Chapter 20: Tampuhan

246 12 0
                                    

"Akala ko ba thiry six hours lang ang duty non, bakit wala pa siya?" Napapatingin si Dreams sa orasan na nakasabit sa may dingding sa taas na bahagi kung saan nakalagay ang telebisyon.



Nakailang dungaw na siya sa bintana upang silipin kung may sasakyan na hihinto sa tapat. Mag alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang binata ng inaantay niya. Napanood na niya lahat ng movie na gusto niya pero wala pa rin ito. Nakailang luto na rin siya ng mga pagkain na gusto niya pero wala pa ring Kaiden an dumarating.



Hindi namamalayan ni Dreams na nakaidlip siya sa paghihintay kay Kaiden. Naiwan niyang nakabukas ang telebisyon at hindi nailigpit ang mga pinagkainan niya sa mesa. Dala ng kabusugan ay tinamad na siya kaya nahiga na lang ito hanggang sa dalawin ng antok.





Nagising si Dreams nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa may pintuan. Napabalikwas siya ng bangon dahil bawat pagkatok ay lumalakas na animo'y galit na galit ang kamao na dumadampi roon. Sinilip niya sa may bintana kung sino iyon at kaagad na lumiwanag ang kanyang mukha nang makita na si Kaiden ang kumakatok.






Pinagbuksan niya ito at naramdaman na nawala ang kanyang antok. Masaya niya itong sinalubong pero nawala ang ngiti niya sa labi sa isinalubong na singhal ng lalaki sa kanya.





"Bakit ayaw gumana ng susi ko sa pinto? Pinalitan mo ba ang susi?" Galit na galit na tugon ni Kaiden rito at pabagdak na isinarado ang pinto. Tumango si Dreams na titig na titig sa binata na bagong dating. "Tsk! Kaya nga kita binigyan ng duplicate para incase may isa sa'tin ang malate umuwi e ay may gagamitin e." 





Padabog na inihagis ni Kaiden ang puting coat sa sofa, hindi nito pinansin ang mga kalat ni Dreams sa mesa. Diretso siyang nagtungo sa kusina at inopen ang refrigerator.





"Sabi mo kasi ilock ng mabuti para hindi makapasok 'yong magnanakaw." Sagot ni Dreams habang hinihimas ang dalawang palad sa takot.








"Ilock kako hindi ko sinabing palitan mo." Depensa ng binata at itinapon ang tingin sa loob ng refrigerator na animo'y may hinahanap sa loob na hindi niya makita. "Tangina! Asan na 'yon."






Linapitan siya ni Dreams. "Ano 'yong hinahanap mo?" Tanong nito pero hindi siya sinagot ng binata. "Kumain ka na ba? Gusto mo ipag-init kita ng makakain mo? O gusto mo sabay na lang tayong kumain since gutom na naman kami ni baby e."







Hindi siya pinansin ni Kaiden at isinarado ang refrigerator saka binuksan ang isang hanging cabinet. Hinalungkat niya iyon hanggang  sa mahanap ang gusto niya. Naririnig niya pa ang pagmumura ng lalaki kaya nakaramdam ng takot si Dreams.






"Tangina! Nasan na ba 'yon?" Inis na inis na tugon ni Kaiden na hindi pa rin niya hinahanap ang bagay na gusto niya. Nahalungkat na niya lahat pero hindi niya pa rin ito mahanap.






Hindi na napigilan ni Dreams ang pakialaman ito at tanungin kung ano ba ang kanyang hinahanap. "Daddy Dok, ano ba 'yong hinahanap mo?"







Sa ikalawang pagkakataon ay dinedma na naman siya nito kaya napanguso siya. "Hmm! Hinahanap mo ba 'yong mga alak mo?"







Kaagad na napatingin si Kaiden sa kanya. "Saan mo nilagay?" Iritableng tanong nito. Tinuro ni Dreams ang dirty kitchen kaya mas lalong nag-apoy sa galit si Kaiden. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na ayaw na ayaw ko na pinapakialam ang mga gamit ko?"






"Itinabi ko lang naman."






"Kahit na." Agresibong tugon ni Kaiden at binangga pa niya si Dreams nang naglakad ito papunta sa dirty kitchen. Sinundan siya ni Dreams at ginawa ang lahat upang pigilan ito sa pag-inom na binabalak.






HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon