Nang makarating sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang ina sa labas na nakaupo sa upuang gawa sa kawayan. Nakabalot ito ng tuwalya dahil sa lamig ng hangin.
"Ma." agaran niyang tawag ng makaramdam ng pagkahabag. Masyadong malalim na ang gabi ngunit gising parin ito.
Mabilis itong tumayo sa pagkakaupo nang makita siya.
"Anak."
"Mabuti naman at nakauwi ka kaagad‚ akala ko matatagalan ka pang maka–uwi. " Mahinahon nitong sabi. Pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ng ina at mahigpit itong niyakap.
"Hindi po ma‚ alam niyo namang may trabaho pa ako bukas at siyaka nalasing po kasi kaagad si Beatrice kaya inuwi ko na." paliwanag niya habang naglakad sila papasok ng bahay.
"Bakit gising pa po pala kayo? "
"Hinihintay kitang makauwi."
Malalim siyang nagbuntong hininga. Kung hindi pala siya umuwi agad ay baka kanina pa ito pinakpak ng lamok sa labas.
"Kumain ka na ba?" malumanay nitong tanong. Tumango siya at umupo sa sofa.
"Opo ma, kumain na po ako doon. " sagot niya at tinanggal ang suot na sapatos.
"Kayo ho ba, kumain na?" Balik niyang tanong. Tipid itong tumango at ngumiti.
"Oo anak, kumain na kami ng papa at mga kapatid mo." Nahinto siya sa pag tanggal ng medyas ng marinig ang salitang ‘papa.’
Nawala ang ngiting naka plastar sa kanyang labi at nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at hindi na nag salita. Parang napansin naman ito ng kanyang ina dahil malalim itong bumuntong hininga. Tumikhim ito at malungkot ang boses na nagsalita.
"P-Pag pasensyahan mo na ang ama mo anak." Nagmamakaawa ang boses nitong sabi na ikinaigting ng kanyang panga.
Nanggagalit ang kanyang ngipin sa sobrang galit.
Mabilis siyang tumayo ng mahubad niya ang sapatos. "Matutulog na po ako…" Paalam niya at hinalikan ang noo nito.
“Anak–”
"Matulog ka na rin po ma. " putol niya sa akma pa nitong sasabihin at pumasok na sa kanyang kuwarto.
Pagod siyang humiga sa kanyang kama at mariing pinikit ang mga mata. Hinayaan niyang mag landasan ang kanyang mga luha at tahimik na umiyak at nilabas ang bigat sa dibdib.
Until now, masakit pa rin. Hindi niya parin matanggap ang pagkamatay ng kanyang kapatid dahil sa kagagawan ng makasarili niyang ama.
Bumalik ang memoryang pilit niyang kinakalimutan. Sobrang tagal na no’ng mangyari ‘yon ngunit kahit na ‘gano’n ay masakit parin. Dala-dala niya pa rin yung sakit.
YOU ARE READING
POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓
Random[SOON TO BE PUBLISH UNDER HEART OF BOOK PUBLISHING] Maximo is a well-known womanizer and a bachelor. He enjoys toying with women's emotions, viewing them as mere objects for his pleasure. He didn't offer any commitment, just plain sex. Fulfilling h...