24.) Billionaire's Amazing Secret Wife

344 12 15
                                    

Mabibilis na kilos, alertong pakiramdam at nakahanda sa anumang laban na pumasok ang mga Agent ng Stronghold Fortress Organization sa isang abandonadong planta ng mga paputok. Isang rescue operation ang ginagawa nila para iligtas si Senate President Rico Ponce. Sa loob ng apat na buwan, ang Senador ang ikatlong kaso ng kidnap for ransom na hawak nila.

"Everyone, get ready for action." Kumando ni Amie Aguilon, ang lider at nakatalaga sa security system ng Fortress.

Nagsimulang mag-paputok ang mga Agent. Walang ingay na maririnig sa loob ng abandonadong planta dahil sa silencer ng mga baril. Hindi nakaporma ang mga kidnapper. Ang iba ay kusang sumuko samantalang karamihan ay lumaban. Ilang oras na naglaban ang magkabilang grupo pero sa huli ay nailigtas din nila ang Senador.

"Mission accomplished." Report ni Agent Maclaren-- ang team Captain ng Rescue Operation ng Fortress.

"Everyone, get back to the headquarter. Your dinner is on me." Nagsigawan sa tuwa ang mga Agent sa sinabi ni Amie. Lagi niyang nililibre ang mga ito sa tuwing ligtas na nakakauwi mula sa delikadong misyon. Pagpapasalamat na rin iyon dahil hindi sila nabawasan simula nang bumalik ang Fortress sa operasyon.

Tinawagan ni Amie si General Dominador. Ito ang kumuha sa kanilang serbisyo para iligtas ang Senador.

"General, Senator Ponce is safe. You can send your officials to get him. I'll send you the address where to pick him up." Pormal at walang paligoy-ligoy na sabi ni Amie.

"Good." Tanging sabi ng Heneral.

Napailing na lang si Amie nang walang paalam siyang patayan nito ng tawag. Hindi na siya nagtaka nang hindi ito nagpasalamat sa kanya.

Nagsagawa siya ng background check sa matanda. Gusto niyang masiguro na wala itong ibang intensyon nang kunin nito ang serbisyo ng Fortress. Doon niya nalaman na kilalang mapagmataas ang Heneral. May taglay itong kayabangan at laging magagandang bagay ang pinapakita nito sa media kahit umaalingasaw ang baho nito. Isa itong Heneral kaya namamanipula nito ang mga opisyal sa ilalim. Nalaman din niya ang pagtakbo nito bilang Senador sa susunod na eleksyon.

"Boss, may problema po tayo!"

Naalarma si Amie. Kahit hindi sabihin ng kasama kung ano ang problema, nakikita niya sa monitor ang kulay pulang tuldok. Isang senyales na may napahamak siyang Agent.

"Agent Maclaren, what happened to your member? Report, immediately!"

"Patawad, Boss. Naging pabaya kami. Akala namin secured na ang lugar pero isa sa mga kidnapper ang nagawa pang mag-paputok. Tinamaan si Agent Blink sa dibdib. Agad siyang binawian ng--"

"Stop! I heard enough. Bring her back to Fortress. She needs a comfortable rest at home."

Hindi na niya kailangan marinig ang susunod na sasabihin ni Agent Maclaren. Bawat Agent ng Fortress ay mayroong life tracking device. Iyon ang ginagamit niya para mamonitor at maging ligtas ang lahat. Mahalaga sa kanya ang buhay ng bawat Agent pero sa pagkakataong ito, nabigo siya. Isang kabiguan na habang buhay niyang dadalhin. Isang pagkatalo kahit matagumpay nilang nagawa ang misyon.

Tatlong araw ang inilagi ni Agent Blink sa Fortress bago ito ihatid sa huling hantungan. Labis na nagluksa ang buong Fortress sa pagkawala ng isa sa kanilang miyembro. Alam ni Amie ang sakit na dinadala ng bawat isa kung kaya't binigyan niya ng isang linggong pahinga ang mga Agent.

Tatlong araw na rin ang nakalipas pero laman pa rin ng balita si General Dominador at ang pagliligtas umano ng mga tauhan nito kay Senador Ponce. Halos ipagdiwang iyon ng buong bansa habang sila'y nagluluksa dahil sa pagkawala ng isang kasama.

...

Pagkatapos ng libing, pinili ni Amie na mapag-isa. Nagpalipas siya ng oras sa Royale Surf Hotel and Resort kung saan ikakasal ang kaibigan niyang si Shakira dalawang buwan na ang nakakaraan. Tiyahin niya ang may-ari niyon kaya anumang oras ay pwede siyang pumasok ng hindi dumadaan sa mahigpit na seguridad ng lugar. Mga bigating turista ang pumapasok sa Resort. Kailangan ang mataas na seguridad para sa kaligtasan ng mga ito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon