Kabanata 6

151 5 0
                                    


I stayed frozen for almost an hour, my brother came just to helped me with the driving. Hindi ko yata kayang magmaneho sa kalagayan kong ito.


"Tito? Why are you here?!." Si Chloe na halatang gulat, nagtatalon siya nang makita ang kapatid kong si Justin.


Justin is already 21 years old, he is still studying in a law school. Marami mang nagbago sa kanyang pisikal ay nanatili pa rin siyang sandalan ko, kahit noong bata pa kami, siya laging sumasalo ng kabalastugan ko.


Agad niyang kinarga si Chloe, pinakita naman ni Chloe ang natamong sugat sa hintuturo. Pumikit ako at hindi mapigilang masaktan kahit ganoon lamang ang natamo ng aking anak.


"Tita Mae, cleaned and put on a band aid here. Isn't it pretty? It's also my favorite color." Dumilat ako at saktong napako sa mga mata ng aking kapatid.


Bumuntong hininga ako at nagpasya nang umuwi. Hindi ko yata kayang pumunta ng resto ngayong araw, hindi ko rin yata kayang magliwaliw pa. Gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa kwarto.


Magmukmok gaya nang nakagawian ko sa tuwing nagkakaproblema. Tahimik kaming naglakad palabas ng mall, karga ni Justin si Chloe, antok na antok na rin gawa ng kakalaro. Si Mae naman ay hawak ang kamay ni Rein habang ako, nakasunod at hindi makapagsalita.


Alam kong naguguluhan sila sa inasal ko, ako rin naman. Hindi ko aakalain na maalala pa ang nakaraan. Dapat binaon ko na lang sa limot, lahat ng mga nagawa ko noon ay purong kamalian, hindi na dapat pang inalala.



Chloe fell asleep, me and my brother remained silent after we dropped off Mae and Rein. Bagsak ang mga mata kong may nangingilid na luha, pinaglalaruan ang bagong ayos na kuko.


"Naalala mo na naman ba, ate?!" May riin niyang tanong habang nagmamaneho.



Hindi ko siya sinagot ng salita bagkus humagulgol lamang ako ng iyak. Wala naman akong ibang naririnig sakanya kung hindi ang malalalim na buntong hininga.



"Ate, it's almost eight years. Sana matutunan mong kumuwala sa nangyari, I'll give you time to burst out pero sana huli na ito." Hindi ko siya nilingon at iniyak na lang lahat ng pangyayari.



Kung kaya kong burahin ang alala niya sa akin, kung kaya kong mapagmasdan ang anak namin nang hindi siya naalala ay matagal ko nang ginawa. Kung kayang pawiin ng luha ko ang sakit at ang kaunting puwang na meron ako sakanya ay matagal ko ng ginawa. Matagal ko ng iniyak ang lahat ng ito.



Pero.... hindi ako tanga, maaaring napaniwala ko ang mga nakapaligid sa akin pero hindi ang sarili ko, hindi ang puso kong nasasaktan sa lahat ng desisyon ko sa buhay.



The car engine stopped, I roamed my wetted eyes and saw that we stopped in front of Starbucks. I heard the door clicked and later own I saw my dear brother, he went inside and nanatili lamang akong nakatingin mula sa sasakyan.


Did I gave him another headache?



Napangisi ako sa sarili, ano pa nga ba. Ni hindi ko alam kung anong ginagawa niya ganitong oras, mas inuna niya kaming puntahan at daluhan. Paano kung may review ito? Paano kung may inaasikaso, tapos gagambalain ko lang dahil sa problema kong hindi ko kayang solusyunan.


Nagpatong-patong lahat ng problema ko, mula sa nakaraang mahirap kalimutan, ang pagbibigay ng problema sa nakakabatang kapatid at ang pagpalaya ko sa sariling anak.



Please, heal my broken heart. Heal my inner peace. Let me be free from the memories I had, from the wrong decisions I made,  from the mistakes I did.


Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon