Sino Siya?

42 4 0
                                    

SINO SIYA?

Ako'y naglalakad ng nakilala ko siya

Tulala, wala sa sarili, ako'y parang sira

Hindi ko din alam kung bakit na lang bigla

Ako ay natauhan at naging masaya.

Kay daming pinagdaanan bago ko siya nakita

Siya na hindi ko lubos na inakala

Sa aking buhay magbibigay ng wagas na ligaya

Kahit nakaranas ng masasamang alaala.

Ngunit hindi inaasahan ako ay nagbago

Nawala sa wisyo, nakalimot ng todo

Lumakad mga-isa sa daang di totoo

Mga katotohanang itinuro bigla na lang naglaho.

Ngunit di kayang mabuhay na siya ay malayo

Ako'y bumalik at tinanggap niya ko ng buo

Ibibigay ang aking buhay, ito'y isang pangako

At ito'y kailanman di na mapapako.

Bago matapos ang tulang ginawa ko,

Nais ko siyang ipakilala sa inyo

Siya nga pala si Hesukristo

Ang dakilang Panginoon ko.

SINO SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon