Abot-abot ang dalangin ni Amore habang mahigpit na magkadaop ang kanyang mga palad. Pinapanood niya ang kasalukuyang karera ng nag-iisang kapatid. Sakay ito sa itim na kabayo at nangunguna sa laban.
"Konti na lang, Kuya Allen," bulong ni Amore.
Nakasalalay sa labang ito ang gagamitin nilang pera para sa heart transplant ng kanyang Ina at maintenance na gamot ng Ama. Bed ridden na ang kanyang Ama. Na-stroke ito habang nagsasanay ng mga kabayo at nahulog. Inatake naman sa puso ang kanyang Ina nang muntik ng mamatay ang kanyang Ama. Dahil sa pangyayaring iyon, napilitan silang gawing collateral ang dalawang daan na ektaryang Rancho sa utang nila sa Bangko. Gusto nilang bawiin iyon kapag nagkaroon ng sapat na pera. Nananatili naman sa kanilang pag-aari ang five thousand square meters na kinatatayuan ng kanilang mansyon.
Napatayo si Amore mula sa pagkakaupo nang makitang malapit na sa finish line si Allen. Naluluha siyang ngumiti sa pag-asang mananalo na ito. Pumikit siya at taimtim na nagpasalamat sa Maykapal. Sa wakas magkakaroon na ng kasagutan ang matagal na nilang hiling ng kapatid.
"Anong nangyari?" natarantang sigaw ng katabi ni Amore.
Hindi inaasahan ni Amore ang nasaksihan pagdilat ng kanyang mga mata. Ang kumpyansa niyang pagkapanalo ng kapatid ay napalitan ng takot. Lumuwag ang headgear ng kabayo kung saan nakakonekta ang renda. Nakabitaw sa renda si Allen pero nagawa pa rin nitong humawak sa buhok ng kabayo. Nasaktan ang kabayo at nagwala. Tumalsik si Allen. Gumulong ito sa lupa at aksidenteng naapakan ng isa sa mga tumatakbong kabayo. Nasipa rin ito ng isa kaya napunta sa gilid ng racing field si Allen.
"Kuya Allen!" Tumakbo si Amore patungo sa kinaroroonan ng kapatid. Hinarangan naman siya ng mga security.
"Ma'am, delikado po rito. Baka aksidente kang mabunggo ng mga kabayo. Bumalik ka na lang sa dati mong pwesto,"
"Please let me in. Pupuntahan ko lang po ang kapatid ko. Nahulog siya at naapakan ng kabayo. Gusto ko lang makita ang kalagayan ng kapatid ko." Umiiyak niyang pagmamakaawa.
"Kinuha na siya ng medic, Ma'am. Diyan ka sa exit dumaan. Baka maabutan mo pa ang ambulansyang magdadala sa kanya sa hospital,"
"Maraming salamat, Sir!"
Tumakbo si Amore patungo sa tinuturong daan ng guwardiya. Paglabas niya ay husto namang andar ng ambulansya. Pinara niya agad ang dumaang taxi at pinasunod sa ambulansya. Tumigil iyon sa pinakamalapit na hospital. Mabilis siyang bumaba sa taxi pagkatapos ibigay ang bayad sa driver.
"Kuya Allen!" Hinabol ni Amore ang sinasakyang stretcher ni Allen. May pagmamadaling tinutulak iyon ng dalawang nurse. "Diyos ko! Ang kapatid ko!" Hindi na niya napigilan ang malakas na pag-iyak nang makita ang duguan at walang malay na kapatid. Kahit nanghihina, pinilit pa rin niyang tumakbo patungo sa kapatid.
Humawak siya sa stretcher at sumabay sa takbo ng mga nagtutulak niyon. "Pakiusap, lumaban ka, Kuya. Hindi ko kakayanin mag-isa. Huwag mo akong iiwan," nakikiusap niyang sabi.
"Miss, hanggang dito ka na lang po. Hindi ka pwedeng pumasok sa loob." Pigil sa kanya ng Nurse pagkarating sa emergency room.
Hindi na nagpumilit pumasok si Amore. Naghintay na lang siya sa labas ng ER. Wala siyang ibang hiling kundi ang kaligtasan ng kapatid.
"Amore!" Lumingon si Amore sa lalaking tumawag sa kanya. Muling naglandas ang kanyang luha nang makita ang kanyang Uncle Rigor. Ito ang nakababatang kapatid ng kanyang Ina at tanging tao na umaalalay sa kanila ni Allen.
"U-uncle! S-si Kuya. N-naaksidente si Kuya," sumbong niya rito.
Niyakap siya ni Rigor. "Don't cry. Magiging din maayos ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...