"As of now, wala naman akong nakita na ikakabahala mo, Dreams. Healthy naman si baby pero hindi ibig-sabihin non na magpapabaya ka na. Kailangan mo pa rin ng extra careful at iwasang ma-stress katulad ng palagi kong pinapaalala sa'yo." Usal ni Dra. Mia kay Dreams matapos niya itong suriin.
Bumangon si Dreams sa pagkakahiga sa kama at inayos ang sarili. Tinulungan siya ni Kaiden na bumangon pero dinedma niya ito. Sa buong pangchecheck-up ni Dra. Mia sa kanya, tahimik lamang si Kaiden sa gilid, nakaupo at hinihintay na matapos sila. Saka lang siya naglakad palapit upang makisosyo sa usapang nang matapos suriin siya ng doktora.
Sinenyasan ni Dra. Mia si Dreams na maupo sa tapat nito upang bigyan ng mga paalala na kinakailangan niyang gawin. Nagpauna siyang naglakad habang nakasunod naman si Kaiden sa kanya na walang nagawa sa pandededma nito sa kanya kundi ang mapakamot na lang sa ulo't minabuting manahimik na lang.
"Kaya ko," singhal ni Dreams rito nang akma na naman siyang tutulungan paupo sa tapat ni Dra. Mia. Natawa na lang ng mahina ang doktora dahil sa mga napapala ng kanyang kaibigan. Walang nagawa si Kaiden kundi ang mapabumuntong-hininga sa pangmamaldita ni Dreams sa kanya.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Dra. Mia sa kanilang dalawa at walang nagawa kundi ang magtaka kung bakit sila ganoon. Napunta ang tingin niya kay Kaiden na kunot ang noo't hindi maipinta ang inis sa kanyang mukha samantalang si Dreams ay walang pakialam. Hindi siya tanga para hindi mapansin na pinagtatabuyan ni Dreams ang kanyang kaibigan na si Kaiden.
"Mukhang may LQ kayong dalawa ah." Natatawang tugon ni Dra. Mia.
"Tsk!" Singhal ni Kaiden sa kanya at wala naman siyang natanggap na reaksyon mula kay Dreams.
"Anyway, Dreams, iniinom mo pa ba 'yong mga vitamins na niriseta ko noon sa'yo?" Pag-iiba ng doktora sa usapan at kaagad na tumango si Dreams bilang pagsagot sa tanong nito. "Wala ka bang ibang napansin sa katawan mo after mo inumin ang mga gamot na 'yon? Tell me kung may ibang side effect kang nararamdaman para mabigyan kita ng bago."
Nag-isip muna si Dreams at pinakiramdam ang sarili kung may kakaiba ba sa kanya sa pag-inom niya ng mga gamot. "Wala naman, Doc. Alam ko naman po na normal sa buntis 'yong kain ng kain." Nahihiyang usal nito't napayuko na lang.
Tumango si Dra. Mia at muli itong nagsalita. "-Pero kagaya ng sinabi ko kanina, you need to be extra careful lalo na sa mga kinakain mo. Ang mairerecommend ko ay damihan mo ang kumain ng mga masusustansya like fruits and vegetable. Mag-exercise ka rin ng five to ten minutes a day para maging healthy ka at pati na rin si baby. Iwasan mo ang mga alcoholic drink at mga cigarette hangga't maaari. Sabi mo nga sensitive ka magbuntis, konting amoy lang ng alak, nasusuka ka na kaya iwasan mo 'yan. 'Yong mga taong nagiging dahilan ng stress mo, layuan mo rin bago pa magswimming palabas 'yang baby mo, okay?" Pagpapaalala ng doktora sa kanya at inabala ang sarili sa pagsusulat sa isang piraso ng papel.
Buong atensyon na nakikinig si Dreams sa mga habilin ng doktora sa kanya. Tumango siya sa lahat ng sinabi nito at itinanim sa kanyang isip. Kahit pakiramdam niya ay healthy siya, kinakailangan niya pa rin ang gabay nito para masigurado ang kalusugan ng baby niya. Maliban na lang doon sa alcoholic drink dahil naalala na naman niya 'yong kaganapan na nangyari sa pagitan nila ni Kaiden. Sinayd-eye-yan ang lalaki dahil bahagyang kumulo ang dugo nito at sakto naman na nakatingin si Kaiden sa kanya.
"Excuse me, Doc," sabat ni Kaiden sa usapan kaya napunta parehas ang tingin nilang dalawa rito. "Tungkol pala sa paternity test, ano na ang balita roon?"
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...