I
O kay sakit man isipin
Na wala na ang nararamdaman mo sa akin
Pero kailangan kong tanggapin
Na hindi talaga ikaw ang para sa akin.
II
Sinayang mo lang ang ating nakaraan
Dahil lang sa babaeng dumaan
'Di ka man lang gumawa ng paraan
Para maibalik ang ating pinagsamahan.
III
Pinilit kong maging masaya
Sa kabila ng aking pagdurusa
Pero sa tuwing makikita ka na masaya sa piling niya
'Di ko mapigilan ang sakit na nadarama.
IV
Pero sa lahat ng sakit na pinaramdam mo
Nagpapasalamat pa rin ako
Dahil kung 'di dahil sayo
'Di ko makikilala ang lalaking mamahalin ko ng husto.
:))))))
Thank you for reading! :*
Vote, Be a Fan ;)