SHIEYIN'S POVNAG-INAT ako agad pagkababa ko ng bus at nilibot ko ang tingin ko, para bang naghugis puso ang mga mata ko nang makita ko ang taniman ng mga sunflower at iba pang uri ng bulaklak. Ito ang dahilan kung bakit gustong gusto kong magbakasyon sa probinsya ni lolo.
Agad kong nilabas ang cellphone ko para kumuha ng litrato. "Wow! Namiss ko talaga dito!" Nakangiti kong sabi.
Natawa si lolo at marahang hinawakan ang ulo ko. "Mag enjoy ka lang apo."
"Oo naman po lolo, heheh!"
Nakangiti kong ibinaling sa ibang direksyon ang cellphone ko para kumuha ng magandang anggulo, pero natigilan ako nang may nakita akong lalaking nakatayo sa di kalayuan. Hindi ko namalayang nakuhanan ko pala siya ng picture kaya agad kong binaba ang cellphone ko at tumingin sa gawi ni lolo at kumapit sa braso niya. "Lolo, taga dito po ba siya?"
"Mag-iisang buwan na siya dito, tingin ko nagbakasyon din siya gaya mo." Sagot ni lolo habang inaayos 'yong mga gamit ko.
"Ah okay po." Tinuloy ko ang pagkuha ng litrato.
Ilang minuto ang lumipas, napagod din ako kaya umuwi na kami ni lolo sa bahay niya, nilakad nalang namin ito dahil hindi naman ito kalayuan.
"Lolo, sorry po kung wala akong pasalubong sa'yo"
"Hay nako, ayos lang apo ko, ang mahalaga sa akin ay ang makita kang malusog at masaya."
"Lolo naman, sobrang sweet mo talaga." Niyakap ko ng sobrang higpit si Lolo at ibinaon ko ang aking mukha sa balikat niya. "gusto ko ring makita kang laging malusog at masaya. Promise, hindi ko kayo iiwan."
Pagkapasok namin sa tarangkahan, I opened my arms at huminga ako ng malalim nang may sumalubong sa aking sariwang hangin na nanggagaling sa mga punong kahoy na tinanim namin ni lolo ilang taon na din ang lumipas. Pumasok ako sa loob para ilagay ang mga gamit ko doon. Kahit na kahoy ang kabuuan ng bahay ni lolo, maayos parin itong tignan at sobrang linis. Ang pinaka favorite place ko dito ay ang terrace na nasa tapat lang ng gate.
Pumunta ako agad sa terrace at nahiga. "Hay! Sa wakas nakapag pahinga din." Malapad ang ngiti ko habang sinasabi 'yon.
Ipinikit ko ang mga mata ko para damdamin ang paligid. Rinig ko mula dito ang huni nga mga ibon, ang paghampas ng mga dahon sa isa't isa sa tuwing hinahangin sila at ang pag-agos ng tubig sa sapa sa 'di kalayuan.
Pagkadilat ko, natigilan ako nang makita ko yung lalaki kanina na nakatayo sa harap ng bahay ni lolo. "Sir.Arthur" tawag niya sa pangalan ni Lolo.
"B-bakit 'yon?" Nauutal kong sabi. Grabe ang gwapo kasi niya at para akong hihimatayin sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya.
"Pinapabigay kasi 'to ni grandpa kay Sir.Arthur." Napatingin ako doon sa hawak niya.
Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya para suriin yung hawak niya. "Ano 'to?"
"Hindi ko alam kay grandpa,"
"Pagkain ba 'to?" Nakanguso kong sabi.
Tinignan niya lang ako na para bang sinasabi niya sa isip na 'ang dami namang tanong ng isang 'to'. Nalaglag ang panga ko ng walang pasabi itong naglakad papasok sa bahay ni lolo.
"Aba't," Sinundan ko siya. "Hoy! Tinatanong pa kita." Ang bilis naman yata niyang maglakad. Mukhang mas memoryado pa niya 'tong bahay ni lolo kaysa sa akin.
Pagdating ko sa kusina, namilog ang mga mata ko nang makita kong binuksan na ni Lolo yung hawak nung lalaki na malaking lunch box.
Nagsubo ng isang sushi si Lolo. "Nako, Kiyoshi. Ang sarap naman nito. Pakisabi sa grandpa mo na maraming salamat." Nakangiting sabi ni Lolo habang tinatapik ang balikat nito.
YOU ARE READING
Summer love [SHORT STORY]
Historia CortaSummer Love "A chance to let your guard down, to be vulnerable, and to open your heart to someone new." Enjoy reading!