Pagkatapos ng klase, dumeretso na kaagad si Ara sa café na nasa harapan ng school dahil nagugutom na siya. Hindi pa siya kumakain dahil may exam siya at hindi siya puwedeng makaramdam ng suka kaya tanging candy pa lang ang nakakain niya.
Bumili siya ng Cherry Lemonade Refresher at Creamy Chicken Pasta. Nakita rin niya ang vanilla cake na mayroong honeycomb kaya binili niya iyon dahil gutom na gutom na siya.
In a two hours, magkikita sila ni Kanoa para sa mapag-usapan ang tungkol sa huling project na ginawa nila. Malamang na ito na rin ang huling pag-uusap nila at hindi na muling masusundan. Mas gusto niya iyon dahil habang tumagal, mas mahahalata nito ang sitwasyon niya.
After eating, Ara started reading some notes for her exams. She put on her earphones and listened to music while studying. A few more weeks, she was done and a bigger responsibility was ahead of her.
Binuksan niya ang to-do list niya sa mga susunod pa. Bukod sa mga exam na ipapasa niya, naroon na rin ang mga schedule ng check up, blood works, at ultrasound sa mga susunod pa. Naroon din ang vitamins na kailangan niyang inumin para sa pagbubuntis.
Bumaba ang tingin niya sa listahan. Naroon ang future plans tulad na lang ng pangarap niyang pagpunta sa ibang bansa tulad ng New York at makita ang aurora lights na mukhang hindi na niya magagawa.
Ara breathed and focused on reading instead of thinking about the future. The present was much harder to face, but she had to.
She was tapping the edge of her laptop and realized that she was listening to Enchanted by Taylor Swift. Agad niyang ipinikit ang mga mata niya nang maalala si Kanoa. Hindi man niya gusto ngunit halos lahat ng kantang mapakikinggan niya, si Kanoa ang naalala niya. Ni hindi niya alam kung bobo ba talaga siya at tanga para isiping mahal pa rin niya ito pagkatapos nang lahat ng nangyari.
It really was enchanting to meet him, but after realizing everything was fake, Ara was shattered. She could still remember every word from the day she found out about the dare.
Naririnig niya ang bawat salitang binitiwan ni Kanoa sa messages kasama ang mga kaibigan nito na para bang sinabi sa kaniya nang harapan. May pagkakataong parang naririnig niya ang boses o tawanan kahit na hindi naman niya iyon napakinggan nang harapan.
Ara bit her lower lip and tried so hard not to cry. She changed the song and focused on something else.
"Hi." Ibinaba ni Kanoa ang juice na binili nito na mayroong pangalan niya. "Kanina ka pa?"
Naupo ito sa katabing bar stool ngunit mayroong malaking gap sa kanilang dalawa. But the safe space between them didn't help because he could smell Kanoa. Her heart pounded, but immediately calmed.
Tumango si Ara. "Yup. Wala na kasi akong class so here na lang ako nagpunta. You?"
"Kararating ko lang. Late na kasi nagpalabas 'yong prof ko," sagot ni Kanoa.
Nagsimulang mag-explain si Ara tungkol sa mga pinaaayos ng adviser nila sa thesis. Binibilisan niyang magsalita para madaling matapos dahil hindi niya matagalan ang presensya ni Kanoa. Nahuhuli pa niyang nakatitig ito sa kaniya at hindi siya kumportable dahil baka mahalata nitong may mga pagbabago lalo na at medyo nagkalaman na siya kumpara noon.
Itinuro niya kay Kanoa mula sa laptop ang mga dapat nilang ayusin sa video. Nag-note na rin siya sa shared document nila para matapos na. Final revision na. Tapos na talaga.
"That's it! The directing was perfect," Ara looked at Kanoa. "And because it's finally complete . . ." She paused trying to find the perfect words to say. "We won't have to meet again. We'll see each other pa rin naman here sa school, but today's the last day we'll talk normally. No more reason for messages and emails, too."
BINABASA MO ANG
Every New Beginning Counts
Genel KurguMaking Every Second Count - Book 2 (Narration)