Alas otso ng gabi ang kanyang out kaya pagkarating ng alas otso ay umuwi agad siya.
Nasa labas pa nga lang siya ng bahay ay rinig niya na ang lakas ng sigawan ng kanyang ina at ama sa loob na ikinabuntong niya ng malalim.
Pagod niyang tinulak pabukas ang pinto. Bumungad agad sa kanyang paningin ang nanlilisik na mata ng kanyang ama sa kanyang ina. Habang ang kanyang ina naman ay malakas na umiiyak.
Nagngitngit ang kanyang paningin at umigting ang kanyang panga sa galit. Ang pinaka-ayaw niya talaga sa lahat ay yung pinapa-iyak ang mama niya.
"Ano na naman ba 'to pa? " Galit niyang sikmat. Napupuno na. Agad napalingon ang kanyang ina sa kanya. Mabilis itong tumalikod at sekretong pinahiran ang mga luha.
"Oh? Dumating na pala ang magaling kong anak." sarkastikong saad ng kanyang ama sa kanya at sinabayan pa ito ng nang-uuyam na tawa.
Tumalim ang titig niya sa ama na ikinalisik ng mata nito.
"ANO? LALABAN KA? MATAPANG KA? " Galit nitong tanong at lumapit sa kanya pagkatapos ay dinuro-duro ang kanyang noo kaya mahina siyang napaatras.
"ANO!? SUMAGOT KANG PISTE KA!" Malakas ang boses nitong sigaw. "BAKIT HINDI KA MAKAPAG SALITA? TAKOT KA? HA?" Kinuyom niya ang kanyang kamao at pinigilan ang sariling sagutin ito.
Naamoy niya ang alak sa bibig ng ama kaya nasisiguro niyang nakainom ito. Wala namang bago, palagi itong lasing kung umuwi sa bahay. Tapos nanggugulo pa.
Agad na lumapit sa kanya ang kanyang ina at pinigilan ang asawa ngunit tinulak lang ito ng kanyang ama dahilan kung bakit malakas na napaupo ang kanyang ina sa sahig.
Galit nitong siningahalan ang kanyang ina at dinuraan sa mukha.
"PISTE KANG BABAE KA! WAG MO AKONG PIGIL-PIGILAN‚ PAREHAS KAYO NG ANAK MONG MALANDI! WALA KAYONG KWENTANG DALAWA! MALAS KAYO SA BUHAY KO! "
Bumigat ang kanyang paghinga. Nilapitan niya ang ina at tinulungan itong mai-upo sa sofa.
"A-anak‚ pasok kana sa kuwarto mo. " nag–aalalang saad nito sa kanya. " M-mag pahinga kana lang doon." Dagdag pa nito sa mahinang boses.
Umiling siya. "Hindi ma, kakausapin ko si pap—Aray!"
Hindi niya natapos ang pagsasalita ng biglang may malakas na humila sa kanyang buhok dahilan kung bakit siya napadaing at napatayo.
"Edgar! tama na yan! "
Malakas ang boses na pigil ng kanyang ina sa kanyang ama. Nababasa niya sa mga mata nito ang takot.
Napangiwi siya dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanyang buhok.
"ANONG TAMA NA! HUWAG MO AKONG PIPIGILAN KUNG AYAW MONG IKAW ANG IBABALIBAG KO! "
YOU ARE READING
POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓
Aléatoire[SOON TO BE PUBLISH UNDER HEART OF BOOK PUBLISHING] Maximo is a well-known womanizer and a bachelor. He enjoys toying with women's emotions, viewing them as mere objects for his pleasure. He didn't offer any commitment, just plain sex. Fulfilling h...