Sa isang munting bahay sa Sta. Maria, dumaan ang nanay ni Ann sa kuwarto ng kanyang anak. Nadinig niya ang tahol ng tila isang aspin sa bawat hakbang niya.
Nang kumatok siya sa pinto at tinawag ang kaniyang anak- walang sumagot. Dire-diretso padin ang pagtahol ng kanyang anak- este aspin.
Nang buksan niya ang pinto upang pumasok sa kuwarto, ang kaniyang "inosenteng" anak lamanh ang kaniyang nadatnan. SUBALIT, may paang nakalawit sa ilalim ng kama ni Ann.
"Kaninong underwear ito, 'nak?!" tanong ni nanay Jema at hindi napansin ang paa.
"HA?!" Sigaw na tanong ni Ann habang kabado at patagong sinipa ang paang nakasulpot sa ilalim ng kaniyang kama.
"A-ano kasi," natandaan nya ang kanyang fraternal twin. "Kay Anno iyan! Kala kasi nakakaloko siya nang sinabi kong maglaba na." Pairap na sabat ni Ann, kahit na sa kalalim-laliman ay very proud nang makaisip ng palusot. (baka impromptuist yarn)
"Asan ang iyong kapatid? Masabihan ngang huwag maging pasaway! Kundi, hindi ko na siya papayagang gumala!" Pagalit na tanong ni nanay Jema.
Pagkatalikod ni nanay Jema, biglang may sumulpot na itim na anyo sa kabilang banda ng higaan ni Ann. Pagkalingon niya, biglang nanlaki ang kaniyang nga mata at sumigaw-
"HUWAG!" Napatalon si Ann upang takpan ang ulo.
Nagulat si nanay Jema at agad na napatingin sa kanyang anak.
"Huwag nyo nang pagsabihan si Anno. Ako na ang bahala sa kaniya."
"Mother I'm hooOoomee~~" Bati ni Anno pagbukas nya ng pinto.
Isang oportunidad ang pumasok sa isip ni Ann. Sa segundong marinig ang pagsara ng pinto ay agad na kumilos si Ann upang itulak palabas ng bintana si Limmuel na balot na balot ng alikabok at ginagapangan ng labin-tatlong ipis.
Mataas man ang binagsakan ni Limmuel, hindi niya na inisip ang sakit na para bang may schedule-for-later-button siyang pinindot dahil matulin padin ang kaniyang pagtakbo pagkatapos niyang paglapag. (mala "crestfallen on the landing" ka pala ha)
Hindi na tinignan ni Ann ang pagkakahulog ni Limmuel dahil agaran niyang hinabol ang kaniyang ina para mapigilang makuwestyon ang kaniyang kapatid.
Bago pa man bumuka ang bibig ni nanay Jema, agad na kinapitan ni Ann ang mga balikat ng kaniyang ina at nilapitan sa tenga para sabihing-
"Ay Nay, alam nyo ba..." Mautak na bulong ni Ann dahil pang-ilang beses niya na itong nagagawa upang malibang ang kaniyang ina sa pamamagitan ng chismis.
Matapos i-spill ang tea, biglang nagpakita ulit si Anno. Kinabahan muli si Ann- isang "moment of truth" kung gumana ba ang kaniyang palusot...
"Ay siya nga pala..." Sabi ni nanay Jema habang siya patayo ng mabagal.
Napapikit nalamang si Ann...
"Itatanong ko sana pagpasok palang sa kuwarto ni Ann..." Banggit ni nanay Jema.
Parang gripo kung mag-pawis si Ann dahil sa kaba...
"Pupunta ako ng supermarket. May nais ba kayong ipabili?" Tanong ni nanay Jema.
Habang sinasabi ni Anno na magpapabili siya ng kanyang meryenda, malalim ang pagbubugtong-hininga ni Ann dahil gumana ang kaniyang panlilibang.
"Ikaw Ann, may gusto kang ipabili?" Tanong ulit ni nanay Jema.
"Ay wala po. 'Wag na po kayong gumastos para sa'kin." pangiting tugon ni Ann sa kaniyang ina.
Tumingin ng nakasimangot si nanay Jema at naninibago sa sinabi ni Ann. Natanggal ang ngiti ni Ann dahil akala niya hindi siya nakaligtas.
"Magpunas ka nga ng pawis! Naka-aircon naman tayo, nagmukha ka diyan na parang basang sisiw." Sabi ni nanay Jema habang palabas ng silid.
"Ay opo! Nainitan lang po ako sa tela ng aking damit. Makapagpalit na nga, haist!" Sagot ni Ann.
Habang pabalik sa kaniyang kuwarto, hindi napigilang humiyaw sa tuwa si Ann.
Pagbalik niya sa kama, naalala niya ang sinapit ni Limmuel. Agad niyang kinuha ang kaniyang telepono, binuksan ang Messenger, at nagulat sa kaniyang nakita.
"What!? Bakit ako naka-block?"
"Dahil ba tinulak ko siya palabas ng bintana?"
Tinignan ni Ann ang bawat isang social media account na meron siya. Subalit, mas malala pa ang kaniyang sinapit- ni-unfollow, naka-block, ni-unfriend, na pala siya na para bang hindi sila magkakilala.
"Ah ganyan pala ha. Pwes, magkikita pa naman kami sa school. Doon ko nalang siya kakausapin." Pataray na sabi ni Ann sa kaniyang sarili, pero deep inside, problemado siya to the point na nag-o-overthink na.
BINABASA MO ANG
Diary Of A Wild Kid
RomanceSi Ann ay isang dalagang babae na naninirahan sa probinsya ng kanyang ina. Matalino si Ann at palaging kasama sa honors, akala ng lahat siya ay isang anghel na nag mula sa langit ngunit hindi nila alam na siya ay may tinatago na ikagugulat ng lahat.