Chapter 11

3.4K 26 2
                                    

*NOTE*

hindi pa po ito ang last part... meron pang isa.. then isa pa.. ;) last two na po after this... hope u like this!

*11*

“Tine, samahan mo naman ako sa puerto princesa.”, si Rosie ang caller ko pagtapos ng sweet na sweet na kanta na pinadala ng mokong na yun!

“ sa lahat naman ng lugar… ang tindi mo naman, ano kala mo sakin? Masokista?”, umasa talaga ko na si Paeng na yung caller ko ha!

“eto naman.. ngayon na nga lang tayo magkakasama eh”

“ano nanaman ang drama mo?”, sungit ko naman.

“yung may ari kasi ng resort na nakabili ng property ni lola doon, naghahanap ng concessionaire na bakeshop, time for expansion ko na.”, pagyayabang niya sa akin.

“bakit naman doon mo pa gusto mag expand? Of all places.”

“eh kasi naman, doon ang province ko, kaya dapat lang na matikman ng mga kababayan ko ang luto ko.”

“eh hindi naman kababayan mo ang mag checheck in sa resort na yun eh, tourists kaya!”, kaasar talaga. Bakit hindi siya ang tumawag? Siyempre naman alam niya ang estimate ng time na dapat natapos ko na pakinggan yung kanta kasi dinrop naman sa lobby yung CD!

“sige na tine, samahan mo na ako. Sige ka, hindi ako papabook sayo ng trip kahit kelan kapag hindi mo ako sinamahan.”, blackmailer na ngayon si Rosie.

“grabe naman sa blackmail to. o sige na, siguraduhin mo lang na wala yung rafael callejo carvajal doon.”, sabi ko. Pumayag na din ako sa gusto niya, para ibaba na naming yung phone at baka tumatawag na si Paeng.

“honestly, sila nga ang nakabili ng property ni lola at sila din ang naghahanap ng conceessionaire, pero si jake ang kausap ko.”, umamin naman siya.

“siguraduhin mo nga na wala yung hayup na yun doon.”, sabi ko. Galit galitan pa din pero hinihintay naman ang tawag ni Paeng. Labo lang talaga ng love eh.

“oo promise. Sasama ka na?!”

“patay ka sakin pag nandun iyon.”, threat kung threat!

“kunyari pa to, gusto mo din naman siya Makita.”

“tigilan mo ko!”, sabi ko, pero huli naman ako dun. Hinohope ko na nadun siya at makikipagbati sa akin!

“totoo naman ah. Mahal mo pa naman yung mokong na iyon eh, miss mo na din siya diba”, nanghuhuli na naman si Rosie, eh alam na alam naman niya ang sagot!

“sige, mang-asar ka pa. hindi talaga kita sasamahan!”

“oo na. alam ko naman ang sagot sa mga tanong ko. basta sasamahan mo ako ha. Babush! Book it na! Dapat two days from now andun na tayo ha. Chaka morning flight ha. Kasi maaga ang meeting ko sa chef doon.”

“Napaka demanding mo! O sige na! Will charge you na lang!”, sabi ko sabay baba ng phone.

Puerto Princesa 2 days after the call and the CD Delivery…

830 sila ng umaga dumating kasi sabi ni Rosie 10am daw ang call time niya. Call time eh. Parang artista lang!

Pagdating nila ng resort, nagulat si Tine. Ang ganda na! Parang kambal ng Paradiso sa Subic! Siyempre, what is expected eh isa nga ang may ari..

Muka namang wala yung may ari dito kasi 930 na, hindi ko pa nakikita ang muka niya. Samatalang dati sa Paradiso, umiikot nay un, 9am pa lang, tapos na siya sa routine check niya sa buong resort.

Si Rosie naman, pag ka check in naming sa room, nawala na. So,eto ko ngayon, maaga pa naman kaya pwede pa ko mag lakad lakad sa beach. Di pa ko masusunburn ng todo nito.

Pagdating niya sa beach, ang ganda ganda! How I love the water talaga. It makes me feel calm. Ang sarap pa ng hangin. Hindi mainit at hindi malamig. Sakto lang.

Lumakad lakad lang siya. Pumunta siya sa dating rest house nila Rosie. Natibag na halos kalahati ng portion ng dating bahay ni Lola Norma. Two years ago nang mamatay si Lola, kaya ibinenta na ang rest house nila, tamang tama naman, ginawa ng resort nila Paeng yung dating rest house nila, kaya nang naging up for sale ang bahay ni Lola Norma, binili na nila Paeng ang property. Ang laki laki na ng resort nila. Nabili na din kasi nila yung bahay sa gitna ng mga bahay nila at ni Lola Norma, so its like 3 beach properties na pinagdikit dikit.

Tinignan ni Tine yung dating nilalatagan nila ng bonfire. Naaliw siya nang maalala niya yung memories na nagkukulitan silang lahat, nagtatawanan, nagkakantahan, nagliligawan sila Rosie and Jake. Tapos ako naman, ayun nakikipaglokohan sa batang skinhead na may bakal ang ngipin. Natawa ako sa naalala ko.

Di pa ganon kagwapo si Paeng dati, pero may ichura na. Pero iba pa din ngayon! Grabe sobrang gwapo na siya ngayon! Di na galit si Tine sa kanya. Galit galitan na lang.

Yung pinadala niyang CD ang dahilan kaya parang napatawad na ni Tine si Paeng. We need to talk.

Kaya naman siya nag gagalit galitan kasi naman, wala pa din communication si Paeng sa kanya. Pagtapos niya magpadala ng “How do I Breathe” version niya eh wala lang? Labo!

Lumakad si Tine palayo sa resort, pinuntahan niya yung dating inupuan nila na bato ni Paeng nung first time silang nanuod ng sunset. Andun pa din. Steady and Strong.

Tinaas niya ang dulo ng maxi dress niya na kanina pa hinahampas ng mahinang hangin. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa bato habang hawak ang laylayan ng damit para hindi mabasa ng tubig.

Nang nakapwesto na siya sa bato, napa-smile siya. Ang sarap ng pakiramdam na tinatamaan siya ng malilit na waves ng dagat. Nakaka refresh ng feeling. Pero bigla siyang nalungkot kasi hindi niya kasama ang katabi niya dati sa batong ito.

Napasulyap siya sa side ng resort nila Paeng. Nakita niya may nag se-set up ng mga tents, may mga nagdedecorate ng bulaklak.

Ang ganda! Mukang may Beach wedding mamaya! Natuwa siya pero nainggit. Parang feel niya mag usyoso kaya tumayo na siya sa bato nila Paeng at naglakad na pabalik sa resort.

Habang naglalakad siya palapit sa resort, parang may nakita siyang pamilyar na lalaking naka pamewang dun na parang may hinahanap. Si Paeng.

Ah, siya siguro ang nag aasikaso sa wedding set up., Hindi niya tuloy alam kung lalapitan ba niya? Baka bad mood to. Pero naisip niya, siguro naman, okay lang, dapat na sila mag usap. Mahigit isang linggo na simula nung nag walk out siya sa Subic. 9 days na to be exact.

Umikot si Paeng at sakto na nakita siya na naglalakad pabalik sa resort. Mag sa-smile dapat siya ditto, pero…

“SAN KA GALING?!”, sigaw nito sa kanya habang humahakbang ng malalaki papunta sa kanya.

Teka, bakit galit to?, nagtatakang isip ni Tine.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon