Goal
"Leslie, deadline na ng bayad mo sa akin, ha!" singhal sa akin ni Vincent dahil hindi ko nabayaran ang utang ko sa kaniya.
Hindi kasi ako makahingi ng pera kay Tatay at alam kong pahihirapan ako non palagi. Bwiset na 'yon, kung hindi ko lang siya ama , tinakwil ko na 'yon eh.
"Parang tanga naman 'to, bente lang naman utang ko sayo ah." Laban ko naman at inirapan niya ako.
Hindi narin kami masyadong nagkikita nila Sol dahil nagtatrabaho siya kay Attorney Augustus at doon sa pamilya niya. Grabe nga ang babaeng 'yon, parang makakabingwit pa yata ng mayamang chupapi.
"Pautang ulit." Sabay lahad sa aking kamay at nakatingin sa kaniya.
Inirapan niya ako at napapalakpak ako sa tuwa ng maglabas siya ng pera pero humaba nag nguso ko nang limang-piso lang ang ibigay niya sa akin.
"Koripot!"
"Dukha! Sobrang laki naman ng pangingialangan mo ha!"
"Oo nga! pamasahe lang naman, ganda!" loko ko. Inirapan niya ako at naglagay ulit ng limang piso sa aking kamay.
"Oh, ayan! Sampung piso na 'yan! Kada isang araw may tubo 'yang bente! kapag hindi mo binalik sa akin 'yan, doble!"
Kumamot ako ng batok sa sinabi niya maarteng nagsway ng buhok. Ang baklang ito talaga! Dinaig pa, si Aling Krising kung magtubo eh. Manang mana.
"Hoy! Kulang pa 'to!" reklamo ko at hinabol ko siya.
Nang makarating kami sa freedom park ay doon kami kumain ng fishball at kikiam. Ang sarap talaga kapag libre eh, gutom na gutom na kasi ako talaga kaya hindi na ako nakatiis at tumusok tusok nalang sa fishball.
Bayaan ko na't si Vincent naman ang magbabayad nito.
Siniko ako ni Vincent at tumingin sa kaniya, may nakita akong lalaking lumapit sa amin, maraming lalaki iyon at ngumiti lang ako sa kanila.
"Leslie, type ka yata ni Enrique." Bulong niya at umirap lang ako.
"Ayoko ron, ang pangit." Reklamo ko naman at pinalo niya ang balikat ko.
"Pangit ka rin naman ah!"
"Mataas standards ko, mas mataas pa sa height ko!"
"Mayaman naman," laban niya pa.
Umirap lang ako sa kaniya at hindi na siya pinansin, tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng fishball na hawak-hawak ko. Ay kahit magmakaawa ka! Hinding hindi ako papatol diyan!
"Tangna!" sigaw nito.
Tumingin ako sa tinitingnan niyang lalaki at nakita ko ang pagbaba ng sasakyan nila sa tabi, ang lalaking nakatanggal ng virginity ko! Iyong lalaking nilaspag ako non!
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...