibigan. Five year's na rin itong iniingatan ni Beatrice dahil ito na lang ang tanging alaala nito galing sa namayapang ama.

Umikot siya patungo sa driver seat, kahit naman mahirap lang sila ay marunong naman siyang mag drive dahil tinuruan siya ni Beatrice. Beatrice is her childhood bestfriend, magkababata ang magulang nila kaya sila naging magkaibigan. Inayos niya ang seatbelt nito pagkatapos ay binuhay ang makina at pinasibad paalis.

Nang makarating sa mansyon ng kaibigan ay agad siyang nagpatulong sa security guard na dalhin ito patungo sa kuwarto. Nakatulog si Beatrice, mahirap itong gisingin lalo pa't lasing na lasing kaya hinayaan niya nalang itong tulog. Panay suka din ito kanina sa biyahe kaya ilang beses silang nag patigil tigil para pasukahin ito sa tabi ng kalsada at hindi sa sasakyan susuka.

Nadatnan niya si tita sa sala na nakahiga sa mahabang sofa at malalim na ang tulog. She don't have a heart to wake her up dahil mukha din itong pagod. Tita can't sleep kung wala pa sa bahay si Beatrice pero now, she saw tita peacefully sleeping. Nababasa niya sa mukha nito ang matinding pagod.

"Kuya." Mahinang tawag niya kay kuya Jobert. Ang security ng bahay.

Lumingon ito sa kanya at nagtanong. "Bakit hija? " Tanong nito.

"Pwede mo po bang kargahin si tita pagkatapos mong maipasok si Beatrice sa kanyang kuwarto? " Magalang niyang pakiusap.

Ngumiti ito at tumango bago naglakad paitaas patungong kuwarto ni Beatrice.

She sigh at umupo sa couch at hinintay si kuya Jobert na bumalik.

Nang makitang pababa na si kuya Jobert ay agad na siyang tumayo. Nilapitan nito ang mahimbing na natutulog na si tita at dahan-dahang inangat. Sumama siya paitaas para asikasuhin muna sila bago siya uuwi sa kanila.

Nang mailapag na ni kuya si tita ay agad na din itong nag paalam na lalabas na at babalik sa guard house.

Kumuha siya ng kumot at kinumutan si tita. Nang masiguradong komportable ito sa pagkakahiga ay agad na siyang naglakad patungo sa pinto. Bago siya tuluyang lumabas ay pinatay niya muna ang ilaw.

Sa kabilang kuwarto na naman siya nagtungo kung saan ang kuwarto ni Beatrice. Pinihit niya pabukas ang pinto at nadatnan niya itong humihilik. Magulo ang kama kaya hula niya ay naglilikot na naman ito sa pag tulog. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan pagkatapos.

"Uuwi na ako. " Paalam niya kahit alam niya namang hindi na nito maririnig dahil sa himbing ng pagkakatulog.

Lumabas siya ng kuwarto at naglakad pababa ng hagdan. Tahimik na ang buong mansyon, hula niya'y tulog narin ang mga kasambahay. Alas 11 na din kasi ng gabi.

Iniwan niya ang susi ng kotse ni Beatrice sa side table nito kaya mag tataxi nalang siya ngayon sa pag–uwi.

"Uuwi ka na hija? " Tanong ni kuya Jobert nang makita siyang palalabas na ng gate.

Tumango siya at sumagot. "Opo kuya, baka nag hihintay narin kasi si mama sa bahay."

"Hala sige, mag-iingat ka. " habilin nito. Tumango siya at tuluyan na ngang lumabas ng gate. Nilakad niya muna palabas ng subdivision bago nakarating sa may eskina at doon pumara ng masasakyan.

***

POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓Where stories live. Discover now