Dedicated to: TheDuchessofDonts
Yiiiie !!!! Hello dyosang Anica ! HAHAHA . ^_____________^
Actually , hindi ito yung original na naisip kong story . Ibang iba yung nasimulan ko na last time . Kaso lang , parang kasi ano .. ang lungkot masyado nung naisip ko . Kaya ayan , pinalitan ko nalang . At eto ang naging produkto ng baliw kong utak . HAHAHA .
Pagpasensyahan mo na rin pala yung title , wala akong maisip . HAHAHA . di ako marunong gumawa ng matinong title ... =___________=
Sana magustuhan mo ... Nahihiya ako sa pinaggagagawa ko dito . HAHAHA . Kung may mga typos, pasensya na rin . di ko na kasi binabasa ulit to . HAHAHA
===================================================================
Sabi nila, kapag daw ikaw yung nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride, ikaw daw yung ikakasal na susunod... Totoo kaya yun?
Ano naman ba kasing connect nung bouquet na nasalo sa pag-aasawa diba? Mga naiisip naman talaga nila oo.
Ay nga pala, ako si Nicole. 24 years old na ako pero hanggang ngayon, NBSB ako. Aba, hindi ko kinakahiya yun ano! Proud ako na NBSB ako. Bakit?
Kasi sinusulat pa ni Papa Jesus yung best love story na para sa akin. :D
"Para po!" pababa na ako ng tricycle. Nandito na kasi ako sa tapat ng isang shop ng mga gown.
"Goodmorning! Ano pong hanap niyo?" bati sakin ng isang babae. Tagabantay ng shop siguro.
"Ahm, magpapatahi sana ako ng gown eh. Pero may style na ako. Eto oh." sabi ko sa kanya sabay pakita ng papel kung nasaan yung design na ginawa ko.
Yep! Ako ang nagdesign ng damit ko. Hilig ko kasi magdesign ng mga gowns eh. Pero hindi ako marunong magtahi.
Matapos akong sukatan para sa gown na ipapatahi ko, dumaan na muna ako sa SM para kumain. Nakakagutom rin naman kasi.
Yung pinatahi ko nga palang damit, pang-abay ko yun. Ikakasal na kasi si Ate Brielle, yung pinakamatanda sa aming magpipinsan. At dahil ako ang sumunod na matanda sa kanya at ako rin ang pinakaclose niya, ginawa niya akong maid of honor.
Paglabas ko ng Mcdo, kung saan ako kumain, may nakabanggaan akong isang lalaki.
"Ouch!" tinamaan niya kasi ako sa balikat.
"Ay sorry Miss. Pasensya ka na. Hindi ko kasi napansin." sabi sakin nung lalaki.
"Uh, okay lang. Sige." sabay lakad ko palayo dun sa lalaki.
Infairness, may itsura si Kuya. Sayang di nakipagkilala. Pero nakita ko yung name niya sa ID niya. Hahaha
Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Ate Brielle sa sala. Magkausap pa sila ni Mommy. Siguro nagtatanong lang kung nagpatahi na ako ng damit ko.
"Oh, ayan na pala si Nicole eh." sabi ni Mommy.
"Bakit Ate?" tanong ko naman pagkabeso ko sa kanilang dalawa.
"Dinala ko lang yung invitation niyo para sa kasal ko." nilapitan ko si Ate tsaka ko kinuha yung invitation na hawak niya.
Syempre, nakita ko doon ang nagmamagandang pangalan ko...
Nicole C. Saavedra
Maid of Honor
At yung katapat ng pangalan ko,