CHAPTER NINE

3.1K 54 6
                                    

"Anak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anak..."

Agad siyang napalingon sa pamilyar na boses na nanggaling sa kanyang likod. Umawang ang kanyang bibig ng makita niya ang kanyang ina. Nagsimulang manubig ang kanyang mata nang makita ito.

Malungkot itong naglakad patungo sa kanya kaya dali-dali siyang tumayo sa mataas na upuan at sinalubong ang kanyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit nang makalapit ito sa kanya. Umiiyak na ibinaon niya ang mukha sa leeg ng ina at doon malakas na humagulgol. Sobrang na-miss niya ang kanyang ina at mga kapatid. Nanginginig ang mga balikat niya sa pag-iyak.

"Ma." Nanginginig ang kanyang boses na tawag sa ina.

Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang pisngi at pinunasan ang mga luhang naglandasan sa kanyang pisngi. Malungkot itong ngumiti at kitang-kita niya na pinipilit ng kanyang ina na huwag umiyak.

"A-anak patawarin mo sana si mama kung wala akong nagawa. " Naiiyak nitong hingi ng tawad na ikinailing niya.

Nanginginig ang labing maliit siyang ngumiti.

"Wala kang kasalanan ma. M-Maayos naman ako dito. " garalgal ang boses niyang sagot. Pilit na pinapakitang ayos lang siya kahit gusto niya nang umuwi sa kanila.

Yumuko ito at umiling-iling.

"Hayaan mo anak‚ gagawa si mama ng paraan para mai-alis kita sa lugar na'to." Pangako nito sa kanya.

Naluluhang tumango siya at niyakap ulit ito ng mahigpit. Hinawakan niya ito sa siko at pinaupo, ngunit nagulat siya ng mahina itong dumaing. Animo'y may nasagi siyang masakit dito. Nakakunot noong tumingin siya sa kanyang ina.

"Ma—" ngumiti ito at umiling. Hindi nito pinatapos ang kanyang pagsasalita.

Hindi siya nakinig at kinuha ang braso ng ina na agad nitong binawi at tinago sa likod.

"N-Nak, huwag na. " Pigil nito ngunit hindi siya pinakinggan at hinuli ulit ang kanyang braso na ikinatagumpay niya.

Agad niyang itinaas ang manggas ng damit ng kanyang ina. Napasinghap siya nang makita ang malaking pasa sa itaas ng siko nito. Ito ay naging itim at namamaga na. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa galit.

Marahan niyang binitawan ang braso ng ina at tumalikod. Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha. Bumigat ang kanyang paghinga at pinipilit na huwag sumigaw sa sobrang galit. Nanginginig ang kanyang mga kalamnan sa pagpipigil. Bumuka ang bibig niya pero agad ding tinikom. Frustrated niyang ginulo ang buhok niya.

Tangina! Ang pinakayaw ko sa lahat ay ang sinasaktan si mama.

"A-Anak..." Gumagaralgal ang boses nitong tawag sa kanya.

Umiling siya at hindi nilingon ang ina. Ayaw niyang makita nito ang galit at poot sa kanyang mga mata. Ayaw niyang makita nito ang galit niya sa sarili niyang ama. Sobrang sakit, sobrang sakit na makita ng nanay niyang sinasaktan ng ama. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi sa galit. She fvcking hates her father for doing this to her mother. Hindi pa ba enough ang pagbenta nito sa kanya? Bakit kailangan nito saktan ang kanyang ina? Ano ba ang nagawa nilang mali para tratuhin sila ng ganito? Pumayag na nga siya na ibenta nito dahil akala niya ay hindi nito sasaktan ang kanyang ina at ang kanyang mga kapatid. Pumayag siya kahit nakataya ang kanyang dignidad at pagkatao.


"A-anak...tumingin ka kay mama. " pakiusap nito sa nanginginig na boses.

Paano nagawa ng ina niya ang mag panggap na ayos lang ito? Paano nito nagawang tiisin ang ama for almost 23 years? Ganyan ba talaga kapag nag mahal ka? Handa mong tiisin ang lahat kahit masakit na? Kasi kung ganito lang din naman pala ay hindi na siya papasok sa isang relasyon. Kasi ayaw niyang mag pakamartyr.

Lumakas ang kanyang pag-iyak ng maramdaman ang mainit at mahigpit na yakap ng ina sa kanyang likod. Agad siyang humarap at ginantihan ito ng mahigpit na yakap.

"M-Ma‚ paano niyo nagawang tiisin si papa? Paano mo nagawang patuloy siyang mahalin kahit sinasaktan at inaabuso ka na niya? " hindi niya mapigilang tanong.

Hinalikan nito ang kanyang noo at huminga ng malalim.

"A-Anak‚ kapag mahal mo ang isang tao handa kang mag-tiis‚ handa kang mag pakamartyr para sa kanya at para sa pamilya niyo. Handa mong gawin ang lahat huwag lang mawala ang taong yun sa buhay mo. Pero kapag alam mong sobra na. Dapat matoto ka ring sumuko, matoto ka ring bumitaw" panimula nito.

"Alam mo ba‚ nang piliin ko ang papa mo akala ko‚ magiging masaya ako kasi yung taong mahal na mahal ko makakasama ko na hanggang sa pag tanda. Ngunit‚ naisip ko sa bandang huli ang malas ko pala kasi nag padalos-dalos ako. Nag padalos–dalos ako sa desisyon kong pakasalan ang ama mo. Hindi ko muna kinilala ng matagal ang papa mo bago sumama at nag pakasal dito. " nababasa niya sa mga mata nito ang lungkot at pagsisisi.

"Gustuhin ko mang iwan ang ama niyo. Hindi ko magagawa, kasi palagi ko kayong iniisip. Paano ang mararamdaman ninyo kapag nag hiwalay kami ng papa mo? Ayos lang sana kung wala pa kaming anak dahil hindi ako mahihirapang iwan ito. Pero 'andiyan kayo e, ayaw kong mag desisyon na hiwalayan ang ama ninyo dahil alam kong maaapektuhan kayong magkakapatid. "

"Kaya ikaw‚ bago ka sumama at mag pasyang mag pakasal sa taong mahal mo, kilalanin mo muna siya ng husto para hindi ka mag sisisi sa bandang huli. Pag-isipan mo muna ng maigi kung yung taong yun ba ay nararapat sa pagmamahal mo. " Pagbibigay payo nito sa kanya.

Malalim siyang humugot ng hininga at pinahiran ang kanyang luha at kumalas sa kanilang yakapan.

"Alam ho ba ni papa na pumunta kayo dito? "Puno ng pag–aalala niyang tanong.

Umiling ito bilang sagot. "Hindi anak‚" sagot nito. "Pinagbawalan niya akong puntahan ka dito. Ang alam nito pupunta ako kina Norma para mang labada. "

"Mag-iingat ka dito ha? Huwag mong pababayaan ang iyong sarili. " Nag-aalala at malungkot nitong habilin sa kanya.

Tumango siya at tipid na ngumiti.

"Opo ma‚ kayo din po. Huwag niyo pong pababayaan ang iyong sarili at ang mga kapatid ko. "

Malungkot itong tumango at tinitigan siya ng malumanay.

"Uuwi na ako anak baka nasa bahay na ang papa mo. " Paalam nito.

Naninikip ang dibdib niyang niyakap ito sa huling beses at hinatid ito sa pintuan ng club.

"Mag-iingat ka po ma." Basag itong ngumiti at nag lakad na palayo.

Malungkot niyang tinatanaw ang papalayong bulto ng ina hanggang sa ito'y nawala na sa kanyang paningin. Bumalik siya sa loob ng club, ang nag-aalalang mukha agad ng kanyang mga kasamahan ang sumalubong sa kanya.

Oo nga pala, nakita nila ang eksena kanina dahil nandito silang lahat nakaupo sa counter ng club. Maaga pa kaya wala pang mga customer na pumapasok‚ sigurado siyang mamayang gabi pa dadagsa ang mga customer ng bar.

"Ayos ka lang? " Nag-aalalang tanong sa kanya ni Faye. Pagod siyang ngumiti at tumango.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa kinauupuan ko kanina at tahimik na tumulala.

"Hey."

Agad akong napalingon sa nag salita sa kanyang likod. She saw Abegail worriedly staring at her. Umupo ito sa kanyang tabi.

"Don't overthink too much‚ magiging maayos lang ang lahat. " pag papagaang loob nito sa kanya. Maliit niya itong nginitian at nag pasalamat.

She is so thankful na kahit mahirap ang pinag daraan niya ngayon ay may mga tao pa ring handang tumulong para pagaanin  loob niya.


***
🫶🫶

POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓Where stories live. Discover now