CHAPTER 11

933 11 1
                                    

Yuri's POV

Humiga ulit ako sa couch at wala pang minuto ay naramdaman ko na ang antok kaya ipinikit ko nalang ang mga Mata ko hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.

Zzzzzzzzzz

DING DONG DING DONG

"Hmmm" ang ingay naman ng doorbell.

DING DONG DING DONG

kinuha ko ang unan at tinakpan ang tenga ko saka ako pumikit ulit at hinayaan yung tunog na yun.

DING DONG DING DONG

"AARRGHHHH!!!! NAKAKAINIS NAMAN OH!!!" galit na bumangon ako sa pagkakahiga at galit na tinignan ang pintuan. Bw*sit mga Kuya ko nanaman to eh. Wala naman ibang bibisita sa akin kundi ang mga yun lang. Panggulo lang ang mga ito eh!

DING DONG DING DONG

"OO BUBUKSAN NA T*NGINA NAMAN EH KITANG INAANTOK PA YUNG TAO DOOR BELL KAYO NANG DOOR BELL. KAINIS NAMAN MGA WALANGYA"

malakas na sigaw ko. Kahit alam ko naman na hindi yun maririnig sa labas 

Padabog na naglalakad ako papunta ro'n habang nakabusangot ang mukha.

"KUY-

*MMWUAH*

gulat at bigla akong natigilan nang pagkabukas ko palang ng pintuan ay mabilis akong hinalikan ni Cedric sa labi.

"Kumain ka na? I think hindi pa. Kagigising mo lang eh, ayan ang gulo ng buhok mo" saka ito pumasok sa loob dala ang dalawang paper bag.

Dali-dali kung tinignan ang hallway at baka may nakakita sa ginawa niya.

"Ced, bakit mo yun ginawa?"

"Huh? ginawa? Ang alin?"

"Ced, naman eh. Walang tayo kaya bakit mo ako hinalikan? We're just friends at isa pa sinabi ko naman sa'yo diba na 'wag kang pupunta sa condo ko ng ikaw lang mag-isa. Ayaw ko lang na tayong dalawa lang ang nandito!"

"Yuri, wala naman tayong ginawang mali at isa pa I wanna make sure na safe ka at nakakain ka rito. Kaya nagdala ako ng foods para makakain ka. I'm worried baka hindi ka pa kumain"

"Ced, I'm old enough, and I know how to cook and feed myself, at isa pa may makakain ako rito. You don't need to do that"

"I'm sorry, nag-alala lang naman ako sa'yo"

"Kung nag-alala ka sa akin, hindi ka dapat nagpunta rito kasi alam mo naman ang init ng Mata ng media sa ating dalawa at isa pa. Hindi maganda na tayong dalawa lang ang nandito sa condo ko"

"I'm sorry. Kung ganon aalis na-nalang a-ako. I-ihanda ko na-nalang 'tong foods pa-para sa-sayo and after that a-aalis na a-ako" malungkot na usal niya dahilan para maramdaman ko ang awa sa boses nito. Tinignan ko ang ginagawa nitong paghahanda sa pagkain hanggang sa bigla nalang akong natigilan ng makita ang pagtulo ng luha nito.

"Ce-Ced"

"Hahahahaha I'm so-sorry, uhm I need to g-

"I'm so-sorry, hi-hindi ko sinasadya. A-ayaw ko lang kasi na masali ka at pag-usap-usapan sa social media dahil sa akin. I'm sorry hindi ko sinasadya"

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon