CHAPTER SEVEN

3.2K 59 3
                                    

Tinitigan niya ang sarili sa salamin na nakasuot ng pulang damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin na nakasuot ng pulang damit. Isa itong satin na damit na manipis kaya kitang-kita ang kanyang underwear. Nakasuot siya ng makapal na make-up. Pulang-pula ang labi niya, mukha siyang matured dahil dito. Nakasuot siya ng takong na hanggang anim na pulgada ang haba. Hindi siya sanay magsuot ng ganitong damit kaya naiilang siyang tumingin sa sarilibg ayos. Ngunit hindi siya makatanggi dahil baka magsumbong sila sa kanyang ama at maparusahan ang kanyang ina at mga kapatid. Kaya niya ito. Kaya niyang tiisin lahat para sa kanyang mga kapatid at ina.                          


Mas gugustuhin niyang siya ang magdusa kaysa ang kanyang ina na walang ginawa kundi protektahan siya laban sa walang pusong ama.

Galit siya sa kanyang ama, galit na galit. Paano nito iyon nagagawa sa kanya? Anak siya nito ngunit hindi siya  itinuring na anak. Simula pagkabata, hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Hindi niya alam, kahit anong gawin niya. Hindi nito maibigay ang atensyon at pagmamahal na gusto niya. Kahit na ang pagtawag sa kanyang anak ay hindi nito magawa.

Kaya galit siya. At lalong lumala ang galit niya sa kanyang ama nang mamatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa kagagawan ng ama. Kinuha nito ang kanyang kapatid at dinala sa pasugalan, saktong nagkaroon ng raid kaya nadamay ang kanyang kapatid. Nabaril ang kanyang nakababatang kapatid, na humantong sa kamatayan nito. Simula nang mangyari ang insidenteng iyon, hindi niya na ito kinikilala bilang ama. Hindi man lang ito nakonsensya.

Huminga siya ng malalim bago inayos ang damit niya, hinila niya iyon pababa pero dahil sa paghila niya ay lumabas ang ibabaw ng kanyang dibdib na dahilan ng paglitaw ng kanyang cleavage. Muli siyang huminga ng malalim at hinila ang tela sa kanyang dibdib pataas para kahit papaano ay maitago ang kanyang dibdib. Inilagay din niya ang kanyang buhok sa harapan para hindi makita ang kanyang dibdib.

"Are you ready Ai? " may malawak na ngiting tanong ng baklang si Gaylene pagkapasok sa dressing room.

Napilitan siyang tumango. Mabilis siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa. Nang makuntento na sa kanyang hitsura ay napalakpak ito sa tuwa. At bahagyang tumawa habang kumikinang ang mga matang tumitig sa kanyang mukha.

"Perfect! " natutuwa nitong tili sa matinis na boses. Pinanatili niya ang kanyang walang emosyong mukha. Ito lang ang natutuwa sa kanila. Hindi mababahiran ng tuwa ang kanyang mukha. Dahil higit sa lahat, hindi niya ito gusto. Hindi niya pinangarap na sumayaw ng malaswa sa harap ng mga kalalakihan habang suot ang isang manipis na tela na halos makita na ang kanyang kaluluwa.

Lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang buhok.Nilagay nito sa likod lahat kaya ngayon ay kitang-kita na ang kanyang dibdib dahil sa nipis ng tela.

"Dapat sa likod 'tong buhok mo para naman makita yang malaki mong hinaharap. " Saad nito gamit ang masayang tono.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Kahit hindi komportable ay hindi nalang siya nag reklamo at nilunok lahat ng pride.

"Gawin mo ng maayos ang trabaho mo, Understand? " Tumango lang siya at hindi nag salita.

"Good, now let's go." Pag–aaya nito sa kanya at hinila siya palabas ng dressing room. Pumwesto siya sa likod ng kurtina habang ang baklang gaylene naman ay dumeretso sa stage.

Nanginginig ang labi niya dahil sa sobrang takot at kaba. She's bothered to stand there at parang gusto niyang tumakbo ng mabilis palabas ng club na ito. Gusto niyang tumakas pero hindi niya magawa.

She weakly bit her lower lip to stop the tears from falling.

"Are you ready to see our new dancer tonight? I'm sure you will enjoy it because our new dancer tonight is really beautiful! " gaylene announced. Gaylene is not his real name, as far as he knows his real name is Gael.

Narinig niya ang hiyawan ng mga taong sabik na sabik na makita siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa ilalim ng telang suot niya.

"I see, you are really eager. Why don't we start right? Now, let's welcome our new dancer for tonight! Aida! "

She closed her eyes tightly at huminga ng malalim. Her hand staring to sweat dahil sa takot at kaba. Kumalabog ng malakas ang kanyang dibdib. Parang hindi na siya makahinga dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

Unti unting namuo ang kanyang luha sa mga mata.

Bumukas ang kurtina at agad tinutok sa kanya ang ilaw. Nanginginig na umawang ang kanyang bibig nang makita ang daming tao na nakaabang sa kanyang pag–akyat sa maliit na entablado.

Tinago niya sa likod ang kanyang namamawis at nanlalamig na kamay bago umakyat sa stage at pinilit na mag lakad ng nakakaakit, sinabayan ang mahina at nakakaakit na tugtog. Nanginginig ang kanyang tuhod ngunit hindi niya ito pinahalata.

She forcefully bit her lower lips seductively kahit hindi siya komportable. Dinig niya ang malakas na hiyawan ng mga kalalakihan dahil sa kanyang ginawa. Humawak siya sa stainless steel at nag lakad paikot dito. She swayed her butt and dance erotically. Sa kanyang bawat paggiling ay pakiramdam niya ay isa na siyang maduming babae.

She straightened her body and grab the pole with her dominant hand and position her inside foot close to the bases of the pole. She allow her arm to straighten so that her weight would be hanging away from the pole.

She swing all the way around the pole and  keep her outside leg straight and swing it out to the side and step all the way around the pole, pivoting on her inside foot at the same time. She bend her knee slightly as she turned and to make her movement more graceful.

Her next step is she hooked the pole with her leg and placed her outside foot down just behind her other foot. Transfer her weight to the back foot and hooked her inside leg around the front of the pole and making sure to get a good grip right behind her knee.

She arched her body backwards to finish off, she lowerd her hand to allow for a deeper arch. She was making sure that she have a good grip with her leg and her hand para hindi mahulog.

Nang matapos ang musika, dali-dali siyang bumaba sa maliit na stage at umiiyak na tumakbo pabalik sa dressing room. Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng mga lalaki ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo palayo sa stage. Pagpasok niya sa dressing room ay agad siyang sumandal sa gilid ng pinto at umiyak. Kahit sumayaw lang ang ginawa niya, hindi pa rin niya maatim na sumayaw siya ng malaswa sa harapan ng mga kalalakihan. Para siyang naging prostitute.


Mabilis siyang nag–angat ng tingin ng mapansin ang pagpasok ni Gaylene.

"That was great Ai! Hindi talaga ako nagkakamaling bilhin ka sa tatay mo. " Saad nito na animoy proud sa sarili.

She didn't say anything.

"Hey, bakit hindi ka masaya? Diba dapat masaya ka kasi nagawa mo ng maayos ang trabaho mo? " saad nito at may panunuyang tumawa. Lumapit ito sa kanyang harapan at pinahiran ang kanyang luha sa kanyang pisnge. Matalim na titig lang ang kanyang nagawa.

"Oh dear, don't stare at me like that. You should be thankful dahil pinasayaw lang kita at hindi binugaw. " saad nito.

She scoffed. Hindi binugaw? Anong tawag sa ginawa niyang pagpapasayaw sa kanya sa harap ng mga tigang na kalalakihan? Hindi parin ba ito matatawag na pambubugaw?

Hindi siya sumagot, pagod na siya. Pagod na siyang makipag sagutan na sa huli ay alam niyang siya ang talo.

POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓Where stories live. Discover now